Chapter 3

1216 Words
Thesra Ariana Desmina's POV "Good job!" "Nice!" "I love it!" Pumalakpak ang photographer pagkatapos ng shooting namin. Hangang-hanga sila sa mga poses na binigay ko sakanila, actually mahilig talaga ako mag pose-pose simula nuong bata pa lang ako. Pinangarap ko talaga na maging model hanggang sa nakamit ko nga ang pangarap ko. I graduated from New York. Sedrex helped me with the things I had never known before, and he also helped me became stronger. I'm very thankful to him, kundi dahil sa kaniya? Hindi ko makakamit ang lahat ng ito. Mabait si Sedrex takot na takot nga iyon sa akin eh! Lol, hindi ko nga lang alam. Kapag nag-aaway kami, lagi niya akong sinusuyo. Ayaw niya raw kasing nag-aaway kami, honestly? Ang swerte-swerte ng mapapangasawa ni Sedrex. Hindi lang mayaman, gwapo? Sikat? Mabait pa! Saan ka pa hahanap ng iba? "Miss Desmina?" tawag ng isang staff sa akin. Sinalubong ko siya ng tingin habang hawak ko ang sariling phone ko. Tatawagan ko na nga sana si Sedrex, ka-kamustahin ko lang ang anak ko. Ayaw na ayaw pa naman niyang tumira dito dahil mainit daw. May aircon naman kami pero mainit parin ang pakiramdam niya. Mahirap talaga kapag nasanay ka na. "Yes?" balik na tanong ko sa kaniya. "Paki sign daw po nito sabi ni direk," saad niya. Nilapag ko ang phone ko sa mesa, kinuha ko ang nilahad niyang papel. Binasa ko muna bago permahan, tungkol na naman ito sa new project at kasama ko pa si Amber dito. Tch! Ayokong makasama ang babaeng iyon sa trabaho, nauumay ako sa mukha niya. Parang gusto ko na agad siyang sabunutan. "Sorry. I will not accept this job, find another. I really don't want to be with Amber Kelton in this job." deretsang sabi ko sabay tayo na para umalis since tapos na ang trabaho ko dito. Wala namang kwenta kung tungkol sa trabaho namin ni Amber ang pag-uusapan, kumukulo lamang ang dugo ko. Ayokong ma stress, bwesit talaga, nakakaAMBERNA talaga ang mukha ni Amber. "But Miss, we need you too." "You heard me right? I don't want to work with Amber Kelton, mag hanap na lang kayo ng ibang babae." mataray na sabi ko, hindi ko na siya hinintay na sumagot. Sinuot ko ang shades ko sabay labas ng kompanya. May shooting pa ako bukas sa Roswell company, marami akong invitations na natanggap, so hindi ko kailangan ang kompanyang pinag-tra-trabahuan ni Amber. Tsk! Type pala ni Triton ang mga model 'noh? Kaya parang pursegedo din si Amber. Low class talaga. Nilabas ko ang phone ko, dinayal ko ang cellphone number ni Sedrex habang nasa naka sandal sa pintuan ng kotse ko. Kanina pa ako tumatawag walang sumasagot, baka naman may ginagawa ang dalawa? Dinala na naman kaya ni Sedrex si Zack sa kompanya nila. Hays! Maaga kasi akong umalis sa bahay kanina, ayokong isipin ng ibang tao na pa VIP ako, tch! Kahit na gustong-gusto ko talagang magpa-late. Sila ang nag aya sa akin dapat mag hintay sila. "What are they doing now? Bakit ang taga—" "Walang hiya kang impokrita ka! Dahil na naman saiyo nawalan ako ng trabaho! Papansin ka talaga Aria noh!" hindi ko nailagan ang kamay ni Amber kaya't malaya niya akong nasabunutan. Pero hindi ako natakot sa halip ay ngumisi ako. I'm not afraid of anything now, mas malala pa itong ginawa niya sa ginagawa ko sa New York. Piece of s**t! "Ano ha! Sumagot kang inggitera ka! Sarap mong!" bago pa man niya matapos ang sasabihin niya? Tinulak ko siya ng napaka lakas. Iritado kong inayos ang buhok kong kaka-salon pa lang. Punyetang bugbog AMBERNA na 'to! Gusto niya sigurong ilampaso ko ang mukha niya sa sahig. "Ano! Bumalik ka rito para mag higanti sa amin ni Triton?! Sana 'di ka na lang buma—" of course I didn't let her finish her words again. Malakas akong tumawa, napaka gaga talaga ng babaeng ito. Why would I waste my time for them? My time is so precious to me and necessary, silang dalawa naman? Basura, so bakit ko sasayangin ang oras sa mga kagaya nila? Duh! Idiot! "Hindi ko sasayangin ang oras ko para sa mga walang kwentang tao na kagaya mo. Kung tinanggal ka ng agency? Problema mo na iyon dahil mas magaling ako sa'yo." ngumisi ako ng nakakaloko. Kita ko kung paano bumahid sa mukha niya ang galit. Sige magalit ka lang Amber, tingnan natin. "You!" Malakas niyang sigaw sabay duro sa akin. "Ang kapal kapal talaga ng mukha mo! Porket yumaman kana ngayon ah feeling mo ang taas taas mo na! Pwe! Hampas lupa ka parin!" I'm not affected. Instead I laughed mockingly at her, kawawa naman ang babaeng ito, tulungan niyo nga baka kinulang sa aruga. Ang daming arte jusko! Na stre-stress bangs ko. "Are you done? Pwede na ba akong umalis? May importante pa kasi akong pupuntahan." "Hindi pa ako tapos sa'yo Ariana! Humanda ka!" galit na galit ang gaga, gustong-gusto niya na talagang manakit. "Akala mo tapos na rin ako? Nagkakamali ka rin, nagsisimula pa lang ako Amber." Ngumisi akong muli bago bumaling sa sasakyan ko, kaya lang bigla akong napaatras ng makita ko si Triton na naka sandal sa kotse ko, naka suit ito, may kasama siyang dalawang bodyguard sa gilid niya habang siya naman ay tila walang pakialam. Walang emosyon ang kaniyang mukha, napapansin kong tumataas na ang buhok niya, may maiksi siyang bangs na bagay na bagay sa kaniya. Mabilis kong iniling ang ulo. Bakit ko siya iniisip? At teka! Bakit andito iyan? Kanina pa kaya siya naka sandal sa kotse ko? Narinig niya kaya ang lahat pati iyong sinabi ko? "It was all because of revenge. I will wait for you to get tired Aria then I will make my plan." malamig na sabi niya. Plan? For what? Against me? "I will not let you win this game Aria. I will fight fairly, I will knock you down. You want revenge, right? Tss! it's all useless, do what you want now, but when we meet again? Prepare yourself because I won't let you runaway again from me. You're still my wife baby, you're still married to me." Tila nanlumo ako sa kinatatayuan ko. Gulat na gulat sa lahat ng mga sinabi niya. "W-What?" "Scio te non Sedrex de Roswell Gloria puer ego sum stultus non infans, sed iam non moveri. Adhuc autem die egressus est Zack tui." Anong ibig niyang sabihin? Kukunin niya ba ang anak ko sa akin? "Anong plano mo Alcazar?" mariin na tanong ko. Sinamaan ko siya ng tingin habang kuyom ang mga kamao. "Kukunin ko ang anak mo Ari—" Mabilis akong umalis sa pwesto ko, nilabas ko ang baril na nasa likod ko. Tinutukan ko siya ng baril sa leeg dahilan ng pagiging alerto ng mga gwardiya niya pero hindi ako natatakot. Tangina! "Don't try me Alcazar, hindi na ako iyong babaeng pinahihirapan niy—" "You didn't change at all, you're still weak for me Ariana." "Et adhuc infirmi sumus, vos can pulsate facile." *** Translation: Alam kong wala kayong anak ni Sedrex Roswell Aria, hindi ako tanga baby, pero hindi muna ako gagalaw ngayon. Meron ka pang natitirang araw kasama ang anak mong si Zack. Translation: Hinang-hina mo parin, ang dali mong patumbahin. Hope you like it guys! Happy reading!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD