CHAPTER 1.1

1435 Words
"Hey guys! Anong ganap? Almost 5:00 a.m pa lang, ah?" untag sa amin ng kakarating pa lang na si Percy. Short shorts at sports bra ang suot nito kaya sobrang sexy tingnan. Para itong isang fashion model na palaging makikita sa front cover ng isang magazine. Ang fashion taste nito ay kabaliktaran ko. Mas gusto kong magtago sa malalaking t-shirt at unisex na pambaba. Doon ako komportable. "Wala naman, Percy. Nag-uusap lang kami tungkol sa ng mga bagay-bagay na nangyayari dito sa camp saka maliligo rin kami, 'di ba? Maliligo tayo, 'di ba?" asik ni Crystal sa tatlo na mukhang lutang-lutang pa ang diwa. "Oo, maliligo pala tayo, ano?" segunda ni Gab. "Oo nga pala," sabay na sang-ayon ni Jeannie at Kenshane. Ayan na naman 'yang may salitang 'pala'. Linyahan ng mga halata. I let out a subtle laugh. It appeared they were merely going along with Crystal, and it was quite evident that taking a swim wasn't their true intention. They might have been on their way to the dining area when they spotted Ash entering, sparking their curiosity. Alternatively, they could have overheard my earlier outburst. "Ah, sabay-sabay na tayo... Oh? Hon? Nandito ka rin pala. Good morning," nakangiting bati pa ni Percy sa kaniyang boyfriend na kanina pa sinisira ang araw ko. Napaiwas naman ako ng tingin nang maghalikan sila sa harap mismo namin. Ang apat ay napatakip pa ng kanilang mata. "Goodness gracious, you two! You're making me blush!" Jeannie exclaimed. "My goodness! What did I just witness, huh?" Crystal commented, her voice filled with surprise. "I couldn't shield innocent eyes," Gab complained, looking a bit embarrassed. "Go and get a room, lovebirds," Kenya teased as they entered the pool area, adding a touch of playful awkwardness to the situation. "Hi, Marciella! Good morning din sa 'yo," bati rin ni Percy sa 'kin at hinalikan ako sa pisngi. Napapitlag pa ako at bahagyang napaawang ang aking bibig dahil hindi ko inaasahan iyon. Kemeng ngumiti na lang ako. "Good morning," tipid kong saad. "Maliligo ka rin ba?" tanong niya. "Hindi." "Hindi naman 'yan naliligo. Kambing," sabat ni Ashmer sa seryosong tono pero alam kong trip niya talagang buwisitin ako sa araw na ito. Imbes na patulan ito ay binalewala ko na lang. Ngumiti sa akin si Percy, sanay naman din siya sa pagiging seryoso ko sa lahat ng bagay. Pareho lang kami nitong boyfriend niyang haduf. "Maliligo na muna ako, ha? Bye muna," paalam niya pa sa amin at hinalikan uli si Ashmer bago tuluyang umalis. "Anong sabi mo?" kompronta ko sa nyawa. "Kambing? Baka gusto mong sumama sa aking maligo para alam mong thrice a day akong naliligo?" "You know I would love that, Ell," nakangisi niyang sabi. Lumabas na naman ang pilyo niyang personality sa harap ko. Hindi na lang ako umimik pa at baka kung saan na naman mapunta ang usapan namin. Napatitig ako sa pool. Nag-aasaran lang naman ang mga kasamahan namin. Para silang mga kindergarten na first na maligo rito. "Bakit?" asik ko nang mapansing napapasiring ng tingin ang haduf na lalaking ito sa akin. Nahuli ko pa siyang nakatingin sa labi ko. Pinigilang kong mapalunok para hindi niya mapansin ang tensiyon na nararamdaman ko kanina pa. "We kissed," saad niya na ang tinutukoy ay si Percylla. Napakuyom naman ako nang pasimple. Relax, heart. Relax ka lang. "And? Why would I care?" "She kissed you kaya..." "Feeling mo! Cheek lang 'yon saka siya ang humalik sa akin at hindi ikaw." "Wala naman akong sinasabing ako pero parang gano'n—" "Ang pabebe mo talaga. Sungitan mo nga rin ako tulad ng pagsusungit mo sa lahat. Mas mabuti pa ang gano'n, eh." "Ayaw ko nga. I gags you, remember?" "Gags mo mukha mo!" Akmang tatalikod ako sa kaniya para umalis na nang pumasok ang kaniyang kapatid na si Kenya. "Hey, Marci, maligo ka na my pretty friend, may evaluation tayo, remember? Bawal ma-late." Napasapo naman ako sa aking noo. "Oo nga pala, anong oras?" "Right after the flag raising ceremony. Mauna na ako, ah? Baka hinahanap na ako ng asawa kong chairman," sabi nito sabay kindat sa akin. Halatang proud sa married life niya. "Okay," sagot ko at tinapunan ng tingin ang nananahimik na Ashmer. Wala naman sigurong balak umalis ang isang ito. Baka hinihintay niya pa si Percy. "What?" asik niya. "Pasuyo naman," sabi ko sabay abot ng laptop ko sa kaniya. May password naman kaya hindi niya mabubuksan kung sakaling saltikin siya. "Ngayon ay bait-baitan ka?" "Please?" "Lagay mo na diyan sa lapag." "Nyawa ka talaga kahit na kailan. Huwag na nga lang." "Akin na nga, 'di mabiro." Inagaw pa talaga sa akin. "Mag ba-bra ka lang din ba?" dagdag tanong niya pa sa kaswal na tono. Masamang tingin ang ipinukol ko sa kaniya. Manyak talaga ang isang ito. Kung hindi lang siya guwapo at matino tingnan ay ini-report ko na siya sa mga pulis. "Hindi. Nandito ka, eh. Baka manyakin mo pa ako sa harap nila. Saka puwede ba? Mga babae ang nandidito, umalis ka na. Baka mapagkamalan kang bakla." "What?!" "Sige, gags! Lakasan mo boses mo. Nasa pool lang ang girlfriend mo, oh," nang-aasar kong saad at tumalon na sa pool. I hate life at this moment! One of my secret talents, kept from everyone, is my capacity to remain underwater for several minutes. That's why I'm relishing the tranquility in the deepest section of the pool. It's quite deep, and I submerge myself until I touch the pool's floor. I even sat in an Indian-style position and closed my eyes. It's incredibly relaxing. My day has already begun with stress. I can't believe I'm bothered by Ash's flirtatious behavior. My goodness. Nag-isip na lang ako ng magandang pangyayari sa buhay ko para naman mawala 'yong negativity sa paligid. Bigla ko lang naalala ang isa sa kulitan namin ni Ashmer noong maayos pa ang lahat sa pagitan namin. "Ash, anong ginawa mo sa mukha ko?" naiiyak kong asik habang nakatitig sa sarili kong reflection sa salamin. "Eh? Sabi mo make-up-an kita, 'diba? Sorry, cyan lang ang kaya ko, Ell." "My God! Mukha na akong clown!". Foundation day pa naman ngayon. Wala pa kasi 'yong mga baklang mag-aayos sa akin kaya inutusan ko siya na ayusan ako kasi ang sabi niya naman marunong siya. "Ayaw mo ba? Wait lang, 'wag kang umiyak, buburahin lang naman natin 'yan, eh." Natatarantan siyang kumuha ng wipes para tanggalin na ang make-up sa mukha ko pero pinigilan ko siya. "Huwag muna, picture muna tayo." "Sige." "Pero dapat may make-up ka rin." "Eh?" "Sige na, please?" "Sige na nga," napipilitan niyang saad. Kaya naman ginawa ko rin siyang clown pagkatapos ay pinagtawanan. Bahagya pa akong natawa dahil sa ala-alang iyon. Gulat na gulat sa mga hitsura namin ang nakaabot sa amin sa ganoong sitwasyon. Napamulat ako nang may humawak sa akin. Naputol tuloy ang aking pagbabalik tanaw sa kalokohan namin noong high school pa lang kami. Bumungad sa paningin ko ang mukha ng lalaking nasa alaala ko. Mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa akin at hinila ako pataas. Nang makasampa na kami ay malakas na batok ang ibinigay ko sa kaniya dahil sa inis. Sinira niya lang ang self-remediating ko. Mukhang nagulat pa siya pati ang kasamahan namin kabilang na si Percy dahil sa ginawa ko. "Bal, ayos ka lang ba? Akala namin ay nalunod ka na, eh." Bakas sa mukha ni Gab ang pag-aalala. Ah, okay. Kaya pala feeling hero ang isa dito, eh. "Gab naman. Lunod? Sa pool? Tsk," asik ko at umahon na lang ako. Sumunod naman ang lalaking haduf sa akin. "Kung gagawa ka ng eksenang gano'n, siguraduhin mong wala ako para walang mag-aalala sa 'yo, Marciella!" sigaw pa ng nyawang Ashmer sa akin. Lahat kami ay napanganga. Mukhang agad namang nag sink-in sa kukuti niya ang kaniyang binitiwang linya kaya napadapo ang tingin niya kay Percy na malapit lang din sa puwesto ko. Mukhang confused din ito sa nangyayari. "Huwag mong sigawan si Marcie, hon. Calm down, okay?" pangkakalma nito sa kaniyang boyfriend na bigla na lang naninigaw. Hindi naman din ako nakapagsalita. "Lalo na ikaw Cylla at ikaw din Kenshane," dagdag pa ng haduf na Ashmer. "Bakit kasi dito pa nagsiligo sa pool, eh may mga shower room naman?" aniya pa at umalis na. Naiwan kaming pare-parehong hindi alam kung ano ang sasabihin. "Kung gagawa ka ng eksenang gano'n, siguraduhin mong wala ako para walang mag-aalala sa 'yo, Marciella!" Yeah, yeah, yeah whatever. Naniwala ka naman Marciella sa kayabangan ng Ashmer na iyon? Sadyang malandi lang siya kaya 'wag na 'wag kang magpapalandi. Kailan niya ba kasi ako lulubayan? May usapan na kami, eh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD