TRES

3421 Words
Tres     SA BAWAT araw na magtatrabaho ka may mga pangyayari na nagagawa mo na hindi mo madalas noon gawin. O ikaw mismo sa sarili mo ay alam mong hindi mo naman talaga ito ginagawa. Pero biglang sa isang iglap lang ay nandoon kana sa sitwasyon na iyon at makiki-ayon nalang sa nangyayari.     Nilingon ko ang waitress ni Fin na mukhang nagulat yata sa ginawa sa kanya ng mga customer. Minsan kong hindi malakas ang loob mo ay mabilis kang madidiscourage sa mga ganitong pangyayari. Kaya minsan mas gusto kong mga lalaki ang tauhan kasi ayoko ng problema at gulo. Pero wala akong magawa kay Dad lalo na at iyon ang gusto dahil gusto daw ni Mom. So I don’t have a choice.     “Hoy, ano may binabalak ka na naman ba?” siko ni Ashton sa akin.     “Binabalak? What the hell are you saying?”     “Gwapo ka. Your just a f*****g asshole that’s what I’m saying. Narinig mo na? Na’mo ka!”     “Gago!”     “Luh, nagmurahan ang mga gago!” Bato sa amin ni Dustin na kumuha lang ng alak.     Nandito kami ngayon sa bar ni Fin dahil may paparty daw siya sa mga tauhan niya after ilang days niyang mag-open. Because his bar really hit jackot since the day it opens.     “Parang ikaw hindi gago. Tigilan niyo na nga kakakuha ng alak ko. Ang haba na ng listahan niyo,” sabat ni Fin na kakaupo lang dito sa lamesa namin.     Kakatapos lang nilang magkuhaan ng litrato sa harap  ng buffet table. Tiningnan ko ang relong nasa braso ko maya-maya ay kailangan ko na ring umuwi dahil may pupuntahan pa akong ibang lugar pagkatapos nito.     “May lakad ka?” kunot noo kong nilingon si Fin sabay turo sa relo ko. “Mukhang simula ng dumating kay ay panay ang silip mo diyan. Pwede ka namang umalis na kong gusto mo,” he said.   Yeah, I can leave anytime I want. But I don’t want my friends to think that there is more important than them.     “Babae ‘yan no?” Usyoso agad ni Dustin na umusod pa papalapit sa akin.     “Pinagsasabi mo? Are you on drugs?” i hissed on Dustin who just scratched the back of his head.     “Stop talking in english your outside of your office,” ingos niya sa akin.     “f**k you!”     “Same to you! Gago!”     “Fin, bago lang ba ‘yong waitress kanina? Ara right?” tanong ni Ashton kay Fin.     Tukoy doon sa babaeng nilapitan ko kanina na parang kaunti nalang ay mahahampas niya na ng menu board ang customer kanina. Sabagay kahit ako ay baka ganoon din ang gawin sa sobrang inis ko sa babaeng ‘yon. Kaya nga madalas akong masabihan na masungit dahil daw mahigpit ako at madalas ay lagi akong nakasimangot.     “Yeah, friend ni Yanit ‘yon. Magaling siya diba?”     “Oo nagulat nga ako sa plating niya. Culinary ako kaya alam kong mahirap ang ginawa niya kanina,” dagdag puri ni Dustin sa sinabi ni Fin.     Magaling din naman talaga siya. Nakita ko rin ang ginawa niya kanina at mukhang alam niya ang ginagawa niya. Bigla akong napatayo ng makita ang message sa cellphone ko.     “Hoy, saan ka na pupunta?” habol na tawag ni Fin sa akin.     “May pupuntahan lang ako. Emergency,” sagot ko sa kanila. Habang nagmamadaling kumilos paalis doon.     “Naku mambababae ka lang eh!” Pahabol na sigaw ni Ashton sa akin. Sinagot ko lang ito ng gitnang daliri ko.   Wala ngayon si Castor dahil kapag weekend ay ako lang ang madalas na nagdadrive ng kotse ko. Paglabas ko ng ClubZero ay huminto sa harap ko ang isang pulang Mazda MX-5 MIATA at mabilis na sumakay pagkababa ng valet.     Kailangan kong magmadali dahil baka biglang umalis ang kausap ko at baka hindi ko na naman siya maabotan. Halos paliparin ko na ang sasakyan ko makarating lang dito ng mas mabilis sa usapan namin. At mukhang hindi pa nakikisama sa akin ang pagkakataon dahil bigla pang nagkaroon ng aksidente sa dadaanan ko.     “f**k! I need to get there on time,” I mumbled as i manuevered to find another way.     Isang itim na kotse ang naabotan kong nakaparada sa tabi ng isang puno. Pagkababa ko ay nakita ko itong nakaupo sa isang bench doon. Mukhang aalis na naman ito base sa kotseng dala nito ngayon.     “Gunner,” tawag ko sa kaibigang madalas hindi ko mahagilap.     “Bro, kumusta?”     Sinalubong niya ako ng isang man hug na parang matagal na kaming hindi nagkikita. Oo nga pala its been six month since the last time I meet him. Madalas ay sa messages lang talaga kami nag-uusap dahil madalas siyang wala sa Manila. Kaya ngayong naligaw siya dito ay nagkukumahog talaga akong mahabol siya.     Coz i need something from him.     “I didn’t know you’re this persistent, Benj.”     Natawa ako sa kanya at napakamot nalang sa likod ng ulo ko. I never ask favor lalo na sa mga kaibigan ko. Kaya hangga’t maaari ay pinaghihirapan ko lahat ng bagay sa paligid ko dahil ayoko ng utang na loob. Kaya pag nanghihingi ako ng pabor ay sobrang big deal sa kanila.     “i tried all the connections i have para hanapin siya. Pero wala talagang lumalabas kahit maliit na detalye o clue man lang.”     Naglakad ako papunta sa gilid ng railings at pinagmasdan ang mga ilaw na nakikita ko sa ibaba ng over looking na kinatatayoan ko. Para silang mga alitaptap na nag-ipon sa iisang lugar para bigyan ito ng liwanag na hindi kayang ibigay ng mga bombilyang nasa loob ng tahanan nila.     “Sige, babalitaan nalang kita ulit. For now i need to go, bro. Keepsafe and regards me to the gang,” Gunner said and bid his goodbye.     Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa bulsa ng pantalon ko at tumingala sa langit na sobrang liwanag dahil sa bituin na nakapalibot dito. Para itong isang tubig na puno ng dyamanteng nakababad dito.     Halos hilahin ko ang mga paa ko pabalik sa kotse ko. Ayokong umuwi at bigyan ng kasiyahan si Dad na makita ako sa party na para sa kanila. Dahil unang-una ayokong pumunta kong hindi ko lang napaniginipan si Mommy ay hindi ako uuwi ng bahay.     My Dad is getting married again and it’s bugging the hell out of me.     I know that he needs someone to stay on his side when I am not there to accompany him. But I don’t think that’s Tita Salve I feel like she’s hidding a lot of skeletons from her past. And I'm scared for Dad, I don't want to see him hurt like Mom did.     “Magandang gabi Senyorito Benj!”     “Magandang gabi rin, Mang Gabo!” bati ko sa bantay sa gate ng bahay.     Nasa labas palang ay dinig ko na ang malakas na tugtog mula sa hardin. Sabagay hindi naman makikita mula sa labas kong marami silang bisita o wala dahil nasa loob naman ang mga sasakyan nila.     “Late na kayo Senyorito. Kanina pa nag-umpisa ang kasiyahan,” saad niya pagkababa ko ng kotse.     “Ayos lang Mang Gabo. Ayoko rin namang may makasalamuhang iba.”     Nagpaalam lang ako kay Mang Gabo bago naglakad papasok sa lugar kong nasaan ang kasiyahan. Mula sa guard house ay kitang-kita mo na ang maliwanag na hardin ng mansyon at ang nagkakasiyahang mga bisita. Mukhang marami silang imbitado para sa kasal nila. Kasal na matagal ko nang tinututolan.     Huminto ang ingay at kasayahan ng biglang huminto si Dad sa pagsasalita. Lahat ng atensyon gaya ng ayaw ko ay nakatuon ngayon sa akin. Habang papalapit ako ay mas lumalakas din ang bulongan sa buong paligid. Parang gusto ko nalang kunin ang mikropono kay Dad at pagsisigawan silang lahat.     Too bad i can’t do that!     “Congrats! Am I late?” tanong ko habang nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa ko at prenteng naglalakad ninanamnam ang buong atensyong nakatutok sa akin.     Nagtinginan silang dalawa na bakas ang gulat sa mukha. Unang nakabawi sa pagkabigla ay ang step mom ko ang mga labing napa-awang sa gulat ngayon ay dahan-dahang lumapad hanggang sa maging isang ngiti.     “Of course not, Benj. Salamat sa pagpunta iho!” She greeted and hugged me.     Mabait naman siya. He always makes me feel how to have a Mom. Siguro ay masyado lang akong kinakain ng kawalan ko ng tiwala sa ibang tao.     “Anak, its good thing you come. You made our day more special,” Dad said and give me a hugged.     Isang matipid na ngiti at kibit balikat lang ang sinagot ko sa kanilang dalawa. Ayoko ng pag-usapan pa ang mga problema naming tatlo. Gusto ko nalang matapos ang araw na ito at makauwi na ako.     Pagkatapos ng seremonyas sa labas ay dumiretso na ako dito sa loob ng mansyon at unang sumalubong sa akin ay ang aking Nana Lota. Isa itong matandang dalaga kaya ako na ang tinuring nitong anak. Siya rin ang nag-alaga sa akin simula noong baby ako. Siya rin ang mayordoma dito sa bahay kaya hindi siya makasama kong saan ako pumupunta. At matanda na ito para bigyan ko pa siya ng sakit sa ulo.     “Benjamin, akala ko hindi ka na darating?” asik niya sa akin bago hinampas ang balikat ko.     “Nana galing ako sa bar ni Fin. Ayoko sanang pumunta pero matitiis ba kita?”     Tumawa siya bago inabot ang mukha ko at pisngi ko. “Nambabae kana naman siguro ano? Nangangayayat  kana umuwi ka minsan dito nang hindi rin ako nag-aalala sa ‘yo at ‘yong Tatay mo.”     Hindi na ako nakipagtalo sa kanya dahil hindi niya rin naman ako titigilan. Nagpaalam lang ako sa kanya at dumiretso sa kwarto ko. Bumungad sa akin ang mabangong amoy nito kahit isang buwan yata akong hindi umuwi dito ay laging pinapalinis ni Nana ang kwarto ko.     Isa-isa kong tinanggal ang saplot ko hanggang sa walang matira. Papasok na ako ng shower ng isang bagay ang kumuha ng atensyon ko. Malaya akong naglakad sa silid ko ng hubo’t hubad at nilapitan ang isang bagay na nakapatong sa drawer ko.     Its a red lace underwear that I got as a remebrance on that woman who left me at Fin’s bar.     Napapailing nalang akong hinagis iyon sa kama bago ako pumasok ng banyo. Baka nga meron lang taong nagprank sa akin kaya hinubaran ako at nilagay ang lintek na panty na ‘yon. Ilang araw niya ring pinasakit ang ulo ko pero wala talaga akong makitang clue kong sino siya at kong totoo ba s’ya.     Napadilat ako ng biglang tumunog ang cellphone ko at biglang napatayo ng makita ang sinend sa akin ni Gunner. Mabilis akong umalis sa tub at kinuha ang tuwalyang nakasabit sa gilid at naglakad pabalik ng kwarto ko. Isang ring lang ay sinagot na agad ni Gunner ang tawag ko.     “Woah! Isang picture lang ang sinend ko para ka ng si Flash. Are you really waiting for my call?” Pang-aasar niya sa akin.     “f**k you! You’re in Cebu?”  kuryoso kong tanong sa kanya.     “Yeah, I’ve sent you a picture as a proof.” Saglit akong natahimik sa sinabi niya. “Hindi ka magtatanong? Even though alam ko namang interesado ka sa sasabihin ko kahit hindi ka magtanong. Ikaw ba naman ang ora mismong tumawag kahit litrato palang ang nakikita,” tukso niya pa sa akin.     Napasandal ako sa hamba ng pinto sa terasa ng kwarto ko. Nakasuot na ako ng robe kaya kahit may makakita sa akin ay wala akong pakialam. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko habang inaantay ang mga susunod niya pang sasabihin.     “Nakakamatay ang hindi huminga Benjamin kaya hinga ng kaunti.”     “f**k, Gunner can you tell me what you got from there?”     Isang malakas na halakhak ang pinakawalan niya bago tumikhim. “Base sa kwento mo noon talagang after niyong magkita ay umalis na siya dito sa bar. Hindi na daw siya muling nagsayaw pa—“   “And?”     “Hindi pa ako tapos Lebrado. Pataposin mo ako for heaven’s sake!” I let out a deep breath. “The day she left lumuwas na rin daw siya ng Manila. Meaning she’s in Manila for a three years already, bro. At walang taong gustong magsabi  ng iba pang detalye tungkol sa kanya.”      Bagsak ang balikat kong binaba ang telepono at nasuklay ang buhok ko. Binuksan ko ang tv na nasa harap ko at inon ang video na kahit kailan ay hindi ko man lang tinanggal doon. Sa bawat araw simula ng makabalik ako galing Cebu ay ito na ang palabas na paulit-ulit kong pinanood at binabalikan. Halos hindi ko tigilan ang may-ari ng bar na ito maibigay lang ang copy na ‘to sa akin.     Three years have past but nothing change inside me. Its the same feeling that i felt when she was on the stage and I am watching her. I still wanna unmask that girl dancing on the middle of that stage.     Para siyang isang paro-parong sumasayaw sa gitna ng hardin at hinahalina ang mga bulaklak sa paligid niya. Ang babaeng laging laman ng isip ko pero kahit kailan ay hindi ko man lang nasilayan. Minsan napapaisip tuloy ako kong sakali kayang hindi ko siya nabastos ng gabing ‘yon makikita ko kaya ang mukha niya?     May pag-asa kayang alisin niya ang maskara niya para sa akin?     Nakakatawa na hanggang ngayon hindi pa rin ako makamove on sa kanya. Samantalang tatlong taon na ang lumipas, yet I’m still stuck in that part of my life. Siguro nga it’s not meant to be na makilala ko siya. Pero umaasa ako na magkita din kami in the near future kahit ako nalang ang makahanap sa kanya. Kung may pamilya na siya then i’ll just be contented on seeing her happy.     “Good morning, Mr. Lebrado!”     Nilingon ko ang babaeng bumati sa akin. Nagulat pa ako ng makitang nakaface mask ito. Is she sick? Dahil kong ganoon ay bawal siya dito sa elevator. She might bring virus to other people who will ride here.     “Are you sick?”Mabilis itong umurong palayo sa akin ng akma kong hahawakan ang noo niya.     “Hindi po sir. May allergy lang po ako at namumula ang mukha ko kaya naglagay na rin po ako nito.”     Imporma niya sabay talikod sa akin. Magtatanong pa sana akong muli pero nagmamadali na ako kaya hindi ko na siya kinulit pa. Pagdating sa opisina ko ay napakamot nalang ako sa ulo ko ng makita ang tambak na namang paper works na nilagay ni Castor sa lamesa ko.     Minsan kaya ayokong nagpapakasaya kasi pagbalik ko ng opisina pinapahirapan ako nitong sekretarya ko. Hindi man lang marunong maawa sa akin, natutosta na ang utak ko.     “Sir, saan ka pupunta?” tanong agad ni Castor ng muli akong lumabas ng opisina ko.     “Bakit Castor? Kailangan ko na rin bang ipaalam sa ‘yo kong saan ako pupunta at kong anong gagawin ko?” kunot noo kong baling sa kanya.     Kailangan ko s’yang sindakin para makahinga ako ng kaunti. But knowing Castor he knows me. Kaya ng ngumiti s’ya bagsak ang balikat nalang akong bumalik sa opisina ko. Minsan nakakainis rin na may effecient kang tauhan kasi hindi ko sila matakasan.     Ilang oras ko munang inabala ang sarili ko dahil wala naman akong meeting. Kaya ng matapos ako ay nagpasya muna akong magpalit ng damit at mag-ikot sa buong building. Ginagawa ko ito madalas para malaman ko kong anong nangyayari sa kompanya ko kapag hindi ako ang kaharap. I learn it from my Dad we use to disguise and visit some of his businesses. At marami talaga kaming nalalaman na hindi mo malalaman sa mga meeting at sa loob ng opisina mo.     Pagsakay ko sa elevator ay lalaki na ang nakatayo doon. “Sir, good afternoon! Anong floor po?” magalang niyang tanong sa akin.     “Sa palabas ng building na ito. Kanina pa ako nawawala pero wala man lang naagga guide sa akin,” masungit kong sagot sa kanya.     I can feel how tense he is right now.     “Naku ganoon po ba!” saglit siyang lumingon sa pinaggalingan ko. “Dapat po may nag-iikot dito eh! Pero ipapaalam ko po sa head namin. Sasamahan ko nalang po kayo pero pag bumalik na ‘yong nakatuka dito baka s’ya nalang po ang mag-assist sa inyo. Sa Maintenance Department po kasi ako,” mahaba niyang paliwanag na para bang nahihiya pa ito dahil hindi ako masasamahan.     “Kung ganoon ay bakit nasa elevator ka?”     “Ah, wala po kasing gusto makipagpalit kay Ara. Nagbanyo lang po ‘yon—“     Naputol ang iba pa niyang sasabihin ng bumukas ang elevator at isang babaeng nakamask ang pumasok. Mukhang siya ang babaeng nandito kanina ng sumakay ako.     “Ara, paki-assist si Sir kasi hindi niya daw alam kong paano lumabas ng hotel,” bilin niya sa babaeng pumasok. “Sir, siya na po ang bahala sa inyo. Ingat po kayo!”     Kahit nakatakip ang mukha ko ay hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa pinapakita nila sa akin. Mama Tasing really train them well. I look at the girl who bow and greeted me.     “Sir, bumisita lang po ba kayo?”     “Oo sinama ako ng anak ko. Madaldal ba talaga ang mga tao dito?” agad siyang naalarma sa sinabi ko.     “Pasensya—“     Sabay naming nilingon ang elevator ng bumukas iyon at isang lalaki at babae ang pumasok. Mukhang nag-aaway silang dalawa pero ang babaeng nakatayo ay parang professional na parang walang nakikita at naririnig.     “Malandi ka talaga! Sinabi ko na sa ‘yo na huwag mo akong pupuntahan—“     “Ikaw ang babaero tapos ako ang sisihin mo!” sigaw noong babae.     Pero agad din itong natahimik ng dumapo ang kamay noong lalaki sa pisngi niya. Kahit ako ay napangiwi sa sobrang lakas noon dahil dinig na dinig ko ang tunog noon. Ang laki ng katawan niya pero grabi kong manakit ng babae.     “Sir, alam kong may problema kayo. Pero pwede pong gawin niyo ‘yan sa labas ng building na ito o sa loob ng kwarto niyo,” saad noong elevator girl na hindi man lang nag-abalang lumingon sa kausap niya.     “Ako ba ang kausap mo Miss? Bakit ikaw ba ang may-ari ng building na ito? Kung ikaw na ang may-ari saka mo ako pagsabihan. Isa ka lang rin namang pinapasahod!” Naikuyom ko ang kamao ko sa narinig ko sa lalaking nasa harap ko.   “Pinapasahod po kami para panatilihing maayos ang lugar na inaapakan niyo. Kung kayo po mismo ay hindi marunong rumespeto paano kayo rerespitohin ng kaharap niyo?”     Habang nakikinig ako sa kanya ay hindi ko maiwasang mamangha sa kong paano siya makitungo at magsalita sa lalaking nasa harap niya. Napaka-kalma pero mababakasan mo ng kakaibang tapang.     Handa na ako sa susunod na gagawin ng lalaking nasa harap ko. Kaya ng itaas niya ang kamay niya at hinablot ang tauhan ko sa braso ay handa na akong sumugod. At sanggain ang kamay nitong nakaamang na sa kaharap. Pero natigilan na lang ako ng bago pa ako makakilos ay bumulagta na ang malaking lalaki sa harap ko. Sa pagbagsak nito ay umalog ang elevator sa lakas ng pagpagsak niya.     “Sorry Sir, kayo po ang nauna,” bulong nito sa lalaking halos hindi na makakilos at napapangiwi sa sakit.     “Ayos lang kayo Ma’am?”     Halos matulos ako sa kinatatayoan ko ang makita ang buong mukha ng matapang na babaeng nasa harap ko. Wala na ang mask na suot niya kanina siguro ay natanggal noong ibalibag niya ang lalaking ito. Its the f*****g waitress on Fin’s bar.     Ara right?     What the  hell is she doing here?     “Ayos lang po kayo Sir? Pasensya na po kayo sa nakita niyong gulo. Huwag po kayong mag-alala makakalabas po kayo dito ng ligtas,” she said politely with a big smile on her face.     Napahawak ako sa dibdib ko ng biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Goddamn it!     This cant’ be. I need to visit my Doctor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD