SABRINA POV. Matapos ng gabi na iyon ay hindi nakatulog ng maayos si Leo. Nararamdaman ko ang takot nito na baka isang araw ay hindi na ako gumising pa. Nang mag mulat ako ng mata at agad nabungaran kong nakatitig sa akin si Leo. "Good morning, "mahinang saad nito. Napangiti ako habang yakap nito at nasa dibdib naman nito ang mga palad ko. "Hinatayin mo ko rito,dadalhan kita ng pagkain,"wika ni Leo at nakangiting tumango ako. Lumabas ito ng kwarto at nang makabalik ay bitbit na nito ang isang tray. Inilapag iyon sa tabing mesa at kinuha ang isang tasang gatas. "Nasaan ang mga gamot mo?"tanong ni Leo. "Nasa unit n'yo ba? Sandali kukunin ko,"saad pa ni Leo ngunit agad ko pinigilan ito. "H'wag ka kukuha ng kahit na anong gamot sa unit ko,"mabilis na wika ko rito. Nagsalubong

