Episode 1
Manghang-mangha ako sa malaking paaralan na nasa harapan ko ngayon. Makintab ang mga pintura at halatang mga high profiles lang na tao ang kayang makapag-aral. Pero nagawang madaya 'yon ng leader namin sa pamamagitan ng panghahack at pang scam sa system nila. Napangiti naman ako roon.
"Handa ka na ba?" Tanong ni Lance, ang kababata ko na parte ng samahan. "Kung bakit kasi ikaw ang ipinadala sa misyon na yan, mahina naman ang loob mo" Pangaasar nito. Tinarayan ko na lamang sya at nagsimula na pumasok sa loob.
Totoo iyon, mahina ang loob ko, dahil takot ako na baka mahuli sa araw-araw na pang hoholdap, snatch, at pang aakyat bahay namin. Pero nangako ako sa sarili kong gagawin ko ang best ko sa mission na to dahil ayoko nang mapagtawanan na naman ng aming samahan. Lalo na at malaki rin ang tiwala na ibinigay saakin ni Don Gervacio.
Pasipol-sipol akong naglakad habang nakapasok pa ang kamay sa bulsa ng maiksing palda papasok sa paaralan nang mapansin ko sa 'di kalayuan ang mga estudyanteng nag pupulong-pulong habang sinisipa ang isang patpatin na lalaki.
Hindi ka naman pala ganun kahirap hanapin dahil mukhang sikat ka sa paaralan mo. Sikat na loser!
"Napaka pangit mo anong karapatan mong bustedin si Jaycel!" Maarteng sabi ng babae at hinampas pa dito ang bag.
Mabilis akong pumagitna sakanila at isa-isang tinulak ang mga batang sumisipa at nanghahampas sa lalaki.
"Who are you?" Maarteng tanong ng babaeng naitulak ko habang nagpapagpag ng kanyang palda
"Sino ako? Ako lang naman ang mag susumbong sainyo sa principal dahil sa ginawa nyo sa lalaking ito!" Pasigaw kong sabi na agad namang nagsilakihan ang kanilang mga mata at kumaripas na ng takbo "Hoy bumalik kayo!" Pananakot ko pa pero nakalayo na sila. Inis akong napatingin sa lalaking katabi at nakita kong naglalakad na siya palayo na parang walang nangyari.
Huh? Kakaiba rin ang isang ito. Pag tapos bugbugin ay nagbasa na agad ng libro.
Hindi ko siya ganon kakilala. Pero ayon kay Don Gervacio, nag iisa lang daw syang anak ng mga lopez, ngunit ipinalabas na patay na siya upang hindi na habulin ng ibang mga sindikato. Ang tanong paano nakuha ng aming source ang impormasyon na 'yan ay hindi ko rin alam. Hindi na ako nagtanong pa sa Don, dahil maikli lang ang pasensya nito at baka uminit pa ang ulo.
While I was nearing the door, the teacher suddenly spotted me. Ngumiti na agad ito saakin at iginiya ako papasok.
"Class, we have a new student. Ija, introduce yourself" mabait nitong sabi kaya naman ngumiti na ako sa lahat. Andito si Kenzo, ngunit wala ang mga nangbully sakanya. Marahil ay ibang grade level sila dahil matatangkad ito at iba ang uniporme na suot.
"Good morning everyone, my name is Leilani Arboleda. Leila for short and I'm from manila" maikling introduksyon ko sa sarili. Nakita ko pang nagbulungan ang iba pero hindi ko na sila pinansin dahil napako ang tingin ko kay Kenzo. Matangkad pala talaga siya sa personal at patpatin, mahaba rin ang kanyang buhok at maraming tigyawat.
"Okay thank you Leila, you can choose your seat now" Tumango lamang ako sakanya at deretso deretsong umupo sa tabi ni Kenzo. Mas maganda nang ganito kalapit para makuha ko agad ang loob nya.
Mabilis lang ang naging discussion ni Ms. Julie at umalis na rin ito agad dahil lunch time na
"Naku Leila dapat di ka umupo sa tabi nya baka mahawa ka pa sa tigyawat nyan ang ganda mo pa naman!" Sabi ng isang lalaki at nagsitanguan naman ang iba pang mga katabi. "Yeah, Leila, he's such a snob. He thinks he's handsome! He even rejected Jaycel, chix yun sa buong campus" Sabay ng isang babae pa.
Trying to gather more information about Kenzo, I pretended to be curious. "Baka naman nahihiya lang" I replied, hoping to learn more about him.
"Bakit naman sya mahihiya? He's been here for three years! He just lacks manners!" Saw saw pa ng isa at hinawakan ang buhok ko "By the way, what's your shampoo? napaka bango! ako nga pala si Gift" Paglalahad nya ng kamay.
Sasagot pa sana ako pero agad na tumayo si Kenzo na parang walang narinig kaya naman mabilis kong tinanggap ang kamay ni Gift at nagmadaling sundan ang patpatin na 'yon.
Nasaan na ba yun ang bilis nyang nawala! Napaka payat kasi kaya napakabilis mabuhat ang katawan!
Palinga-linga akong naghanap at ayun natanaw ko agad syang pumasok sa likod ng building. Ano naman kaya ang gagawin nya roon? Mabilis akong sumunod at dun nakita ko itong nakaupo sa damo at kinakain ang lunch box nya. Agad naman ako nakaramdam ng awa para sakanya.
The students can't stand him. They absolutely despise his looks and his cold personality. They label him as a snob because no matter what they do, he just stays silent, even though deep down he's hurting. Nahabag ako sa naisip ngunit hindi ko siya pwedeng kaawaan dahil tulad ng iba, may iba rin akong intensyon sakanya. Atsaka kasalanan nya yon. Sa mukha na lang babawi hindi niya pa ginawa.
"H-hi" pasimple ko at umupo sa tabi niya "lagi kang nandito?" Tanong ko ngunit nagtuloy-tuloy lamang sya sa pagnguya na parang isa akong hangin "Bakit hinahayaan mo silang saktan at pagsalitaan ka ng ganun, kung ako yun- huy teka saan ka pupunta?" Habol ko dahil iniwanan na naman nya ako roon. Napahinto lamang ako sa pag takbo nang may humarang sakanya.
"Andito ka lang pa lang pangit ka" tawa tawa ang isa. Kilala ko siya. Siya ang tropa ni Lance sa tondo noon. Wally ang pangalan nya, lagi raw nitong binubully si Kenzo at kailangan kong awatin para makuha ang loob ng binatang pangit. Lalapitan niya pa sana si Kenzo pero agad akong pumagitna
"Bubugbugin mo ba ang isang 'to? Tignan mo nga ang sarili mo, napaka laki mo at bubuyuin mo sya na kahit sa bato nadadapa. " sabi ko at dinura ang bubble gum na nginunguya ko kanina pang pag pasok
"Eh ano!? Umalis ka na kung ayaw mong madamay" anya pero humarang pa rin ako at itinulak sya palayo "May taga pag ligtas na pala ngayon ang payatot na to eh" tawa-tawa pa nya "Maganda ka sana pero wala kang taste" at hihilahin pa sana ako pero nang itaas nya ang braso ay agad ko na itong hinila at pinataob siya.
I've been waiting for this. I know how to fight because I was part of a taekwondo team in Manila. The teachers saw my potential, that's why they invited me and offered me a scholarship.
"Oo mataba ka pero hindi yun ang advantage mo para mangbuyo ng payatot" sabi ko pa at napatingin sa walang imik na si Kenzo na deretso ang tingin kay wally habang nakahiga
"Gago ka! Humanda ka saakin! Wag lang talaga tayo magkita!" Ani wally at tumakbo na papalayo. Napailing naman ako at tinitigang mabuti ang binata.
Salubong at makapal ang kilay nya kaya nag mumukha syang angry bird, at kahit na matangkad sya, patpatin naman at napaktanga dahil pag naglalakad akala mo'y laging natitisod. Lampang pangit sa madaling salita.
"Tara na" agad kong kinuha ang lunch box ni kenzo na ikinagulat nya. Ngunit wala naman syang imik at sumunod din naman ito papasok sa room namin. Napangiti ako roon. Parang naka plus points ako ah!
Payapa akong naupo at hinintay si Kenzo, ngunit bago ito makaupo ay ipinatid na agad ito ng isa naming kaklase! Malakas ang pagkabagsak ni Kenzo, at napaka pangit talaga ng reaksyon ng muka nya. Gusto kong matawa ngunit pinigilan ko ang sarili.
"Lampa! Pangit na lampa pa!" Sigaw ni Jaymee at nag apir sila ni Gift at ng iba pang mga kaibigan na hindi ko na alam ang pangalan.
Seeing how everyone despises him, I couldn't help but feel a strong urge to stand up for him. It seemed like it is the perfect opportunity to gain his trust. I think that by being there for him, I could break through his walls and show him that he wasn't alone. And that's my mission. To make Kenzo Lopez trust me.
Tumakbo ako papunta kay Kenzo at tinulungan siyang makatayo "Okay ka lang ba?" Kunyareng nagaalala na tanong ko. Inayos lang nya ang salamin at kinuha ang nagtalsikan nyang libro.
"Leila, 'wag ka nga lumapit diyan! Hindi ka rin naman kinakausap nyan at tinatrato nya tayong parang hangin!" Sabi ni gift at hinawakan ang braso ko ngunit agad ko itong binawi, bagay na ikinagulat nya.
"Paano niya kayo kakausapin kung ginagawa nyo siyang basura" napasulyap pa ako kay Kenzo upang tignan kung narinig nya ngunit pinapagpagan lamang nito ang libro.
"Ano? Kinakampihan mo ba ang tigyawatin na yan Leila?" Pagtataray ni Jaymee.
"Hindi ko siya kinakampihan dahil una sa lahat wala naman akong pakialam sainyo at hindi ko kayo kaibigan" pagtataray ko rin sakanya. Kung maldita ka pwes mas maldita ako! Letse!
Gulat naman ang lahat dahil nasabi ko iyon. "You're acting so different, is this the real you?" Tatawa-tawang sabi ni gift.
"Baka syota nya!" Malakas na kumalabog ang pinto at pumasok si wally at ang isa nya pang tropa na malaki. Tsk nagtawag pa talaga ang mokong na ito.
"Kababae mong tao, lalaki ka kung umasta tignan lang natin ngayon kung hanggang saan ang tapang mo" palapit na palapit na sabi nito. Napapikit ako sa inis. Hindi ko naman alam na pag tapos kong protektahan ang payatot na yon, mapapahamak din ako! tabachoy to, talagang madedehado ako.
Pag dilat ko'y gulat akong napatalsik at ininda ang likod kong tumama sa kanto ng lamesa. Tinulak ako ni wally! At mukhang galit na galit siya saakin dahil lalapit pa ito at tila walang paki kung makick out man siya sa gagawin!
Tatayo pa sana ako upang makalaban pa pero gulat akong sinapak siya ni Kenzo at hinila ako palabas ng room.
Napatulala ako sa nangyari habang nakatingin sa kamay nyang hawak hawak ang palapulsuhan ko. S-sinapak nya si wally para saakin! Napangiti ako dun dahil wala pang isang araw ay napalambot ko na siya!
"Wag mona ulit akong ipagtanggol at pakielaman ang buhay ko" Nagkamali ako sa naisip na napalambot ko na sya. Dahil agad siyang umalis at nag cr na. Gusto ko pa sana syang sundan pero masyado akong nabuwiset sa inasta nya.
Akala mo pogi, kung hindi lang ito misyon ay baka nakisali na rin ako sa mga nambubuyo saiyo!