PRINCE POV. Pinagmamasdan ko si Elaine habang natutulog sa kama,nakasandal sa board ng kama at hinihimas ang buhok nito. Bumaba ako ng kama at nakapamulsang nakatayo pinagmamasdan ang litrato ni Andrei. Masaya at nakangiti ang anak ko habang ngiti ng ina nito ang lumarawan sa akin. Nagbuntong hininga ako at muli bumaling ng tingin kay Elaine habang natutulog. Dinampot ko ang phone sa tabi ng lampshade at tinawagan si Calvin. Lumabas ako ng unit matapos tawagan si Calvin,nagpunta ako ng bar at kasama ito ay uminom at nagpakalasing ako. "Leo,tama na 'yan,"sambit ni Calvin. "Maayos ako 'wag mo ako intindihin,"turan ko. "Bakit pinahihirapan mo ang sarili mo Leo! Kung mahal mo 'di balikan mo,hindi 'yung gan'yan,"mahabang sambit ni Calvin. Pumikit ako ng mariin at su-suray suray tumayo

