"Hey,Sab. Saan ka ba nagpunta? Nawala ka rin sa bar gaya ni Leo,"wika sa linya at sandali natahimik ako. "Kuya,sunduin mo ako rito. Please..i need your help,"saad ko sa linya. "Hindi kita masusundo,Sabrina. I'm with her,hindi ko siya pwede mag isa iwan rito,"turan nito. "Ha? Sino?!"kunot noo na tanong ko. "Tell me where you are?"tanong nito. "Pupuntahan mo ako? Kuya Jared?"nangingiting saad. "Nope,yes. Never mind,just wait okay."Naguguluhan man kay Kuya Jared ay nagtiwala. Mula sa bintana,umakyat at doon lumabas ng malaking bahay ni Alex. Bumagsak sa lupa matapos tumalon at dumaing ng mahina sa sakit ng mga paa. Iika-ika akong umalis sa malaking bahay at sinabi kay Kuya Jared ang lokasyon ng kinaroroonan ko. Mahigit isang oras akong naghintay kay Kuya Jared sa loob ng convience

