Kahit nakahiga na sa kama ay hindi mapigilan ni Miele na mapahagikghik kapag naaalala ang ginawa ni Mindy kanina kay Linda. Medyo naaawa pero may mga hindi pa siya maintindihan tulad ng sinabi ni Mindy na muntik na itong madamay sa pagkawala ng bata. “Si Linda ba ang may kagagawan kaya nakuna si Mindy sa unang anak dapat nila Katy? Paano kaya nila nalaman?” tanong niya sa isip. Napangiti muli siya dahil mas nananabik siya sa mga mangyayari sa susunod na araw. Sabay narating ni Katy at John ang sukdulan. Magkayakap sila ng mahigpit matapos ang isang mainit na romansa. Medyo matagal din kasi na hindi niya iyon ginawa dahil sa mga nangyari. Masaya si John dahil parang napatawad naman na siya ng asawa. “Mahal na mahal kita Katy,” bulong ni John. Yumakap naman lalo ang babae sa asawa saka pu

