Chapter Nine: What should I do?

1807 Words
ODETTE's POV   Hindi ko alam ang dapat kong gawin, hindi ko maigalaw ang mga paa ko..   Hahakbang na sana ako ng may tumawag sa akin   Anong ginagawa mo jan? kala ko susunod ka sa akin sa dining hall? – mayumi   Agad akong napalingon sa kanya   h-ha? A-ah magpapalit k-kasi sana a-ako – mautal utal kong sabi ah ay sha tara sabay na tayo – sabi niya at naglakad na papunta sa room namin hindi niya nakita sila Hiro kasi sa kabila pa ang room namin   napatingin ako ulit kila hiro, nakita kong napatingin siya sa akin, parang nagulat pa siya, umiwas ako ng tingin   dumeretso ako sa room namin at saka pumasok sa c.r   napasandal ako sa pinto ng cr, napahawak akong muli sa may dibdib ko na sobrang bilis ng t***k nito na parang gusto ng lumabas   ang s-sakit, b-bakit ganito?   Di ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko..   Napatawa ako ng mapait, dahil sa natuklasan ko   Gusto ko na nga siya..   mali..   Mahal ko na pala.. siya   Hindi ko dapat to nararamdaman eh! Mali to! Maling mali.. pero anong dapat kong gawin dito sa nararamdaman ko?   HOPE's POV   Napakasaya ko ngayon kasi kitang kita ko kung paano magaalala sa akin si Hiro, kaya naman mas lumakas ang loob ko na may puwang ako sa puso niya   Binuhat niya pa ako, yung p-parang bagong kasal kami   Yumakap naman ako sa kanya baka kasi mahulog ako   Inupo niya ako dito sa may bench malapit sa room naming, lumuhod siya sa harap ko at saka hinilot yung paa ko   Nakatitig lang ako sa kanya, ang guwapo niya talaga, tumutulo pa yung tubig sa buhok niya   Ano ba kasing ginawa mo? – sermon niya sa akin n-nadulas kasi ako – sabi ko tsk di ka kasi nagiingat, sa susunod wag ka ng maglakad ng magisa, pwede mo namang tawagin sila ryan, caleb at Hansel – sabi niya eh ikaw pwede ba kitang tawagin? – tanong ko   napatingin naman siya sa akin, nakatingala siya   magsasalita na sana siya pero   hindi ko na napigilan ang sarili ko hinalikan ko siya   ramdam kong nagulat siya sa ginawa ko   nang matauhan siya agad siyang lumayo sa akin   w-what are you doing? – kunot noong tanong niya I-i love you, noon pa – sabi ko   Hindi naman siya nakaimik sa sinabi ko   Mula nung una kitang nakita, nakaramdam na ako ng kakaiba, pakiramdam na gusto ko akin ka lang, ayoko ng may ibang babae ang lumalapit sayo. Mahal kita Hiro mahal na mahal kita – sabi ko I-I'm sorry hope, mahal kita.. pero bilang kapatid lang, kayo nila ryan parang mga kapatid ko na kayo – sabi niya   Nasaktan ako sa sinabi niya pero hindi ako susuko   H-hindi naman kita minamadali eh, at okay lang sa akin kung hindi mo masuklian yung pagmamahal ko, pero please hayaan mo akong mahalin ka at ipakita sayo na mahal na mahal kita – sabi ko   Oo desperado na talaga ako na mapasaakin siya, hindi ako papayag na kunin nanaman siya ng iba sa akin   Hindi siya sumagot sa sinabi ko   Napatingin naman siya sa may gilid kita kong nagulat siya kaya pati ako napatingin doon   Siya nanaman?   Sisiguruhin ko mawawala sa landas ng pagmamahalan natin ang babaeng yan   I'm sorry hope.. – siya at saka tumayo at naglakad na palayo   RYAN's POV   Ngayon na ang huling araw naming dito, after lunch ang alis namin, binigay na tong oras na to para makabili kami ng mga souvenirs, kasama ko sila hiro   Hiro tignan mo to – hope Ang ganda no? bagay ba sa akin? – hope Ayun pa ang ganda! – hope habang hila hila si hiro   Tss hindi manlang umimik tong lokong to, matapos magtapat sa kanya eh, kinapatid zoned niya pa nga Hahah! Oo alam ko ang lahat, narinig ko aksidenteng nasa veranda ako non   Hay nako hope, kailan ka kaya titigil?   Hoy Odette! Tatanga ka na lang ba jan – rinig kong sigaw ni mayumi pagkapasok Tsk! Ang ingay talaga ng bunganga mo – asar na sabi ni Odette BEBS!!!!!!! – may isa pang sumigaw si eya   Kita ko naman ang sobrang pagkairita sa mukha ni Odette, napalingon naman siya sa akin, nginitian ko siya pero tinitigan niya lang ako at umirap pa pero tumawa siya   Ngumiti ako ulit at saka lumapit sa kanya   Bat ang sama ng mood mo? – ako Yung dalawang yon kasi ang kukulit ang iingay pa – kunot noong sabi ni Odette Hahah! Ganyan naman talaga sila eh – sabi ko Yun na nga eh pero hanggang ngayon di pa rin ako nasasanay – natatawang sabi niya   ODETTE! Bilhan mo sila ng pasalubong – Mayumi Oo na – Odette   Bumaling naman siya sa akin   Ikaw? Di ka ba bibili? – tanong ni Odette Di ko alam bibilhin ko wala din naman akong pagbibigyan – sabi ko   Kung nandito lang sana siya..   Kahit sino naman pwede mong bigyan, kahit sinong tao na parte ng buhay mo, o sa mga tao na thankful ka kasi nakilala mo sila – sabi ni Odette nagtingin na siya ng mga mabibili   May nakita akong key chain ang ganda, binili ko na iyon, nagtingin pa ako ng iba hanggang sa ang dami ko ng nabili   Dami mong dala ah? – tukoy ni Hansel sa mga binili ko, naisipan ko lang bilhan yung mga maid namin, guard at sila mama   Maya maya nakita ko si Odette na may tinitignan   Nilingon ko naman yung tinitignan niya si hiro kasama si hope   Love triangle na to   Naglakad na kami pabalik sa hotel namin   Ang dami niyan ah akala ko wala kang pagbibigyan? – pangasar na sabi ni Odette   Napalingon ako sa kanya, nakangiti siya   Tss ikaw kasi – natatawang sabi ko Haha kunyari ka pa kasing walang pagbibigyan – sabi niya Ah oo nga pala – sabi ko ng may maalala ako, kinuha ko yung maliit na box sa mga binili ko Oh – sabi ko sabay abot sa kanya Ano yan? – tanong niya pero kinuha niya naman Woah – sabi niya ng buksan niya yung box tas nilabas niya ung key chain Thanks! Pero para saan to? – tanong niya Sabi mo pwede kong bigyan yung mga taong naging parte ng buhay ko, at isa ka sa kanila, thankful din ako kasi naging kaibigan kita – sabi ko   Napataas naman yung isa niyang kilay tas bigla siyang tumawa   Hindi ko akalain na isang Ryan Woo ang magsasabi ng mga iyon sa akin – natatawang sabi niya Tch sige tawanan mo pa ako – sabi ko   Ang sweet niyo!   Napalingon kami sa nagsalita, nakita ko si Hope at si Hiro na nakatitig kay Odette   Napatingin naman ako kay Odette na biglang nakapoker face na, pfft masyado siyang obvious   Really? – nakangiting sabi ni Odette Yep are you dating? – Hope na parang excited pa Don't play cupid here hope – sabi ni Odette   Pffft   Ry thanks for this – sabi ni Odette at saka umakyat na Sure – sabi ko   Nilingon ko naman si Hope na ang sama ng mukha, wala na din si Hiro nasaan na yon?   Napailing na lang ako   ODETTE's POV   Tss bwisit na hope yon, padabog akong naglalakad ng may humila sa braso ko, agad akong napalingon sa taong sumira ng moment ko   Agad akong napatigil ng makita kung sino yon   Abay hayop nga   Tumaas ang kilay ko   Bakit? – tanong ko Are you avoiding me? – tanong niya   Tick!   Aw! – siya at napahawak sa noo niya   Naglakad na ulit ako palayo pero halos masub sob ako sa dibdib niya ng hilahin niya nanaman ako   Tick! Tick! Tick!   a-aray! – sigaw ko akala mo di ko narinig yung pageenglish mo kanina? – sabi niya tss – inirapan ko siya at akmang aalis na ng hilahin niya nanaman ako   URRGGHHH!!   Ano?! – ako Iniiwasan mo ba ako? – sabi niya a-at b-bakit naman kita iiwasan ha? – sabi ko ewan ko sayo – sabi niya tss di kita iniiwasan – sabi ko ng hindi nakatingin sa kanya eh bakit di ka makatingin sa akin? – sabi niya pa pake mo?! Dun ka na nga hinihintay ka na nung kasama mo – sabi ko at saka pilit na inaalis yung pagkakahawak niya sa akin   Are.. you jealous? – tanong niya   Natigilan ako sa sinabi niya   Tick!   Aish! – siya saka humawak sa noo niya h-hindi ako nagseselos! – sigaw ko at saka naglakad palayo   rinig ko ang tawa niya   tch! Nakakainis!   kapatid lang ang turing ko kay hope, wala ng iba pa – rinig kong sabi niya   napangiti ako ng lihim dahil sa sinabi niya   THIRD PERSON's POV   Nakasakay na sila sa eroplano, maya maya lang ay aalis na ito, magkatabi si mayumi at si Odette, pero saglit na umalis si mayumi   Ang tagal naman ni mayumi, nagugutom ako eh – bulong ni Odette   Maya maya ramdam niyang may umupo na sa tabi niya   Hoy mayumi b—   Natigilan siya ng mapagtantong hindi si mayumi ang katabi niya   At anong gingawa mo jan? – nakataas kilay na tanong ni Odette Nakaupo, mukha ba akong nakahiga? – hiro Tss! Alis jan! jan si mayumi – pagtataboy ni Odette kay mayumi   May nginuso naman si Hiro   Tinignan ito ni Odette at napanganga sa nakita   HAHAHAHHAAH! Grabe ang shunga niya! – rinig niyang sabi ni Mayumi HAHAHH! Oo grabe tapos non bigla pa siyang nadulas AHHAAHH!! – tuwang tuwa namang sabi ni Ryan   Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya, paglingon naman niya kay Hiro nakangiti ito at nakatitig sa kanya   Padabog siyang sumandal sa upuan niya   Maya maya may inabot na box si Hiro kay Odette   Kinuha naman ni Odette yon ng buksan niya ay kuminang ang mga mata niya, hindi dahil mamahalin kundi dahil sa ganda nito, necklace ang laman non at pearl ang pendant       Kinuha naman ni Hiro ang kwintas at saka isinuot kay Odette   Nilahad naman ni Hiro yung kamay niya sa harap ni Odette   Kumunot ang noon ni Odette   Bayad sa kwintas – Hiro   Napanganga si Odette sa sinabi ni Hiro   HAHAHAH! Joke lang – Hiro at saka tinap pa yung ulo ni Odette Tss! Nakakaasar! – Odette at saka tinalikuran si Hiro   Maya maya lang may hinagis din na box si Odette kay Hiro   Ano to? – hiro Sapatos – pokerface na sabi ni Odette   Napatawa naman si Hiro dahil doon, binuksan niya yung box at nakita ang bracelet na pearl na kulay itim, may kabigatan ito dahil nga pearl yon       Kinuha ni Odette yon saka sinuot kay Hiro   Napangiti si Hiro habang nakatingin sa bracelet na binigay ni Odette kasabay non ang pagbagsak ng ulo ni Odette sa balikat niya.. inalalayan niya ulit ito para makatulog ng maayos   Napatingin siya sa may kamay ni Odette may suot itong bracelet, muli napangiti siya ng mapagtantong pareho sila ng bracelet, dalawa kasi ang suot ni Hiro ang isa ay binili niya..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD