SABRINA POV. Hindi ko maisip na ito ang lalaking hardinero na minahal ko noon. Pakiramdam ko maraming mali sa kaniya ngayon. Maling Leo nga ba ang nasa harap ko ngayon o kaya't nasasabi ko lamang ito dahil nasasaktan ako. Inayos ko ang sarili matapos mag abot kami ng babaeng pinagbuksan ko ng pinto at pinapasok. Iyong babae rin ang narito sa unit ni Leo kahapon at iba pa ang babaeng kahalikan ni Leo nakaraan sa bar. Nang makaalis ang eskandalosa babae na iyon agad ko iniwan sa sala si Leo at tahimik pumasok sa kwarto. Hanggang kailan ako mananatili rito kay Leo,wala na akong babalikan pa kay Leo. Hindi na ako aasa pa makasama muli si Leo gayon ganito ang nakikita ko Sakaniya. Nagbago siya,alam ko sa sarili ko iyon. Habang nasa kwarto ay bumaling ako orasan alas-dyes na pala ng gabi. Bi

