Sa buong pagsasama namin, binago ko 'yung sarili ko para sa kaniya kaya saan ako nagkulang? Nang makababa ako sa sakayan, agad akong pumara ng sasakyan papunta sa bahay nila Chase kung saan niya ako unang dinala. I just hope na andun sila. Andun siya. Sa buong byahe hindi ko napigilan ang mga luha ko mula sa pagpatak. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapaisip kung ano ang nangyari at kamusta siya. Ilang beses ko pa ring sinusubukang tawagan ang cellphone niya ngunit nakapatay pa rin ito. Gusto ko lang naman na ipaintindi niya sa 'kin kung bakit bigla na lang ayaw niya na. "Ma'am andito na po tayo." Agad akong napamulat nang marinig ko ang pagtawag sa 'kin ng taxi driver. Nakatulog na pala ako sa kakaiyak nang hindi ko namamalayan. Inabot ko na ang bayad dito at agad na bumaba hab

