CHAPTER 1

1091 Words
~MARCIELLA PERRER~ MHINN INTERNATIONAL SCHOOL TEACHER GUIECO CLAN PRIME AGENTS LEADER (⁠๑⁠˙⁠❥⁠˙⁠๑⁠)(⁠๑⁠˙⁠❥⁠˙⁠๑⁠) Nadidismayang in-off ko ang aking laptop dahil sa ending ng pinanuod kong movie. Sa dami ng puwede kong mapanuod ay iyon pa talagang namatay ang male lead sa bandang huli. “Bakit ba may nga writer na ang hilig mamatay ng characters nila? Hindi ba sila nakokonsensiya? Kung tutuosin ay para na rin silang parents ng mga fictional character nila, hindi ba? Tsk!” himutok ko sabay iling. In addition to being one of the Prime Secret Agents in the Guieco Clan, I'm also a respected teacher at Mhinn International School, which is owned by Kenya's spouse, who happens to be one of our bosses. "Damn it! Ang hilig nila sa sad ending. Romeo and Juliet, Jack and Rose—" "Ikaw at ako." Agad naman akong napalingon sa may-ari ng boses na iyon. Pinigilan kong taasan ng kilay ang lalaking nahagip ng aking mga mata. Ashmer Guieco. Tsk! Ikaw at ako? Hell! Ah, yeah kasi never kaming magkakaroon ng happy ending. Ending, yeah, but happy? Isa iyon sa mga imposibleng mangyari sa mundong ito. Umikot siya sa likuran ko at niyakap ako. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang magawang kumalas. Ipinatong niya pa ang kaniyang panga sa balikat ko. "Ash, nababaliw ka na ba?" asik ko. Hindi ako makakilos dahil sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Napakuyom ako dahil sa nararamdaman kong inis at pagkadismaya sa aking sarili. Alam ko namang mali itong eksena namin ngayon ngunit hindi ko man lang kayang umalma. "Sa 'yo? Oo, Marciella Perrer." "Jerk, haduf!" sunod-sunod na mura ko. Napapalatak naman siya. "Language, pretty babe." Kumalas ako mula sa kaniyang pagkakayakap at tumayo na. Malamya ko siyang tinitigan. "Nasa pool tayo, 'di ba?" "Yes, why?" "Paano kung may makakita sa atin dito at isumbong tayo kay Percy? Kahit wala akong ginagawang masama ay madadamay at madadamay ako sa kalandian mo, Ashmer Guieco!" panenermon ko sa kaniya. Malamig ang titig na ibinigay niya sa akin habang walang kaemo-emosyon ang kaniyang mukha pero walang epekto 'yon sa 'kin. Hindi man lang ako natinag. Kung sa iba niya ito ginawa ay baka tumakbo na kaagad papalayo sa kaniya. He's recognized for his icy gaze that can send shivers down anyone's spine and his consistently serious and emotionless expression. This has led to him being dubbed the "robot boss" in our compound. But honestly, his demeanor varies drastically when it comes to others and when he's around me. To everyone else, he's an unapproachable, intimidating boss, but in my presence, he transforms into a mischievous and charming robot. "Sarado naman ang pinto," aniya at itinuro ang main door. Well, sarado nga. Alam ko naman, haduf 'to! "And? Baka nakalilimutan mo na girlfriend mo ang best friend ko. Huwag mo akong tinutukso." Tukso? Okay, mukhang wrong choice of words tayo, Marciella. "So, natutukso ka sa akin, gano'n?" nang-aasar pang tanong niya. Napairap na lang ako at humalukipkip. Wala akong balak na makipag-asaran sa kaniya sa ganito kaaga. "C'mon, Ash, sinong hindi?" pag-aamin ko pa. We don't really hide anything from each other. We're true to our feelings, but there are just some truths that are painful, and neither of us wants to accept them. Humakbang siya papalapit sa 'kin. Napaatras naman ako. Humakbang siya ulit, umatras na naman ako hanggang sa wala na akong maatrasan dahil tubig na ang kababagsakan ko nito. Yakap ko pa ang laptop ko kaya 'di puwedeng mahulog ako sa pool. Maraming school-related files ang nandidito. Jusko lord! Bakit ba ganito ang lalaking ito? Nagkakasala ako kay Percy dahil sa robot niyang boyfriend mismo, eh. Hinapit niya na nga ang baywang ko papalapit sa kaniya. Akmang hahalikan niya ako pero naiharang ko kaagad ang aking laptop sa pagitan ng mga mukha namin. No, hindi na tama ito. Oh tukso, layuan mo ako! Itinulak ko siya nang malakas. "Ash naman, eh! Huwag mo nga sabi akong inaano!" "Inaano ba kita?" Umangat pa ang gilid ng labi niya na halata namang pinipigilang matawa. "Ewan ko sa 'yo! Gags ka!" "I gags you too." Napataas-kilay naman ako. "Anong sabi mo?" asik ko naman. "Ayaw mo namang maniwala kapag sinasabihan kita ng I love..." "Cut it off," putol ko sa sasabihin niya. While "I love you" may bring joy to some, for me, it's like a dagger that sinks deeper into my heart with every utterance, inflicting more pain. "See? Kaya I gags you na lang. Gags means love," bulong niya pa sa akin. Siniko ko naman siya. "Mga pauso mong alien ka!" sigaw ko saka tinalikuran na siya. "Gags you!" sigaw niya rin sa nang-aasar na tono. "Gags mo mukha mo, Ashmer Guieco!" Tumawa lang naman ang nyawa. Padarag na binuksan ko ang pinto. Halos mapatalon ako sa gulat nang magsisubsuban sa lapag sina Gabriella, Jeannie, Kenshane at Crystal. Sila ang ilan lamang sa mga kasamahan kong GC agents. Mga chismosa talaga! "Oh? Ginagawa niyo?" seryosong tanong ko. "Ah, hi, boss," sabay-sabay nilang bati. Boss? Ako o si… Awtomatikong na napalingon ako at muntik pang maglapat ang kaniyang bibig sa pisngi ko dahil sa sobrang lapit namin sa isa't-isa. Napaurong naman agad ako palayo. Naku, naku, naku! Mababaliw talaga ako sa kaba dahil sa kalandian ng lalaking ito, eh. Mabuti na lang din at hindi nakita ng mga haduf ang nangyari dahil abala sila sa kakapagpag ng mga damit nila na para bang duming-dumi talaga. Ang sabihin niyo, natakot lang kayo sa amin. Zsss! Mga style niyo, bulok! "Anong ginagawa ninyo rito?" seryoso niyang tanong sa apat. Mukhang nasindak naman sila. Buti nga sa inyo. "Ahh, n-napadaan l-lang kami, Kuya Ashmer," sagot ni Kenshane. Siya lang ang may lakas loob na sumagot dahil magpinsan naman sila. Napakapit pa sa laylayan ng damit ko ang kambal kong si Gabriella na nuknukan din ng kalokohan sa katawan. Hindi kami identical twin at mas lalong opposite din ang personality namin. "Sus! Napadaan ba talaga o naghahanap lang kayo ng mapagchismisan sa ganito kaaga? May pinag-usapan lang kaming misyon kaya kami nag-uusap, 'di ba, boss?" Pinanlakihan ko naman siya ng mata para kumbinsihing makisama sa alibi ko. "Ah, yeah. She's telling the truth." Gusto kong mapairap at suntukin siya dahil may diin talaga ang salitang 'truth'. "Ahh, misyon naman pala," sabay-sabay na namang saad nila. Pala? So, may ibang ina-asumme nga sila na ginagawa namin? Mga haduf talaga ang mga ito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD