DOS

2877 Words
Dos     ANTOK na antok pa ako pero kailangan ko ng gumising dahil maingay na ang mga kapit bahay ko. Maaga palang ay para nang nasa palengke ang paligid ko. Merong maagang nagtitsismisan, meron ding pakape-kape lang habang nakatambay. Idagdag mo pa ang mga batang naglalaro at ang mga mag-asawang maaga palang ay nagsisigawan na.     Tinali ko lang ang buhok ko bago binuksan ang bintana sa kwarto ko at bumungaw mula doon.     “Aling Saling anong almusal?” sigaw ko sa nagtitinda ng almusal sa ibaba ng tapat na bahay namin.     Hindi ko naman talaga ito bahay. Nangungupahan lang ako dito, noong una ay halos hindi ako makatulog dahil sa ingay ng paligid. Pero sa isang taon kong pamamalagi dito ay nasanay nalang ako sa ingay. Para na iyong musika na kapag wala kang narinig noon ay umaga ay matakot ka na.     “Naku meron pa noong paborito mong pansit. Teka ipapahatid ko na ba kay Kanor?”     “Opo,” sagot ko bago dumiretso sa banyo at naghilamos.     Si Aling Saling ang may-ari ng katapat na bahay. Anak nito si Mang Kanor na walang tigil sa paghirit sa akin dahil baka magustohan ko pa daw siya hindi ko na kailangan mangupahan. Baliw ba siya? Hindi ako pumapatol sa kwarenta na ano! Idagdag pang limang daan lang ang upa ko sa maliit na kwartong ito kaya bakit pa ako magrereklamo hindi ba?     Maaga ang shift ko ngayon sa hotel kaya kailangan ko na ring pumasok. Kesa naman tumambay lang ako dito sa bahay at sumagap ng walang katapusang tsismis ng mga kapitbahay kung toxic pa sa akin ang buhay.     Pagkatapos kung magbihis ay nilock ko lang ang pintuan ng kwarto ko at umalis na. Dumaan lang ako saglit kay Aling Saling para naman bumili ng pagkain kung babaunin. Nagbabaon kasi talaga ako dahil mahal ang bilihin sa hotel. Buti kung masarap e, daig pa ´yong walang pambili ng asin ang lasa.     “Hi, Ara. Ang aga mo ngayon ah!” bati sa akin ni Fina isa sa kapalitan ko sa elevator.     Iyon ang posting ko dito sa hotel. Dapat ay hindi ito ang aaplayan ko. Pero noong nag apply ako ay wala ng bakante kung hindi ito. Bukod pa doon ay vocational lang daw ang kurso ko. Kapag may master na daw ako baka maari na ako sa opisina. Maldita kasi ang Hr dito, hindi ko nga alam kung alam ´yon ng may-ari o sadyang nagbubulag-bulagan lang din ito.       “Oo para maaga ka rin makapagpahinga. Baka hindi mo na makarga si baby dahil sa sobrang pagod mo,” paalala ko sa kanya.     Kakabalik lang kasi nito sa trabaho at minsan madalas kung makita itong umiiyak dahil namimiss ang anak pero wala itong magawa kung hindi ang ipadala sa byenan niya ang bata. Dahil magkano lang naman ang sahod namin at ang asawa niya ay mababa rin ang sahod. Minsan kinakapos pa sila dahil sa dami ng gastosin. Akong ang dalaga ay madalas pang kapusin samantalang tipid pa ako nito ah!     First class ang hotel namin dahil maselan ang pamilyang may-ari nito. Ngayon kasi ang namamahala ay ang anak na. Noong ang Tatay pa daw ang nandito ay sobrang luwag ng lahat sabi nila. Ngayon ay sobrang higpit ni Mr. Lebrado kaya marami ding natatakot na baka magkamali sila at iyon pa ang ikatanggal nila.     “Good morning, Ara! Simula palang ng araw naming gaganahan na kami kasi ngiti mo na ang nakita namin.     “Naku, Buknoy ah! Ang aga-aga makita kayo ni Miss Minchin mapapagalitan na naman kayo,” sita ko sa kanila habang nakaupo sa hagdan ng fire exit.     “Hayaan mo s’ya! Kaya hindi nagkakajowa kasi laging masungit. Bakit totoo naman ah!”     Kahit nilalakihan ko na s’ya ng mata at ni Alvin ay walang epekto sa kanya. Hindi n’ya lang kami pinapansin at nagdadaldal pa rin ito. Napapailing nalang akong iniwan sila doon at hindi nagtagal ay narinig ko na ang mga daing nila na siguradong pingot na naman sila kay Minchin.     Kasabay ng bawat bukas ng pintong nasa harap ko ay isang ngiti rin ang inihahanda ko. Kahit pa gaano kasakit ang pinagdadaanan mo sa araw-araw ay kailangan mong ngumiti ng walang humpay. Kahit masakit ang paa mo at nahihilo ka na sa gutom ay hindi ka maaaring umalis sa pwesto mo. Noong una akala ko ay hindi ko kakayanin mabuti nalang at may mga taong tumulong sa akin na tumagal dito at mairaos ko ang isang araw.       Siguro dahil sa wala na rin naman akong choice kung hindi ang manatili rito.     I can’t go back now!     Pagoda kong naupo sa emplyees quarter pagkatapos ng shift ko. Pakiramdam ko ay naninigas na ng husto ko ang binti ko at hindi ko na maigalaw pa.       “Ayos ka lang, Ara? Ito inumin mo para mawala ang cramps.”     Kinuha ko ang gamot na binigay ni Mama Tasing. Siya ang pinakamatagal sa amin dito bukod sa mga nasa maintenance department. Pero bago ko pa ito mainom ay pumasok na ang kontrabida sa buong hotel at ako ang pinaka paborito n’yang bida. Badtrip ‘di ba?     “Ano na naman ‘yan, Ara? Nag-iinarte kana naman, napangiwi nalang ako nang tingalain ko ang maarteng babaeng nasa harap ko.     Hindi ko nalang s’ya pinansin dahil masakit ang likod at katawan ko ngayon. Kaya ayokong magside line sa bar na ‘yon pero masyadong mapilit si Yanit na samahan ko s’ya. Palibhasa malaki ang bayad, ngayon nagsisisi na talaga ako. Haist! May naalala na naman ako.     “Honey, hindi ba’t ikaw ‘yon? Di ko gawaing mang-agaw ng trono ng iba. Kaya huwag mo akong akusahan n’yan,” irap ko sa kanya bago tumayo at  dumiretso sa locker ko.        “Araaaa…” pagak nalang akong natawa sa inis n’yang sigaw.     Madalas n’ya akong nakikita sa hindi ko malamang rason. At dahil din doon hindi ko maiwasang hindi s’ya labanan. Noong una ay hinahayaan ko lang s’ya. Kaso sumusobra din kaya madalas pumapatol talaga ako. Lalo na ngayon na masama ang pakiramdam ko.     Mabilis akong nagbihis. Mabuti nalang talaga at may mga dress pa akong naitago kaya laking tulong nito sa akin ngayon. Hindi ko kasi kaya magsuot ng pants ngayon.     “Ara, sama ka sa amin kakain kami sa lugawan,” aya sa akin nila Buknoy pagkalabas ko ng quarters namin. Mabilis akong tumango at sumunod sa kanila.     “Ara, bakit iika-ika ka? May bumugbog ba sa ´yo?” nilingon ko si Mama Tasing na titig sa akin mula sa likod ko.     “Wala, Ma. Nadulas lang ako kagabi sa sideline ko,” saad ko sa kanya bago lumapit sa kanya at kumapit sa braso n´ya.     Mama Tasing is the oldest in our department. We called her Mama, cause she doesn’t have a family except on her nieces who only call her if they need something. I actually don’t know if you can still call that family. They are only milking the old woman.     Pagdating sa lugawan ay nasa labas palang kami ay maingay na ang paligid. Siguro weekend ngayon at bukod pa doon ay sahod ng mga tao kaya lahat nasa labas at nagpapagpag ng kaunting stress sa katawan.     “Ara, maghanap na kayo ni Alvin ng lamesa kami na oorder ni Mamang,” utos ni Buknoy.     “s**t!” Daing ko ng may lalaking bumunggo sa akin dahilan para muntik akong matumba. Mabuti nalang at nasa likod ko si Alvin kaya mabilis n´ya akong nasalo.     “Ayos ka lang, Ara?” nag-aalala nitong sa akin bago ako tinutulongang tumayo.     “Salamat—“     Nilingon ko ang lalaking bumunggo sa akin. Parang ito pa ang galit na nabangga n´ya ako imbes na humingi ng pasensya. Napaka bastos din talaga!     “Hindi ka man lang hihingi ng sorry sa ginawa mo?” Pigil ni Alvin dito ng akma n´ya kaming lalagpasan.     “Ako? Hindi ba dapat s´ya? Hindi ko s´ya mababangga kung hindi sya nakahara sa daanan kung—“     Hindi niya pa natatapos ang sasabihin nya ay lumipad na ang kamao ko sa mukha niya. Dahilan para bumagsak ito sa semento. Narinig ko pa ang sunod-sunod na singhap ng mga tao sa paligid na parang ito ang unang beses nilang makakita ng babaeng nanununtok.     “Ayos lang, Ara?”     “Oo. Salamat, Alvin ah! Mauna na pala ako sabihin mo kila Buknoy at Mamang,” saad ko bago nagmamadaling lumabas.     Walang lingon likod akong lumabas ng kainang iyon. Pakiramdam ko kasi ay may nakita akong hindi ko dapat makita. Bigla tuloy akong nakaramdam ng panlalamig sa buong katawan ko. Ang buong katawan ko habang naglalakad ay dahan-dahang naninigas.     Is it because of tension?     Or something wake up inside me?     Fear?     I really don’t know. All I know is, I need to get away and hide.     Napaigik ako ng bumunggo ako sa isang matigas na bagay. Ngunit ng tingalain ko ito at ngumiti sa akin ay saka ko lang narealize na hindi pala bagay ang nabunggo ko kung hindi tao.     “Ayos ka lang, Miss? Alam kung gwapo ako pero hindi mo naman kailangang matulala ng ganyan,” ngisi niya sa akin.     “Sorry. Hindi ko napansin, nagmamadali kasi ako—“     “Dustin, nambabae ka na naman? Maawa ka naman sa mga pinaiyak mo,” tawag ng isang baritonong boses mula sa likod ng tinawag nilang Dustin. Kasunod ng pagtawag sa pangalan ng lalaking nasa harap k oay ang iilang halakhak na mula din sa likod nito.     Kusang napaawang ang labi ko ng makita kung sino ang umiibis mula sa gilid ng lalaking nasa harap ko. Para bang nag islomo ang lahat sa paligid ko at unti-unting tumigil ang oras habang natunghay ako sa kanya.     “Sorry ulit. I need to go,” paalam ko sa lalaking nasa harap ko.     “Ummm, Miss,” bigla akong nanigas at natigilan ng tinawag niya ako.     Nakilala n’ya ba ako? Naaalala n’ya ba ako? s**t! Hindi pwede ito, kailangan ko ng umalis dito.     Ilang beses ko pang narinig na tinawag nila ang pangalan ko. Pero dahil sa sobrang takot ay mas pinili ko nalang na tumakbo at hindi na lumingon pa. Mahal ko pa ang buhay ko.     “Ano tumakbo kana naman? Akala ko ba masakit ang katawan mo kaya hindi ka makakapunta?” Mataray na bungad sa akin ni Yanit ng pumasok ako sa ladies locker.     “Ang sungit mo noh! May nakita lang akong multo. Asan na ang uniform ko?”     “Ayan na. Magbihis kana at baka biglang dumating si Boss ay masita tayo.”     Sinunod ko ang sinabi niya kaya dali-dali akong nagbihis pati na ang pag-aayos ng mukha ko ay binilisan ko na rin. Pangalawang araw ko na dito sa bar na ito. Kahapon lang ito nagbukas pero mukhang ayos lang naman dahil disente ang Club Zero.     Paglabas ko ay ang ingay na agad ng paligid at madaming tao. Ngunit hindi ka mababahala sa paligid dahil marami rin silang bouncer. Lalo na at marami daw customer at trabahador na babae si Boss kaya maingat ito.     “Ba’t ka nga pala tumatakbo kanina? May humahabol ba sa ‘yo?”     “Wala. Akala ko kasi malilate ako,” pagdadahilan ko ng lapitan ako ni Yanit.     Saglit akong nagpaalam ng may isang lamesang kumaway kaya agad ko itong nilapitan. Maraming tao sa bar siguro dahil nga weekend, bukod pa sa maganda ang lokasyon ng bar na ito. Pagod akong naupo sa isang tabi ng manigas na naman ang binti ko.     Saglit kung pinagmasdan ang maingay at makulay na lounge sa harap ko. Parang kagabi lang ay halos magwalwal ako dito sa sobrang kalasingan. Hindi ko nga alam kung paano ako nakumbinsi ni Yanit na maglasing kagabi.     Napangiti ako ng isang grupo ng magkakaibigan ang maingay na nagsasasaway sa isang sulok. Para itong mga teenager na nagwawala sa isang tabi. Ganito rin sana kami kung wala kaming mga problemang kailangang isipin ni Yanit. Tsk!     “Miss, mukhang malungkot ka. Gusto mo ba samahan kita?” Tiningala ko ang lalaking nakatayo sa harap ko.     Kahit madilim at mga spot light lang ang nagbibigay liwanag sa mukha n’ya. Makikita mong manunula na ang pisngi nito at ang mata. Namumungay ang mata itong ngumiti sa akin bago nilahad ang kamay niya.     “Pasensya na po sir. Waitress po ako dito at hindi guest,” saad ko bago magalang na nag paalam sa kanya.     Pero bago pa ako makahakbang palayo sa kanya ay maagap niya ng nahawakan ang braso ko. “Wag, kang bastos. Kinakausap kita ng maayos,” saad niya sa matigas at medyo mataas na tono. Dahilan para lingonin ako ng bar tender namin.     Kita ko ang pag-aalala sa mata nito pero isang ngiti lang ang sinagot ko sa kanya. Hangga’t maaari ay ayokong gumawa ng gulo. Kaya habang kaya ko pang pagpasensyahan ang lahat ay ginagawa ko. Bukod pa doon ay trabaho ang ipinunta ko rito at hindi gulo.     “Hindi ko po kayo binabastos—“     “Putang’na! Magkano ka ba at napaka arte mo?” napapikit ako at parang nagpanting ang tenga ko sa narinig ko mula sa kanya.     Ayoko sa lahat ay ang taong laging pinapamukha ang perang meron s’ya. Ay dahil kahit gaano pa karami ang pera mo hindi lahat ay kayang bilhin noon. Hindi sa lahat ng lugar may pakinabang ang halagang meron ka.     “Bayaran ka lang din naman dito pero kung makaarte ka akala mo napakalinis mo!”     At ganon-ganon nalang ay biglang nagdilim ang paningin ko. Mabilis kung hinaklit ang braso ko ang suntok na ibubwelo ko sana ay natigil sa hangin ng bigla nalang bumagsak ang lalaking nasa harap ko. Hindi iyon isang suntok lang, kundi ilang unday pa bago ito napatigil ng mga lalaking kasama niya.     At muli akong natulos sa aking kinatatayoan ng makita kung sino ito.     Pagak itong natawa bago inayos ang buhok na nagulo at kinuha ang salamin sa katabi niya. Natawa ito ng may sinabi ang lalaking nasa kaliwa niya habang ang nasa kanan na may hawak ng salamin niya kanina ay minamandohan ang mga bouncer ng bar.     “Ara....Ara... Hoy, Samara!” nilingon ko ang kaibigan kung mukhang nag-alala rin sa akin. “Ayos ka lang ba? May masakit ba sa ‘yo?” Matipid ko itong nginitian pero naiiyak niya lang akong hinampas sa balikat.     “Ayos lang ako, Yanit. Parang hindi mo naman ako kilala,” mayabang kung ismid sa kanya.     Nilingon ko ang lalaking umubo mula sa likod ko. Nakangiting mga lalaki ang bumungad sa akin. Pero isang lalaki lang talaga ang kumukuha ng atensyon ko kahit pa gaano ito kadilim at kalayo.     “Ayos ka lang ba Miss? Ara, right?” tumango ako sa lalaking nasa harap ko ngayon. Gwapo ito, actually lahat sila gwapo pero ito ang pinaka mukhang bad boy sa kanilang lahat. “I’m Finnegan Montedillo but you can call me Fin.” Napaawang ang labi ko sa sinabi niya.       “Oh, you’re the owner of this bar. I’m sorry for the mess Mr. Monte—“     “Hey, no need to. Ako dapat ang humingi ng paumanhin. Ang pangbabastos ng babae ay walang lugar dito,” nakangisi niyang pagyayabang.     Sabagay may ipagyayabang naman talaga siya. Isama pa ang mga kaibigan niyang mukhang gaya niya ay laki rin sa marangyang pamilya.     “Ayos ka lang ba? Are you hurt?” Nilingon ko ang baritonong boses na biglang nagsalita sa tabi ko.     At gaya ng dati ay parang nagsisirko na naman ang puso ko.     Hay, Samara Kaye, ayosin mo ang sarili mo dahil baka tumulo ang laway mo. Wala sa sarili din tuloy akng napahawak sa labi ko.     “O-Oo. S-salamat pala kanina.”     Parang gusto kung sapokin ang sarili ko ng bigla nalang akong nautal sa harap niya. Sa di malamang dahilan biglang lumakas ang t***k ng puso na para bang may hinahabol ito sa sobrang bilis. Aatekihin na ba akong sakit sa puso?     “Oo nga pala. Ara, this is a good friend of mine. Eto pala silang lahat nakalimutan ko ang dalawa. Pero ako talaga ang pinaka pogi remember my name, Fin.” Napangiti ako sa lalaking may-ari ng bar. Paano ko siya makakalimotan kong siya ang boss ko?     “Ako naman ang hindi lang ngiti ang masarap pati ako rin, Dustin,” nakangiting lahat ng kamay noong Dustin.     “Ashton, by the way. You’re willing victim.”     Mga litanya palang nila ay alam mo ng mga babaero.     Nilingon ko at matamang tinitigan ang kahuli-hulihang lalaking naglahad sa akin ng kamay. “Benjamin Lebrado but you can call me Benj. At your service open for 24hrs.”     Hindi ko alam kung anong reaksyon ng mukha ko ngayon sa harap niya. Pero hindi ko talaga inaasahang hihirit siya ng ganitong kakornihan. Sa edad niyang ganito at sa mukha n’yang seryoso maynatatago din talaga itong kakulitan. Marami pa talaga akong dapat kilalanin sa kanya.     Now we really meet in a formal way Mr. Benjamin Lebrado. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD