Chapter Thirteen: Sudden changes..

1275 Words
ODETTE's POV   Two weeks.. two weeks ko ng hindi nakikita si Hiro..Tinatawagan ko siya pero wala, hindi niya sinasagot. Hindi ko alam kung may nagawa ba ako, para iwasan niya ko, kahit sa school, hindi ko siya nakikita Sinubukan kong tanungin sila ryan pero wala akong nakuhang sagot sa kanila, nung araw na lumabas kami, yun ang pinakamaganda at masayang nangyari sa buhay ko, akala ko magtutuloy tuloy na ang masayang samahan namin, akala ko doon na magsisimula ang lahat sa amin, pero akala lang pala..   Anong nangyayari kay Hiro? – tanong ni Mayumi sa akin   Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kay mayumi   l-labas muna ako – sabi ko   pipigilan niya pa sana ako pero nagmadali akong lumabas sa unit namin naglakad lakad ako sa park, maraming mga bata ang naglalaro, may mga couples at may pamilya sa mga oras na to nakaramdam ako ng inggit, inggit sa mga bata kasi wala silang problema, tanging paglalaro lang ang ginagawa nila, inggit sa couples dahil nakita na nila ang isa't isa, handa silang damayan ang isa't isa at higit sa lahat inggit sa pamilya, buti pa sila Masaya, buti pa sila buo, buti pa sila sama sama.. habang pinagmamasdan ko sila may nakita akong pamilyar na tao agad akong lumapit sa kanya, hindi niya ako napansin dahil malalim ang iniisip niya, namayat siya at may ilang bigote at balbas na siya, walang emosyon ang kanyang mga mata, hindi ko magawang lumapit sa kanya, gusto ko siyang yakapin pero hindi ko magawa hanggang sa napatingin siya sa gawi ko, kita ko ang pagkagulat sa mga mata niya pero agad niya din iyong binawi at doon ko nakita ang galit sa mga mata niya..   b-bakit? Anong ginawa ko? Anong ginawa ko para tignan niya ako ng may galit sa mga mata?   Akmang lalapitan ko siya ng tumayo siya at naglakad palayo sa akin   H-HIRO! – sigaw ko pero hindi niya ako nilingon   Nagunahan sa paglabas ang mga luha ko..   Bakit? Anong nangyari?   RYAN's POV   Nandito kami ngayon sa office, halos dito na nga kami tumira, dahil sa dami ng mission na pinagagawa sa amin   Bro – caleb Bakit? – sagot ko Anong nangyayari kay Hiro? Bakit balik sa dati yon? – tanong ni caleb   Kahit ako nagtataka, ni hindi niya na rin kinakausap si Odette, nagsimula to nung umuwi siya galing sa date nila ni Odette, nung dumating siya dito sa office masaya pa siya, pero maya maya lang bigla na lang niyang pinagsisira lahat ng gamit dito sa office   Hindi ko rin alam – sagot ko na lang Akala ko magiging okay na siya – caleb   Mula ng makilala niya si Odette naging okay siya, naging masaya siya, pero ngayon bumalik siya sa dati, sa isang iglap parang hindi niya na kilala si Odette kahit kami dinadaan daanan niya lang kami, kakausapin niya lang kami pag may sasabihin siya tungkol sa cases na hawak namin Hahayaan ko na lang muna siya, sigurado naman akong magsasabi siya sa amin, hindi lang ito ang tamang panahon   ~Ashton University   EYA's POV   Papunta ako sa gym ngayon dahil sa training puspusang training ang kailangan namin, matagal kasi bago kami nakapagtraining ulit   Si bebs yun ah?   Saan pupunta yon?   Agad ko naman siyang sinundan, hmmm? Si hiro? May LQ ba sila?   Ayon sa nakikita ko hinahabol ni Odette si Hiro   TIGNAN MO GIRL OH OBVIOUSLY MAY GUSTO SIYA KAY YOSHIHIRO KAYA NGA, SIMPLENG LANDI MALA ANGHEL NGA ANG MUKHA SLUT NAMAN PALA TSS BUTI NGA SA KANYA DI NA SIYA PINAPANSIN NI HIRO   Yan naman ang narinig kong chika, pero teka nung nag tour kami okay pa sila ah? Ano ba talagang nangyari??   BOOO!   KYAAAH! – sigaw ko   Halos mahulog ang puso ko dahil doon sa nanggulat sa akin   ANO BA?! – sigaw ko AHAHHAHAH sino bang sinisilip mo jan huh? – Ryan Tss para kang tanga – asar na sabi ko AHAHAHAH! Chill! Sorry na hahhah – tuwang tuwa na sabi niya   Hayop talaga   Tss – sabi ko naman Mukang kalat na ang chismis ah – sabi niya pa habang nakatingin kila Hiro Ano ba kasing nangyari sa kanila? – sabi ko Ewan ko bigla na lang bumalik sa dati si Hiro – sabi ni Ryan Nakakapagtaka naman, ano kayang nangyari, tanungin mo kaya tropa mo yan eh – sabi ko Tss kahit nga kami di niya kinakausap eh – sabi niya Eh gag* pala yang tropa mo eh! Lakas magpaasa tas biglang ganyan – sabi ko Bakit? – sabi niya Maang maangan pa tadyakan kita eh – sabi ko   At muli humagalpak nanaman siya ng tawa parang gag* talaga   Tss! Dyan ka na nga wala kang kwentang kausap! – sigaw ko sa kanya at saka nagmarcha na paalis   Kainis nasayang ang ilang minute ng buhay ko dahil sa pakikipagusap sa baliw na yon!   THIRD PERSON's POV   Hiro bakit mo ba ko iniiwasan ha? – sabi ni Odette   Si Hiro naman ay hindi siya pinapansin, nasa taas ito ng puno at nakahiga doon, samantalang si Odette ay nasa baba   Hiro! May nagawa ba ko ha? Please naman oh kausapin mo ko – pagmamakaawa ni Odette   Pero hindi pa rin sumagot si Hiro nanatili itong nakapikit   Hiro.. please naman oh.. ayoko ng ganito tayo – malungkot na tinig ni Odette Bakit ba bigla ka na lang umiwas? Bakit ganyan ka? – dugtong pa ni Odette   Maya maya bumaba na si Hiro sa puno, nabuhayan si Odette ng bumaba ito   Hiro – sabi niya pero nilagpasan lang siya ni Hiro   Napaluhod na lang si Odette, at nagunahang tumulo ang mga luha niya   b-bakit ganito? Bakit b-bigla akong humina? P-pag dating sayo ang hina hina ko – umiiyak na saad ni Odette   Hindi ako titigil Hiro, kahit magmukha akong tanga hindi ako titigil, kailangan kong malaman ang dahilan mo..   Di kalayuan ay nakamasid si Mayumi sa kanila   Odette what are you doing? Hindi ko alam na magiging ganyan ka kapag nagmahal ka...   Umalis na si Mayumi sa lugar na iyon   What's your problem? – kompronta ni Mayumi kay hiro   Napahinto naman si Hiro, akmang lalagpasan niya si Mayumi ng magsalita ulit ito   Ngayon ko lang nakitang ganyan si Odette, ayokong nakikita siyang nasasaktan! – Mayumi Ano hindi ka manlang magsasalita?! Anong karapatan mo para saktan si Odette ha?! – galit niyang sigaw   Ngumisi naman si Hiro   Napakawalang kwenta mong tao – mayumi   Pero parang wala namang narinig si Hiro, direderetso lang ang lakad nito   ANO BA?! – galit na sigaw ni Mayumi She deserve it, kulang pa nga tong ginagawa ko eh, besides hindi ko naman talaga siya minahal – Hiro   PAAAAAAAAAAAKK!   Nagulat naman si Hiro sa pagsampal ni Mayumi sa kanya   Ang kapal ng mukha mo! Sob Ngayon ko na nga lang siya nakitang masaya sasaktan mo pa siya!? Sob sino ka ha?! Sino ka para saktan siya?! Sob Sino ka para ipamukha sa kanya na kahit kalian hindi na siya magiging masaya pa?! – sigaw ni mayumi habang umiiyak at saka tumakbo palayo   Wala kang makikitang kahit na anong emosyon kay Hiro   Bro anong nangyayari sayo? – Ryan Tss eavesdropping huh? – Hiro Hindi yon ang mahalaga Hiro, bakit ka nagkakaganyan ha?! Mas lalo kang lumala! – sigaw ni ryan sa kanya Wala kang alam – hiro THEN TELL ME! Ano ba to ha? Kailan ka pa natutong maglaro ng damdamin ng babae ha?! – Ryan Hindi mo na dapat pang malaman – sabi ni hiro WOW?! Bakit bro?! stranger ba ako para sayo ha?! - ryan   Hindi naman nagsalita si Hiro   Bro, hindi ikaw yan eh, hindi ikaw yung Hiro na naging bestfriend ko! Ibang iba ka na! – ryan at saka ito tuluyang umalis
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD