EYA's POV
Andito kami ngayon sa may parang court pero buhangin yung lapag gets nyo? Yung kagaya sa mga beach, pero ngayon pang volleyball lang ang meron
Captain! Laro tayo! – sabi nung isa kong kateam
Sige ba! andito ba yung iba? – sabi ko naman
Hmm tatlo lang tayo eh – sabi ni maris yung isa sa kateam ko
Bigla namang nahagip ng mata ko si Spencer at si yumi, yeah kilala ko din si mayumi di lang talaga kami close
Napangisi naman ako sa naisip ko
SPENCER! – sigaw ko
Napanganga naman yung mga kateam ko, di kasi nila alam na kakilala ko si Spencer remember nung inaya nilang sumali si Odette sa team?
Kunot noo naman siyang lumingon sa akin
Oh bakit Walton? – Odette
Magkakilala kayo? – Maris
Di ko na siya sinagot
Wanna play? – sabi ko
Naningkit naman yung mga mata niya
What would I get if I won? – sabi niya
As always laging may kapalit kapag hinahamon ko siya, para daw may thrill tss
Anything you want – sabi ko
Ngumisi naman siya
I knew it, sigurado akong malaking halaga ng pera ang gagastusin ko
I wanna go shopping – nakangising sabi niya
F*ck mapapasubo ako, hindi basta basta shopping yon! Pag sinabi niyang I wanna go shopping, shopping ng mga sapatos at jeans yon may additional pang shopping ng kung anu anong cute na makikita niya at hindi mawawala ang sasakyan
Call! – sabi ko, kapag ako naman ang nanalo ako ang mag shashopping
3 vs 2 – Odette
Tss fine – sabi ko
Pumwesto na kami, kami ang magseserve ng bola
Sinasalo niya lang ang bawat tira namin same with yumi
Sa totoo lang kinakabahan ako, why? parehong MVP ang kalaban ko hahah!
Mukang simple lang silang maglaro – bulong ni Maris
No.. halimaw sa court yang mga kaharap natin kaya maging alerto kayo – sabi ko kita ko namang natigilan silang dalawa
Nagpatuloy ang laban namin, nakahanap ako ng pagkakataon para mag Spike
WOOHHH!
IDOL CAPTAIN
Na siyang pinagsisihan ko, nakitang ngumisi silang dalawa
Kasabay ng pagspike ko ang pagtira ni mayumi sa bola pataas sobrang lakas ng tira niya at ng pababa na yung bola, doon ko nakita ang halimaw sa court
Tumalon si Odette paikot at saka tinira ang bola, paikot na bumulusok yung bola sa court namin
Halos hinangin ang buhok ko sa lakas nung bola, at napuno ng alikabok ang court dahil sa pagtama nung bola sa buhangin
Kita ko namang napatanga yung kateam ko
Meteor Spike Duo – bulong ko
Pangalawang beses ko ng nasaksihan yon, at grabe nakakamangha pa rin
Tinignan ko ang dalawa, kita kong seryoso sila
Guys seryoso na tayo – sabi ko
Yes Captain – sagot nila
Kapag kasi ginamit na nila ang tiring yon hudyat na seryoso na ang laban
Ako ang magseserve ng bola
PAAAKK!!
Bumulusok ang bola papunta sa kabila
Tinira ni mayumi ang bola tas tinoss ni Odette at kasabay ng pagspike ni Mayumi, as always paikot nanaman ang bola, nasalo ni Maris yon pagkakataon ko namang tirahin ang bola, nagakma ankong magispike ng makita ko magbablock si yumi tinoss ko lang yung bola kaya pumasok
Nagpatuloy ang matinding laban namin
Ilang beses na rin akong nagdive sa buhangin, actually hindi lang ako lahat kami nagswimming na sa buhangin
Napansin ko din na sobrang dami ng nanonood sa amin as in! yung tipong parang may concert hahaha O.A ba? hahahaha eh sa ganon eh
WOAH!
ANG GALING NILA!
OO NGA HALOS DI KO NA NGA SILA MAKITA DAHIL SA BUHANGIN
ANG COOL!
Sigaw ng mga nanonood
Natapos na ang laban namin
Sila ang panalo isang puntos lang ang lamang
Not bad huh – sabi ni Odette
Ofcourse I am part of the Powerful Generation – sabi ko
Ngumisi naman si Odette
Powerful Generation? Sila ang top players ng A.U sa Japan, yes sa Japan talaga kami nagsimula not here, doon din kami nagkakilalang anim, Powerful Generation consisit of 6 persons kabilang kaming tatlo, ako, Odette at si Mayumi then yung tatlo pa, kinatatakutan kami sa court yung tipong pag kami ang sumalang hindi na nakakapuntos ang kalaban
t-teka? Powerful generation? You mean yung mga halimaw sa court ng Japan? – Maris
yes – Mayumi
nanlaki naman ang mata nung dalawa kong kasama
woah! – si jara yung isa kong kasama
bakit hindi kayo sumali sa Varsity? – maris
ayoko – Odette
why? – Jara
malaki ang nagbago eh – Odette
alam ko kung ano ang tinutukoy niya, siguro kung hindi siya comatose at kung buo pa kaming anim malamang sasali yan
pero huling taon na to, sana makasali kayo kasi eto na ang huling laro niyo – Jara
I'm n--
Uy eya pinapatawag na tayo in 15 mins – Keiah
Shocks!
Uy tara ng maligo muna ang lagkit natin – sabi ko
At ayon umakyat na kami sa mga kwarto namin
THIRD PERSON's POV
BRO GRABE SAYANG DI KAYO NANOOD! – sigaw ni caleb na kakapasok lang sa kwarto nila ryan
Ano bang problema mo? – Ryan
Tsk kasi naman inaaya ko kayo bumaba ayaw niyo naman – caleb
Bat naman kami bababa eh sobrang daming tao don – ryan
Tahimik lang si Hiro na nakahiga sa kama
BRO! – sigaw ni Hansel pagkapasok na parang excited na excited pa
Napanood mo bro?! – caleb
Oo! Tang*na ang galing nila! – Hansel
Ang hot ni Odette maglaro grabe! – Caleb
Agad namang napabangon si Hiro at kumunot ang noo, Si ryan naman napatingin sa dalawa
Oo pre! Parang nainlove nga ako! navideo ko yung laro nila – Hansel
Ipapakita pa lang ni Hansel ang video ng mawala sa kamay niya ang phone niya
Bro nasan na – Caleb
Kumapa kapa pa si Hansel sa katawan niya hanggang sa..
WOAH!
ANG GALING NILA!
OO NGA HALOS DI KO NA NGA SILA MAKITA DAHIL SA BUHANGIN
ANG COOL!
Napalingon sila sa pinanggalingan nung tunog
Napatanga sila ng makitang nakatutok si Hiro at si Ryan sa phone
Napailing na lang yung dalawa
WOAH! - Hiro
Ayon! - Ryan
SPIIIIIIKKKEEE! – Ryan / Hiro
Ayan na ayan na! – Ryan
OUTSIDE!! – Hiro
Nang matapos ang video balik sa poker face si hiro sabay hagis nung phone si Ryan naman bumalik na sa kinuupuan niya at nagkalikot ng phone niya
WOW HA?! – sarcastic na sabi ni Hansel
~Coron Island
MAYUMI's POV
Woah grabe ang ganda dito sobrang linaw din ng tubig
Napatingin naman ako sa mga kasama naming lahat sila naka bikini, kahit yung mga walang pinagmamalaki yung iba ang iitim ng singit hay naku, kami ni Odette ay naka rash guard then paboyleg yung sa pambaba namin
Si eya naka rash guard din nakita ko naman ang grupo nila ryan ang hot nila! Shete ang abs! yung inly girl naman nila naka two piece
Hoy yang mga mata mo – Odette
KJ nito ang hot nila oh! – ako
Tch – Odette
Magiscuba diving kami ngayon sobrang excited na kooo
Isa nga pala to sa lagi naming ginagawa ni Odette nung nasa new York kami, minsan nga sa may aquarium pa kami ung malaki ha hindi yung aquarium sa bahay
Sinuot na namin yung oxygen namin at saka tumalon
Ang ganda! Sobrang linis ang daming isda
Umahon na ako ng magsawa ako
A-aray!
Rinig kong sigaw di kalayuan
Napakunot naman yung noo ko
OMYGOSH!
ANONG NANGYARI?
HALA!
NASPRAIN DAW SIYA!
Pinagkaguluhan naman siya, nakita ko namang to the rescue agad yung mga boys niya sila Hiro
Anong nangyari don? – Odette
Ewan? – ako
Nakita kong binuhat agad ni Hiro si Hope, dumaan sila sa harap namin, nakayakap si Hope kay Hiro
Nagmamadali sila kasunod nila sila ryan
Wala siyang sprain – Odette
Nakita ko nga psh anong drama yon – ako
Naglakad na rin kami pabalik sa hotel namin yung iba naman naiwan doon, it's already 7 pm
ODETTE's POV
Hay nako anong kaartehan naman kaya ni hope yon?! – asar na sabi ni mayumi
Tsk! Obvious naman na wala siyang sprain I can see it! – dugtong niya pa
Habang naglalakad kami puro ganyan siya, kesyo ang arte daw ni hope pabebe daw
Tas eto namang hiro na to nagpakahero! – sabi niya
Malamang kaibigan niya yon – ako
Tsk kahit na! – siya
May gusto ka ba kay hiro? – tanong ko
Nanlaki naman ang mata niya
HA?! Ano ka ba! team hiroxodette kaya ako!! – sigaw niya tas nagmarcha na siya palayo
Ha?
Napakunot naman yung noo ko hiroxodette?
Dumeretso na ako sa may room namin, si mayumi nakita kong pumunta sa dining hall,
Nang makaakyat ako naestatwa ako sa nakita ko
a-anong ibig s-sabihin nito?
napahawak ako sa dibdib ko kasi parang nakaramdam ako ng sakit ng makita ko sila...
nang makita ko silang magkadikit ang mga labi...