CHAPTER 4.2

671 Words
May nag-ring ng bell ko. Sino na naman kaya ito? Kakarating ko lang eh, isturbo talaga. "Pasok!" sigaw ko pero nanatiling nakapikit ang mata ko. Narinig ko ang pagbukas ng pinto at ang hakbang papunta sa gawi ko. "Ito na ang mga librong ipinangako ko sa 'yo." Idinilat ko naman ang isang mata ko at tuluyang napaayos ng upo nang mapagtanto kung sino ang bisita ko. Boysita kamu. "Sana 'di ka na nag-abala pa," kaswal na sabi ko. "Zsss! Hindi ba uso ang magpasalamat ngayon?" For the pain? Eh, di thank you. "Salamat pala. Makakaalis ka na ho," matamlay na saad ko at nahiga at pumikit ulit. Pero matapos ang ilang minuto ay hindi ko pa rin narinig ang pagsara ng pinto kaya padarag akong napabangon. Nanliit ang mata ko nang makita siyang nasa kusina pala. Tinatamad man ay naglakad ako papasok sa kinaroroonan niya. "What are you doing, Ashmer? I said leave," asik ko pero tinapunan niya lang ako ng tingin tsaka ibinalik ang atensiyon sa ginagawa niya. "After kong ipagluto ka, aalis na ako. Kaya 'wag kang maingay diyan. Matulog o manuod ka na lang muna doon. Wala akong pakialam sa'yo." "Marunong akong maluto..." "Wala akong sinabing hindi. Boss mo ako kaya inuutusan kitang lumabas na muna sa kitchen na ito." Haduf na 'yan! "Kusina ko ito. Flat ko ito. My Flat, my rules." "Na nasa teritoryo ng pamilya ko," mayabang niyang saad. Sinamaan ko siya ng tingin pero 'di pa rin nagpatinag. "My territory, my rules." "Bahala ka nga! Nai-stress lang ako sa 'yo lalo. Umalis ka na pagkatapos mong magluto, dalhin mo na rin 'yang niluluto mo. Baka kasi wala ka lang gas kaya dito ka nakikiluto." Natawa naman siya bagay na ikinainis ko. "What's funny?" "Ang sabi ko ipagluluto kita, hindi ipagluluto ang sarili ko. Gano'n ka ba ka-stress para hindi maintindihan ang mga sinasabi ko?" "Abnormal!" singhal ko at iniwan na siya. Pinakatitigan ko ang cartoon na dala niya. Binuksan ko iyon at nanlaki ang mata ko. Hindi ko maiwasang mapahanga sa mga librong nandodoon. Inisa-isa kong sinipat iyon. Iba-ibang genre at halos lahat g genre ay meron. Mukha nawala bigla ang stress ko sa katawan. May halong tuwa na inilagay ko ang mga iyon sa glass cabinet ko kung saan nandodoon ang mga collection ko ng mga librong pinagpupuyatan kong basahin. Isa lang ang inilabas ko muna, ang romance na may titulong 'In God's Perfect Time'. Mukhang interesting, eh. Binasa ko muna ang buod. Maganda nga. Nakangiting pinakatitigan ko iyon. Simula na naman ng pagpupuyat natin Marci. "Nagustuhan mo ba?" Hindi ako nag-abalang lumingon dahil kita ko naman ang reflection niya sa cabinet. "Yeah. Thank you ulit." "My pleasure, baby," sarkastikong niya pang saad. Ginaya pa ang paraan ng pagkakasabi niyon ni Lovimer. Napasinghap ako bago siya hinarap. "Nakapagluto na ako. Kumain ka na lang. I have to go, may mission sina Kenya mamaya. Kailangan kong i-monitor siya at baka gumawa na naman ng kalokohan iyon. Nakakainis lang na ang lakas ng loob niyang makipagsayaw sa bala." Mukhang sobra talaga siyang nag-aalala kapag si Kenya ang nasa misyon. "Diretso ka na ng control room?" "Yeah. Kailangan ma-set up nang maayos ang lahat bago sumabak ang pasaway na iyon." "Let's eat muna," saad ko. Mukhang hindi naman niya inaasahan ang sinabi ko. "Huwag na..." "Kung ayaw mo, dalhin mo na lang lahat ng niluto mo," seryoso kong asik. Napatitig naman siya sa'kin pagkuwa'y napabuntonghininga. "Fine." "Saka isama mo ako sa control room." "Wag na, Ell. Magpahinga ka na lang." Natigilan naman ako. Ilang araw din na 'di ko naririnig na sinasambit niya ang pangalan ko. "Hindi ako pagod..." "Lokohin mo lelang mo." Sinamaan ko siya ng tingin. Tumawa na naman siya. "Iyan ang hindi pagod? Kaunting biro ay galit agad?" Hindi na ako umimik pa at nagpatiuna na sa kusina. Wala lang ito, Marci. Walang malisya ito. Wag na wag kang mag-isip ng kahit ano patungkol sa kilos niyang ito. Nangako ka na. Napabuntonghininga na naman ako. Hanggang kailan ko palaging papaalahanan ang sarili ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD