Sabay na kaming lumabas. Nang makalayo na kami sa DH ay bigla niya na lang akong niyakap.
"Gab? Problem?" usisa ko sa kanya.
"Bakit mo hinahayaan siya na saktan at ipahiya ka, Marci? Alam mo bang masakit para sa 'kin ang ginagawa niya? Sinasaktan ka nila."
Namasa naman ang mata ko dahil sa sinabi ng kambal ko. Kumalas ako sa kanya at pinunasan ang luha niya. Yes, umiyak na naman siya dahil sa akin. Palagi namang ganito eh.
Siya ang unang taong nasasaktan tuwing nasasaktan ako. Siguro nga gano'n kalakas ang bond namin sa isa't-isa o baka normal lang talaga iyon dahil iisang dugo lang ang meron kami. Maging ako man ay willing na pumatay sakaling may manakit sa kanya nang husto.
"Kaya ko, Gab, okay? Wag ka ng umiyak diyan. Mas bumibigat lang ang pakiramdam ko."
Sunod-sunod na tango naman ang ibinigay niya. "Stay away from that jerk! Hindi mo deserve ang masaktan, Bal. Marami namang lalaki diyan eh. Iba na lang kasi ang mahalin mo."
Yes, marami pero siya lang ang nakakapagpatibok ng puso ko. Kung puwede nga lang diktahan ang puso ko na iba na lang ang mahalin ay ginawa ko na.
"Thanks sa concern, 'wag mo na akong intindihin. Ikaw talaga, si Jinro pa tuloy ang pinagbuntungan mo na naman," natatawa kong saad.
Alam ko naman na drama lang 'yong ginawa niya para mabaling sa kanila ang atensiyon ng lahat at hindi sa aming tatlo nina Percy.
"Hayaan mo ang isang iyon, saka utos niya naman eh, sabi niya ibuhos ko raw sa kaniya ang tubig at kunwaring magagalit siya."
Mas natawa pa ako. Silang dalawa talaga ni Jinro ang taga-salba sa 'kin sa kahihiyan ,eh.
"Salamat kamu sa maganda niyong palabas. O siya, kilos na at mahuhuli na talaga tayo," sabi ko, ngumiti siya at naghiwalay na kami ng landas.
Swerte pa rin ako at may taong nakakaalam sa totoong nararamdaman ko kahit hindi pa ako magsalita at si Gab iyon. Naiibsan lagi ang sakit na nararamdaman ko tuwing siya ang nagko-comfort sa akin.
Nagmadali na rin akong pumasok sa flat ko at nag-ayos. Bitbit ang susi ng kotse ko ay lumabas ako ng flat at dumiretso sa parking.
Naabutan ko pa si Percy kasama ang kasintahan niya at mukhang paalis na rin. Hindi ko alam kung nananadya ba talaga ang tadhana mo sila na ang nananadya.
Bahala nga kayo. Mga buwisit.
Walang lingon na pumasok ako sa loob ng sasakyan ko, bumusina si Percy kaya ginantihan ko rin siya ng busina rin. Nauna siyang umalis at awtomatiko na sumunod ako.
One way lang kami ng pupuntahan dahil pupunta siya sa FIS na hindi naman gano'n kalayo sa MHIS. Ihahatid niya ang mga picture, nabanggit niya kasi iyon kagabi noong kumakain kami.
Mas binilisan ko ang pagpapatakbo at inunahan na siya. Mahuhuli na kasi ako. Mabuti na nga lang at nasa loob na ako ng campus ng mag-ring ang bell for flag raising ceremony. Pumunta na ako sa FR matapos kong makapag-log-in sa Dean Office.
"Good morning, Miss Perrer," bati sa'kin ni Sir JB na nasa kabilang mesa lang. Pilit na ngiti ang ibinigay ko sa kanya. "Malungkot ka na naman, ah?"
"Hindi naman, in born na talaga akong ganito," biro ko pa. Natawa lang siya.
"Binding Ties... Ang ganda ng story na 'yan," aniya pa na ang tinutukoy ay ang libro na nasa mesa ko.
"Ah, yes, tapos ko na rin naman 'yan. Nakalimutan ko lang iuwi."
"Sobrang hilig mo talaga sa libro, ano?"
"Yeah, best buddy ko na ang libro eh."
"Yun lang ba ang hobby mo?"
"Ahhm, I do music. I can play piano but hindi madalas."
Bakas naman sa mukha niya ang paghanga dahil sa sinabi ko.
"Wow, pareho pala tayo. I play piano as well as guitar."
Guitar? I remember someone na hindi na dapat inaalala pa. Zsss!
"Cool," sambit ko.
"Kahit naman ang Kuya Ash ay marunong din namang magpiano at maggitara, ah? Kaya niya ring mag-drum," singit ni Kenya. Napataas-kilay naman ako. Kailangan may pa mention?
"And? Pinaglalaban mo?"
"Wala, share ko lang naman."
Natawa lang sa amin si Sir JB.
"Doon ka na nga," pagtatabuyan ko sa kaniya. Mabuti at hindi na nangulit pa.
"Ash who? I mean, ano mo? Jowa?"
Napakuyom naman ako, 'di niya naman makikita dahil nasa ilalim ng mesa ang kamay ko.
"Hindi ko rin kilala kung sinong Ash 'yon," tipid kong sagot.
"Ah, I see."
Hindi na ako nagsalita pa at nagbasa na lang ulit habang wala pa akong session.
Sa second period ay Grade-7 pa ang session ko. Ang grade na may pinakamakukulit at nakaka-stress ang kadaldalan. Sa kay Kenshane lang siguro 'di umu-obra ang kakulitan nila dahil kahit naman clingy na tao iyon ay istriktang titser naman. Parang si Gabriella lang din, sa magkaibang paraan nga lang.
"Anong ibig sabihin ng katagang 'isang tuka, isang kahig' sa kantang Hari ng Tondo ni Gloc 9?" tanong ko pa.
Nasa pinakaunang talakayan namin ito at dahil sa patapos na rin ang school year ay sinusubukan ko kung hanggang saan ang kaya nilang alalahanin na sa mga naging talakayan namin.
"Mahirap, Ma'am, mahirap!"sabay-sabay na sagot nila.
"Good. Sinong pwedeng makagawa ng pangungusap gamit ang salitang mahirap at naaayon din sa gamit nito sa kanta."
"Ma'am Marci!" Halos lahat sila ay nagtaas kamay maliban sa mga pasaway.
"Ginoong Chavez," tawag ko sa pinakamadaldal sa klase.
"Ako po, ma'am?"
"Sino pa bang Chavez dito, duh?" asar sa kanya ni Lyca.
"Opo, ikaw," pag-uulit ko.
"Mahirap magmahal lalo na kung hindi ka naman minamahal," seryosong saad nito.
Nagsihagalpakan naman ang buong klase.
Nyawa, oo nga naman. Buwisit, natamaan ako, ah?
Pero napataas-kilay ako ng mukhang proud na proud pa ang bata sa kanyang sagot.
"Sinabi ko na bang umupo ka na, Chavez?"
Napakamot naman siya sa noo at tumayo. "Sorry, Ma'am Crush este Ma'am Marciella."
"Anong koneksyon ng sinabi mo sa kantang Hari ng Tondo?" usisa ko.
"Wala po. May mga bagay po talaga na 'di mo malalaman ang koneksyon lalo na kapag 'di mo pa nararanasan."
Tawanan na naman. Haduf ang batang ito. Kulit talaga. Inaasar ba ako ng isang ito?
"Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo, Ginoong Chavez."
"Pasensiya na ho, ma'am pero maging ako ay hindi rin nakikipagbiruan, totoo naman po ang sinasabi ko."
Gusto kong kamutin ang sentido ko. "Lalim ng hugot mong bata ka, bigo ka ba?" pabirong asik ko kahit ang totoo ay napipikon na ako sa mga naging sagot nito. Puro kalokohan lang, eh.
Nagsitawanan na naman sila. "Opo ma'am, bigo po talaga ako." Napataas-kilay na naman ako. "Bigong-bigo po ako sa'yo. Bakit po kasi hindi tayo sabay na ipinanganak?" dagdag niya. Napuno ng tuksuhan ang loob. Napailing na lang ako.
"Quiet!" saway ko sa kanila, mabuti naman at nakinig agad sa'kin. "Yong pag-aaral niyo ang atupagin niyo, hindi kung ano-ano. May tamang panahon para magmahal kayo. Hintayin ninyo ang tamang pagkakataon na 'yon. Hindi niyo kailangan magmadali. Naiintindihan ba?"
"Opo, Ma'am Perrer."
"Good. Kumuha ng isang pirasong papel at gumawa ng repleksyon patungkol sa mga natutunan niyo sa asignaturang ito. Ayusin niyo dahil lahat ng makakakuha ng 95 pataas na iskor ay exempted na sa Markahang Pagsusulit. Ang mangopya at magpapakopya ay ibabagsak ko agad. Naiintindihan?"
"Opo!"
"Naiintindihan po."
Minsan kailangan nating sindakin ang mga estudyante para naman matuto sila.
Natapos ang buong maghapon ng sobra akong na stress dahil sa puro nasa Junior High ang klase ko. Nakahinga ako nang maluwag ng narinig ko na ang bell hudyat na pwede na kaming umuwi.
Agad na umuwi ako at bagsak ang katawan na inihiga ko sa sofa. Inabot ko ang remote at hinayaang nakabukas ang TV.
Mukha akong lantang gulay, ah? Ano bang klase ng buhay ang ginagampanan ko sa mundong ito?