CHAPTER 5.1

1067 Words
I was just about to press his doorbell when the door swung open, and he was staring directly into my eyes. I furrowed my brow slightly. "Don't tell me may camera na ang labas ng pinto ng opisina mong ito?" Napangiwi naman siya. So, meron na nga kaya naman alam niya na nasa labas na ako ng opisinang ito. "Yes para naman hindi niyo na kailangang paglaruan pa ang bell ko rito. It's damn irritating, you know." Inilibot ko ang aking paningin at hinanap ang bagay na gusto ko makita. There you are, stupid cam! Mabuti na lang at wala akong ginawa para mapahiya sa lalaking ito. "Zsss! Mas nakakairita ka nga, eh. Ayaw ko ng pakulo mong iyan. Tanggalin mo ang camera na 'yan, ha? Hindi ako komportable, Ashmer," seryosong saad ko sabay turo sa kisame kung saan nandoon ang CCTV camera at sakto talagang nakatutok sa kung sino mang nakatayo dito sa kinatatayuan ko ngayon. "What's wrong with having a CCTV here, Marciella Perrer?" nakakunot-noo niyang usisa. Nyawa talaga! Kung hindi Ell na siyang pinakamaikli kong nickname ay ang buong pangalan ko naman! Buwisit! I am starting to hate this man also. "Ask yourself what's bothering you and your foolish mind for you to think that way. You can see the commotion we're causing here even before we can press that bell. I'm certain you'll find it amusing to watch everyone here act like fools and frightened mice," panenermon ko sa kanya. Natawa naman siya. "What's funny?" angil ko. Lagi niya na lang akong pinagtatawanan. Hindi typical na gawin ng isang Ashmer Guieco ang tumawa pero kapag ako kausap niya ay puro gano'n ang ginagawa niya. Like hell! Am I actually funny, or are my words just too dull and nonsensical for him to laugh at? "You're quite funny." Blangko ang mukha kong tumitig sa kanya. Sinabi na nga ba! Kung sa iba ay compliment ang gano'n, well, sa akin ay insulto. Haduf ang lalaking ito! "So, katawa-tawa nga ako sa 'yo? Wow. Just wow." Nanlaki naman ang mata niya. "No, that's not my point. I mean, your sense of humor..." "Mukha mo! Tabi nga! May kukunin lang ako!" inis na asik ko at hinawi siya. "Wow, like a boss," aniya pa pero 'di ko siya pinansin pa. Agad na dinampot ko ang libro na nasa sofa niya nga at pumihit papuntang pinto pero agad akong napaatras dahil sa sobrang lapit niya na sa akin. "Are you feeling threatened, Marciella?" "No, I'm just being cautious with you and your foolishness." Mukhang 'di niya nagustuhan ang sinabi ko. Nagkatuosan kami ng tingin. Mga minuto siguro ang lumipas at siya na mismo ang kusang bumawi ng tingin. "Is this your way of moving on?" sarkastiko niyang tao. Hindi ko mapigilang mapataas ng kilay. Lakas ng loob sabihin ang katagang 'yon, ah? Once again, a familiar feeling resurfaced in my chest—a mixture of pain and bitterness from the past. I tried to push it away, refusing to let it consume me. Not this time. Not here. Certainly not in front of him. I spoke confidently. Marciella's art of pretending. "Moving on? Wait, from what?" "Me?" he replied with a questioning tone. "From you? Are you kidding me, Ashmer? As far as I remember, you're the one who confessed your feelings that night, not me. You're the one who said 'I love you,' not me. Should I be the one moving on, or is it you?" I said with a hint of laughter and sarcasm. You think, huh? Not me, Ash. I've gotten used to pretending. Pretending that I didn't care at all is one of my talents, and I've perfected it over the years. He remained silent after my words. Somehow, a sudden and unrecognizable feeling washed over me. It's as if I wanted to regret what I just said to him. Snap out of it, Marciella, you're too emotional! Napansin kong napadaku ang tingin niya sa jar na bitbit ko pa rin. May takip naman iyon kaya safe sa germs. "Oh, cookies, you want?" alok ko para iliko ang usapan. "Saan mo 'yan nabili?" Napangiwi naman ako. Ang arte talaga ng isang ito pagdating sa pagkain. Yong tipong akala niya ay malalason siya kapag hindi niya malalaman kung saan nabili at sino ang gumawa. "Home made 'yan, don't worry. Safe ka sa lason kung 'yan ang inaalala mo." "Sino ang nag-bake?" "Ako," confident kong saad. Napataas-kilay naman siya. Oo nga pala, bukod kay Percy,Gab and of course sa parents namin ay wala ng ibang nakakaalam na nakakapag-bake ako. "Marunong ka?" "Huwag mo kong minamaliit," nakataas-kilay na saad ko. "Can I have one?" paalam niya pa. Inabot ko sa kanya ang jar. "Sa 'yo na 'yan." His eyes sparkled. I knew he loves cookies more than girls, zsss! Suddenly, the first time I gave him some cookies back in high school crossed my mind. "Psst! Gab! Halika muna rito!" sitsit ko kay Gab. "What is it?" nakakunot-noong saad ng kambal ko. Ipinulupot ko ang aking kamay sa braso niya. "Favor, please?" pagpapa-cute ko pa. "Ano 'yon, bal?" "Pakisuyo naman nito kay Ash," nahihiyang sabi ko sabay abot sa kanya ng jar. "Whooa. Ipinag-bake mo siya tapos ako hindi?" nakanguso nitong asik. "Marami sa flat ko, okay? Basta ibigay mo 'yan sa kanya but! But, 'wag na 'wag mong sasabihin na sa'kin galing 'yan. Tutuksuhin na naman ako nina Kenya kapag nalaman nila." "Copy, bal, copy! Basta meron din ako, ah?" "Oo, ikaw pa ba? Daan ka sa flat ko mamaya." "Yes! Dalhin ko na ito sa flat niya, dito ka lang, babalikan kita rito." "Okay." Patakbong pinuntahan niya ang flat ni Ash. Hinintay ko siyang makabalik. Maya-maya ay nakangiti siyang naglalakad papunta sa gawi ko at nag thumbs up kaya napangiti din ako. "Naibigay ko na." "Anong sabi mo?" "Eh... Sabi ko galing kay Percy kasi diba ayaw mo namang malaman na sa'yo galing." Pinigilan kong mapabusangot. Engot ng kambal kong ito. Pero sa halip ay ngumiti ako at inakbayan siya. "Good job Bal." kahit deep inside gusto ko siyang dagukan. "Hmm, taste familiar." Nagising ang diwa ko dahil sa sinabi niya. "What do you mean?" "I mean..." Pinakatitigan niya ako. Kinabahan naman ako bigla. God! Bakit nga ba sinabi kong ako ang nag-bake nito? Baka... Baka malaman niya yong dark secret ko at ni Gab. Shit, Marciella! Di ka nag-isip! Inuna pa ang kayabangan! Jusme!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD