Aria's POV "What?! Is he crazy?!" "Sana nga nababaliw lang ang lalaking 'yon Vena pero s**t lang! Mukhang totohanin niya ang plano niya sa anak ko," angil ko habang mahigpit na hinahawakan ang hamba ng hagdan. Kanina pa ako paikot-ikot dito sa bahay, wala na naman ang dalawa dahil may gagawin daw sila, mas okay naman 'yun para hindi na mag abala si Sedrex kung sakali. Kasama ko si Vena ngayon, wala naman daw siyang gagawin sa mansyon nila kaya't dumalaw siya sa akin. Argh! Kanina pa talaga ako nangigigil kay Triton, minsan talaga topakin ang hayop na 'yon. Subukan niya lang kundi magkamatayan talaga kami. Hindi ko siya aatrasan. "Wag mo 'kong tingnan ng ganyan kung ayaw mong hagisan kita ng baso." sambit ni Vena dahilan ng pag iwas ko ng tingin. Mukhang sa kaniya ko nabunton ang galit

