Chapter Twelve: A day with him...

1428 Words
ODETTE's POV   Naglalakad ako sa may park ng tawagan ako ni hiro   Kaya ngayon ay nagmamadali akong bumalik sa Double A condominium   Sabi niya kasi hihintayin niya daw ako doon, di man lang sinabi kung bakit   Hingal na hingal akong pumasok sa condo   Nakita ko naman siyang prenteng nakaupo doon, napatingin siya sa akin   Yah! Ano bang meron? – sabi ko ng makalapit ako sa kanya Saan ka galing? – sabi niya Sa park – sabi ko Bat di mo sinabi edi sana pinuntahan na lang kita doon – sabi niya Tss ni hindi mo nga ako pinagsalita kanina eh paano ko sasabihing nasa park ako? – asar na sabi ko   Tumawa naman siya, tss halatang nangaasar   Ano ba kasi yon? – sabi ko   Agad naman niya akong hinila palabas ng Condo, tas isinakay niya ako sa sasakyan niya   Huy saan tayo pupunta? – sabi ko Basta – sabi naman niya habang nakangiti Tch! – sabi ko   Hindi ulit ako nagtanong kasi ang labo naman niyang kausap   Hanggang sa nakaramdam ako ng antok   ZZzzzzzz   Maya maya naramdaman ko na lang na may tumatapik na sa pisngi ko   Hmmm? – sabi ko habang nakapikit Gising na nandito na tayo – sabi ng kasama ko   Kinusot kusot ko pa yung mga mata ko   O__O!!     Woah! – sabi ko Tss parang bata, tara na – sabi niya habang nakangiti   Pero wala di ako kumilos nasa amusement park kami, grabe ang ganda!!   Princess hindi pa ho ba kayo bababa? – sabi ni Hiro na pinagbuksan ako ng pinto   Nakangiti naman akong bumaba ng sasakyan niya   Woah ang ganda talaga! Bakit mo nga pala ako dinala dito? – sabi ko Date natin to – sabi niya na ikinagulat ko h-ha? – sabi ko wala ng ulitan sa bingi – nakangiting sabi niya at saka naglakad na palayo YAH! Hintayin mo ako! – sigaw ko   Buong araw lang kaming nagtawanan ni Hiro, yung ngiti at tawa niya na madalang kong makita ay buong araw kong nakikita ngayon   Ang sarap sa pakiramdam na nakangiti siya, na parang walang problema   Sumakay kami sa rio grande, log jam kahit nga sa carousel sumakay kami pero ako lang ang sumakay nakaalalay lang siya sa akin   Huy sakay tayo sa Space Shuttle – sabi ko habang tumatalon talon pa Para ka talagang bata – natatawang sabi niya   Pumila na kami doon   KYYAAAAAAHHHHHH! – sigaw ko   Si Hiro naman ay tawa ng tawa   Tch! Wag kang tuma-KYYYYYYYYYAAAAAAAAAAAAHHHH!! – sigaw ko   Hinawakan naman niya ang kamay ko   Matapos naming sumakay don ay talaga nga namang nahilo ako   Tubig oh – sabi niya sabay abaot ng tubig sa akin   agad kong nilagok yung tubig na binigay niya   Hoo! – sabi ko Ano pagod ka na ba? – tanong niya Nope! Tara ice cream tayo – sabi ko   At ayon nga kumaen na kami ng ice cream   Ang dungis mo na – sabi niya tas Saan ? – sabi ko sabay pahid sa kaliwang labi ko Tch parang bata talaga – sabi niya tas pinunasan niya yung sa kanang labi ko   Napatitig ako sa mga mata niya, habang tumatagal mas lalo akong nahuhulog sayo..   Sasaluhin mo kaya ako?   Huy tulala ka na jan? sobrang gwapo ko no? – sabi ni Hiro Ang hangin mo hahaah! – sabi ko na siyang kinatawa niya   Naglaro naman kami sa baril barilan nakuha niyang malaking unggoy, ang cute niya nga eh sobraaa   Naglaro lang kami ng naglaro   Ako naman ay nakakuha ng babaeng unggoy, ang cute cute muka silang couple nung nakuha niya kanina   Hindi ka ba nagugutom? – tanong niya Hmmm gutom na – sabi ko Tss di nagsasabi, tara nga – sabi niya sabay hila sa kamay ko   Napatitig ako sa mga kamay namin, ang sarap tignan, at ang sarap sa pakiramdam na may taong nandyan para sayo Paano ko pa ba to mapipigilan hiro? Hindi ko na kayang pigilan tong nararamdam ko para sayo.. kasi hulog na hulog na ko..   Anong gusto mong kainin? – tanong niya Ikaw.. – sabi ko Ha? – sabi niya I-ikaw na bahala sabi ko – sabi ko naman   Ano ba yan Odette! Para kang tanga talaga forevs!   Ah sige maupo ka na don – sabi niya sa akin   Humanap na ako ng magandang pwesto, at may nakita naman ako Nilibot ko ang tingin sa buong paligid, halos puro couples ang nandito, ang sasaya nilang tignan, parang mga walang problema, yung tipong pag magkasama sila okay na ang lahat May nakita din akong nagaaway, tas susuyuin lang nung lalaki ngingiti na yung babae, Napangiti na lang ako, ang sarap sa pakiramdam kapag may nanlalambing sayo, kapag may sumusuyo sayo   Oh anong tinitignan mo jan? – sabi nitong kasama ko na bigla na lang sumulpot Walaa, natutuwa lang ako sa mga couples na yon – sabi ko Naiinggit ka? – sabi niya Ha? Saan naman? – sabi ko Sa kanila, kasi couples sila – sabi niya   Napangiti ako sa sinabi niya   Siguro nga naiinggit ako, siguro nga gusto ko may magalaga din sa akin yung may manlambing sa akin..   Siguro nga..   Siguro nga umaasa ako..   Na balang araw magiging ganon tayo..   Habang kumakain kami nagkukwentuhan lang kami, panay nga ang tawa niya, di ko alam kung pinagtatawanan niya ako o yung kwento ko   Matapos kumaen naglakad lakad muna kami, nagtingin din kami ng mga paninda dito   Sinuot ko kay hiro yung wig na nakita ko, panot yon na sa gilid lang ang buhok   HAHAHAHAHHHAH! – tawa ko Gwapo ko pa rin no? – sabi niya Hahhahah! Oo sobra! – sabi ko tas may sinuot naman siya sa akin, yung wig na mukhang tanga HAHAAHAHAHAHAH! – tawa niya naman   Click!   Nagpicture kami habang nakawig, phone niya ang gamit kasi lowbat na ako   maya maya may sinuot siyang onesie na pooh        HAHAHA ang cute mo! - sabi ko  ikaw din magsusuot ka bilisan mo - sabi niya sabay tulak sa akin Y-YAAH - at wala na nga akong nagawa kundi magsuot ng onesie   pagkalabas ko agad niya akong pinicturan, tch! nakasimangot  ako don sa picture           ahahah! ang cute mo kaya - sabi niya naman, halos maging guhit na yung mata niya dahil sa pagtawa niya hahah tss oo na lang hahaha! - sabi ko na lang   Pumasok naman kami sa photobooth   Sa unang pic nakaakbay siya sa akin, pangalawa naka peace kami pareho, pangatlo nakasmile ako pero inasar niya ako kaya napasimangot ako tapos siya nakatawa, pang apat naman nakaakbay siya sa akin tas ako parang nakakiss sa pisngi niya pero hindi ko dinikit yon, pero nung nag capture dinikit niya bigla pisngi niya   Tch chansing hahah   Tag isa kami ng kopya ni hiro, nakakatuwang tignan yung picture, di mo aakalain na ang isang Yoshihiro Ortega ay may ganitong side   Habang naglalakad may nakita naman kaming mga nagsasayaw, pinanood namin sila, nang biglang hatakin kami nung mga nagsasayaw   Pati kami ay nakisayaw sa kanila, si Hiro ang galing niya sumayaw hahaha   Marami ang nagvivideo sa amin, yung iba akala couple kami, di na lang namin sila pinapansin   After naming makisayaw doon pumunta kami sa ferris wheel   May kahabaan yung pila, pero pumila pa rin kami gabi na kasi maganda sa ferris wheel kapag gabi dahil sa city lights   Ma'am dito po kayo – sabi nung nagaassist   Sumakay na ako tas sumunod naman si Hiro sa akin   Enjoy the night ma'am sir – sabi nung lalaki   Nginitian ko na lang siya bilang sagot Nang nasa taas na kami, huminto yung ferris wheel   Ang ganda – sabi ko A-ahm h-hiro – sabi ko Hmm? – sabi niya habang nakatingin sa city lights a-ano k-kasi – utal kong sabi bat nauutal ka? – sabi niya na nakatingin na sa akin   urggh! Di ko masabi! Parang puro paru paro yung tyan ko   *ehem   Nakatingin naman siya sa akin   Ahmm Hiro I think I'm i—   KRRRRRRRRRIIIIIINNNNGG KRRRRRRIIINNNGG KRRIIING   Hindi natuloy yung sinasabi ko ng magring yung phone niya, tsk ba yan!   Ah wait lang – sabi niya then sinagot na yung tawag Hello? --- sige--- iwan mo na lang sa desk ko yang mga pinahanap ko --- I'll check it later – bye   Sorry ano nga yung sinasabi mo? – tanong naman niya Ah yun ba? gusto ko lang sana magthankyou sayo – sabi ko Saan naman? – sabi niya Dito, kasi pinasaya mo ko, sobrang thankyou – sabi ko   Ngumiti naman siya bilang sagot   Thank you din, napasaya mo rin ako – sabi niya   Nagpicture ulit kaming dalawa, hawak ko yung unggoy na nakuha niya tas hawak niya yung nakuha ko     Hindi na muna ako magtatapat sa kanya, siguro hindi pa ito yung tamang panahon
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD