Hindi. Hindi ako sinusundan nito. Wala na nga siyang pake 'di ba? Utak mo rin Tatiana, e. Nakakatanga ka na rin minsan, e. "Gago tol hindi pa rin umaalis, ano gagawin natin?" "Baka sasayaw. Tanga mo, syempre 'wag magpahalata. 'Wag mo na tignan nang tignan! Nagpapahalata ka lang lalo, e." May something sa 'kin na ayokong makita ako ni Chase na may kasamang iba. Nakakainis lang dahil ano pa ba ang inaalala ko? Siya na rin naman na ang nagsabi na wala na kami. Ano naman ngayon sa 'kin kung makita niya ako na may kasamang iba 'di ba? "Pagbilang ko ng tatlo takbo tayo palabas, ha," paguutos ko kay Caylus habang minamata ang paligid ko. Mahirap na. Baka may kasama siyang taga school, e. Mas lalo lang kami mahuhuli. "Baliw ka ba? E 'di mas mahuhuli tayo dahil iisipin niyan bakit kaya tayo tu

