CHAPTER 6

1418 Words
Tahimik akong naglalakad-lakad sa camp. Bagot ako saka wala rin akong ganang magbasa dahil hindi naman iyon ina-absorb ng utak ko. Masasayang lang ang oras at pagod ko dahil babasahin ko lang naman uli lahat. Nakita ko si Kenya at Dailann na nasa benches ng field at mukhang kulang na lang langgamin dahil sa sweetness. Mapapa-sana all ka na lang kahit bitter o broken ka. Wala bang expiration 'yong ka sweet-an ng mag-asawang ito? Napaiwas ako ng tingin ng ninakawan ni Dailann ng halik ang asawa at narinig ko pa ang nang-aasar na tawa niya kay Kens. Ang lalandi! Mga nyawa! Ang aga-aga, eh. Sa kabilang side naman ay sina Kenshane na ginugulo ang nagjo-jogging sa field na si Faller. Mukhang naiirita na naman ang mukha ng lalaki kapag nakatingin si Kenshane pero kumakalma iyon kapag nagsimula ng magmaktol ang dalaga. Kakaiba ang dalawang ito. Iyong tipong kapag kinulit ng babae ang lalaki ay mapipikon pero kapag nagtampo si babae ay susuyuin din naman ng lalaki. Papaano uunlad ang kabuhayan nila kung puro sila kajejehan? Naabot din ng paningin ko sina Gab and Jinro na kulang na lang magsapakan. Nakakabilib ang dalawang ito. Magkaaway pero hindi naman mapaghiwalay. Sarap nilang isako at itapon sa labas ng Planet Earth. Si Crystal ay nasa isang sulok ng camp mag-isa habang si Jeannie ay hindi mahagip ng paningin ko. Love is complicated but still beautiful. "Hey there! What's going on?" Lovimer cheerfully greeted me. "Not much." "Not much? Is it because of my cousin that you're feeling down?" He asked with a playful tone, even draping his arm around me. I nudged him, causing a grimace of pain, but he remained amused. "Give me some space, Lovimer. Remember the last time you teased me? We got scolded in front of everyone." "Whoa! Are you suggesting you're actually intimidated by Ashmer? Marci, that's quite a development, isn't it? Yieee," he continued to tease. "Why would I be? I'm Marciella Perrer for goodness' sake. I'm not concerned about what anyone thinks. I won't bow my head to anyone." Buwisit, kaunti na lang iisipin kong bakla ang isang ito dahil diyan sa pa 'yieee' niya. "My God, Mer! Will you shut your mouth up? You're just talking nonsense. Iyong lalaking inaano mo sa'kin ay may girlfriend na," sermon ko na talaga sa kanya. "Anong inaano, ha? Ikaw, ha?" asar niya pa sa akin. Sinipa ko siya pero ano nga ba ang aking inaasahan? Malamang sa malamang ay nakaiwas siya. Hindi ko rin naman seneryoso ang paninipa sa kanya dahil baka mabalian siya ng buto kapag ginawa ko iyon. "Whooa, joke lang naman, eh." "Wala ako sa mood para biruin ngayon, ang aga-aga, Mer, ah?" asik ko pero tumawa lang siya. Napapatingin na sa amin 'yong mga agent na dumadaan din sa gawi namin. Kapag babae ay kinikindatan niya at kapag lalaki ay sinasaluduhan niya naman. This man is a happy go lucky. Sarap niyang ipalapa sa mga sea horse. "By the way, Marci baby, shall we have dinner together later? I'll pick you up at your flat," malakas ang pagkakasabi niya niyon at pagtapos ay bumulong siya sa 'kin. "Papalapit sila, 'wag ka ng umalma. Baka ang kambal mo naman at si Jinro ang gumawa ng eksena kung magkataon. Can't you see? Baseball bat ang hawak ng kakambal mo." Napangiwi na naman ako. Bakit parang ako ang kailangan laging mag-adjust? Haduf ang Lovimer na ito. Dapat ko ba itong pagbigyan sa larong gusto niyang mangyari? There's nothing wrong with saying yes, right? Friends support each other, after all. "Ah, yeah, sure naman. Wala naman akong gagawin at ang boring din," nakangiting tugon ko sa nyawang Lovimer. "Good morning, Marci!" biglang bati ni Percy mula sa likuran ko kaya napapihit ako. Ang nasa likuran ko naman ay si Lovimer. "Good morning, Percy. Good morning, boss!" bati ko rin. Sinadya kong pasiglahin ang aking boses. Wala man lang tugon akong nakuha mula kay Ashmer Guieco. Lakas din ng loob. "What's going on between the two of you?" nakangiti pang tanong ng kaibigan ko. Inosente ko pa kunwari siyang tiningnan. "With us? Nothing, we're just friends," natatawa ko pa kunwaring saad at siniringan ng tingin si Lovimer na nasa tabi ko na. "Yeah, magkaibigan lang kami, bakit? Mukha na ba kaming couple? Bagay ba kaming maging mag-asawa?" tanong ng haduf sabay hagalpak ng tawa. "Why are you still here?" tanong ng robot sa haduf na Mer. Napasinghap naman ako. Ngayon ko lang ulit narinig ang boses niya matapos ang limang araw na naman na iwasan. "Ah, sinamahan ko lang si Marci na maglibot. Nag-promise kasi ako sa kanya kagabi, cous." Liar! Best liar ng taon. Natatawa na lang ako sa isipan ko. "Pero may mission ka mamaya, 'di ba iyon ang dapat mong pagtuonan?" "Yeah, I will never forget that. Besides, being with Marciella Perrer is one of the significant missions I had to fulfill. It's truly an honor." Nyawa! Corny na masyado. Buwisit. Isasako ko na talaga ito. "She's not a criminal or someone without a soul for her to be your mission, Lovimer." Sinabi niya iyon sa pinakaseryoso niyang tono na talagang masisindak ka. And I must admit, at this very moment, I'm concerned about the tension building up between the cousins. The one standing beside me laughed heartily, clearly enjoying teasing his cousin. "I never said she's like that. And you're right, Marci baby isn't the type of person to make her feel insignificant in someone's life, merely an option. This lovely woman should be treated well because she's special with that extra charm," he stated without a hint of emotion on his face. None of us could speak immediately because we hadn't anticipated that a happy-go-lucky guy had a touch of seriousness in him. It was rather impressive. "Oh, damn! Did I just say something impressive?" He shattered the silence and burst into laughter again. Saka ko pa lang napansin na malapit na sa puwesto niya si Crystal at isang malakas na batok ang pinalipad ng dalaga. "Aray ko naman, Crys. Selos ka na naman diyan. Friend lang naman kami ni Marci baby eh, pero pwede rin namang more than friends, depende sa usapan 'yon." Napapansin ko na talaga na kapag kaharap namin si Ashmer ay Marci baby talaga ang tawag niya sa akin. Fucking baby na 'yan! Sagwa. "Tse! Tumahimik ka, si Marci kailangan ko hindi ikaw. Nakakairita kasi 'yong tawa mo eh. Ay Marci, tumawag nga pala si Sir JB at hinihingi number mo." Napakunot-noo naman kami. As far as I know may number na sa'kin si Sir JB at once na siyang nag-text sa'kin pero 'di lang ako nag-reply. Boss ko nga 'di ko ma-reply-an, siya pa kaya? Boss ko? Oh, don't get me wrong. I mean boss namin, happy? Ano na namang pakulo 'to? Ang dalawa talagang ito sarap pagsamahin! "Binigyan mo ba?" kaswal kong tanong. Ramdam ko ang titig ng taong dahilan kung bakit ang daming naiimbentong bagay ang dalawang mag-ex-best friend na ito. "Awit! Hindi pa pero ayos lang ba na ibigay ko?" "Hmm, close naman na kami kaya ayos lang." "Yon oh!" "Huwag mong ibigay." Sabay-sabay kaming napatingin sa epal na Ashmer, maging si Percy ay napakunot-noo din. "Bakit naman, hon? I mean, nabanggit mo na sa akin 'yang JB na 'yan, Marci, 'di ba?" nakangiting usisa ni Percy. "Yeah? I guess." "Lahat ng mga ginagamit niyong number ay connected sa system ng GC. Kaya sana naman gamitin niyo sa tama, hindi sa mga kalokohan niyong 'yan!" "May point," bulong ni Lovimer sa akin na parang ako lang talaga ang nakarinig. Sabay silang natawa ni Crys. God! Sumasakit na ang panga ko sa kanila. Sino ba talaga kakampi ng mga ito? Ako o 'yong bossungit nila? "Crys," untag ko sa isa. "Yes, Marci?" "Give it to him. Kahapon pa pala 'yon nang hihingi, nakalimutan ko lang since busy tayo," napapakamot sa sentido ko pang saad. Saka hindi ko rin alam kung bakit sinasakyan ko ang trip ng magkaibigang ito. My god! Mukhang mas kailangan ko na ring mag-grow up, buwisit! Parang mga bata kaming nag-aasaran dito. "No, Crystal. It's all about GC's safety." Aba! At anong akala niya doon sa isa ay terorista? Safety talaga? Hihingi lang naman ng number ko, idinamay pa buong clan. Ang seryoso naman talaga niya, ah? "Walang kinalaman ang buong clan sa magiging love life ko, 'no?" asik ko. Napasipol si Mer. "Ehem! Love life naman pala," parinig pa ni Crys. Oppss! Did I just say love life? Haduf na 'yan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD