SABRINA POV. Nang magising mabilis ko hinila palabas ng sasakyan si Leo. Mausok ang buong sasakyan habang nanlalabo ang mga mata ko. Pakiramdam ko ay malapit ko na maipikit ang mga mata ko ngunit hindi maari,kailangan ako ng asawa ko. Malapit na kami dumausdos sa nag aabang sa amin na bangin. Nahinto ang sasakyan mula sa pagkalag-lag dahil nabunggo ito sa nakahambalang na puno. Balungkot at hindi matuwid ang punong sumagip sa amin ni Leo. Wala akong inaksayang oras at nag mamadali hinila palabas ng sasakyan si Leo. Malapit na gumulong pababa ang sasakyan kaya't agad ko buong lakas hinila si Leo paalis ng sasakyan. Nang maialis si Leo ay doon lamang nag tuloy-tuloy mahulog sa bangin ang sasakyan. Tulala akong nakatitig sa sasakyan ni Leo habang nagpa gulong-gulong ito. May namuong luha na

