bc

Unkiss Me, Please! (RomCom)

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
family
HE
sweet
lighthearted
city
magical world
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Binigyan ng magical na kuwintas si Callie ng Auntie Lucila niya-ang Destiny Maker. May kakayahan umanong itali ang kapalaran niya at ng lalaking napupusuan niya. Paano? Sa pamamagitan ng paghalik sa lalaking iyon habang suot ang Destiny Maker.

Si Reeve Rosales, ang ultimate crush ni Callie ang napili niyang paggamitan ng kuwintas.

But a disaster happened. Hindi si Reeve ang nahagkan niya kundi ang schoolmate niyang mukhang kunehong butiki, si Ben Brandon.

Several years passed, Callie had forgotten all about the necklace and Ben Brandon until she met Reeve again and realized she still like him. Okay na sana, gusto na rin siya nito pero nang hagkan siya, bigla ay nagbago ang pakikitungo nito sa kaniya. Kasalanan iyon ng Destiny maker, hinaharangan niyon ang kaligayahan niya.

Mapipilitan si Callie na hanapin si Ben Brandon at alisin ang mahikang bumabalot sa kanila sa pamamagitan ng parehong proseso kung paano niya itinali ang mga kapalaran nila-by kissing him again while wearing the necklace. May problema nga lang-ang dating mukhang kunehong butiki na si Ben Brandon ay ultra super mega hot na. At ang ultra super mega hot na lalaki ay ayaw magpahalik sa kaniya!

Now what? Dadaanin na lang ba niya ito sa dahas? O hahayaan na lang na matali ang kapalaran dito forever?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
GAGANA ito. Gagana ito. Gagana ito. Alam ni Callie na hindi lang isandaang beses na sinambit niya ang mantrang iyon mula nang pumasok sa gate ng De Lora State University hanggang sa makarating sa lugar na pakay—ang isang palapag na istruktura sa likod ng soccer field, ang private locker c*m shower room ng Cyclone Soccer Team. Naging triple ang t***k ng puso niya nang matanaw ang nakapinid na pinto ng locker room. Akma siyang hahakbang palapit nang bumukas ang pinto at iluwa ang limang lalaki na lahat ay bagong ligo at umaalingasaw sa sabong mabango. Natigilan ang mga lalaki, nagpalitan ng tingin at sabay-sabay na ngumisi. Sanay na si Callie sa ganoong reaksiyon ng mga lalaki tuwing makikita siya. They knew about her secret na hindi na sekreto ngayon dahil alam na halos ng buong soccer team ang pagsintang wagas niya sa captain ng Cyclone, si Reeve Anthony Rosales. "Sino sa amin ang kailangan mo? Sabihin mo agad, nagmamadali kami," nakangising sabi ng lalaki sa gitna, si Lucardo Villacruisis the Third o "Lock". Isa ito sa Defenders ng team, schoolmate niya since elementary, kapitbahay nila sa Villa Romana at kinakapatid ng pinsan niyang si Haley. Kaklase niya rin ito sa History at Arts and Humanities. Isa sa kinatatakutang estudyante ng De Lora si Lock dahil sa pagiging mataas na miyembro ng isang notorious na fraternity. Maangas ito, feeling hari ng daan kung patakbuhin ang sports car. But beneath all that, Lock has a good soul. Ito ang dahilan kaya natigil noong higshchool ang pam-bu-bully sa kanila ng mga pinsan niyang sina Penny at Haley. Ini-anunsiyo nito sa buong school gamit ang speakers na ang sinumang manggugulo sa kanilang tatlo ay malilintikan dito. "Ako lang ang may karapatang sirain ang araw nila, naiinitindihan ninyo?" naalala niyang dugtong pa ni Lock. Iningusan ni Callie si Lock. "Wala sa inyo, 'no." Napangiti rin siya agad. "Nasa loob ba siya?" "Wala. Hindi nga nagpakita sa practice. Ang dinig ko nagpadespedida siya sa condo niya kasama si Margaux. Dalawa lang sila." Sinadya nitong bigyang-diin ang huling tatlong salita. "At saka hindi mo ba nabalitaan? Engaged na sa isang Fil-Am 'yang si Reeve. Their wedding was set already. Siya na lang ang hinihintay." Sinimangutan ni Callie si Lock. Para namang hindi niya ito kilala. Source of information niya si Lock sa mga kaganapan sa buhay ni Reeve and at the same time ay numero uno ring kontrabida sa love life niya. Bibigyan siya nito ng impormasyon pero laging karugtong no'n ang pangdi-discourage sa nararamdaman niya para kay Reeve. "Pinagloloko mo na naman ako, Villacruisis. Wala na sila ni Margaux at nakita ko ang motor ni Reeve sa parking kanina." Sinadya niyang hindi pansinin ang sinabi nito tungkol sa engagement at kasal ni Reeve. Lock snorted. "Bahala ka," sumusukong sabi nito habang umiiling. Isinampay ni Lock ang kulay blue Fila gym bag sa balikat at senenyasan ang mga kasama na umalis na. "Pakopya pala sa quiz sa History bukas." "Bakit hindi ka kaya mag-review mamaya?" "Ayaw. Matutulog ako. Umuwi ka na. Seryoso ako, wala si Reeve sa school ngayon." Umalis na ito matapos siyang tapunan ng seryosong tingin. Hinintay muna ni Callie na tuluyang mawala sa paligid si Lock bago siya lumapit sa locker room. She pushed the door and peered inside. Ang maikli at makitid na pasilyo ang bumungad sa kaniya. Sa dulo ng pasilyo ay may pinto. Tinunton iyon ni Callie. Hindi muna siya pumasok. Idinikit niya ang tainga sa pinto at nakinig. Katahimikan ang nakuha niya, ngunit nang itulak niya ang pinto ay nadinig niya ang mahinang lagaslas ng tubig mula sa shower. Kinalma niya ang paghinga bago tuluyang pumasok sa locker room. Awtomatikong humawak ang kamay niya sa isa sa labindalawang palawit na hiyas ng suot niyang kuwintas. Destiny Maker. Iyon ang pangalan ng kuwintas. Napangiwi siya sa ka-kornihan ng pangalan ng kuwintas na hindi umano bastang kuwintas. Isa iyong amulet, may taglay na charm. Isang set ang Destiny Maker na regalo ng kanilang Auntie Lucila. Mula pa iyon sa bansang Ireland at gawa ng isang Irish gypsy. May bracelet na napunta sa pinsang si Hayley at singsing na napunta kay Penny. The necklace the bracelet and the bracelet were made of the same materials—twelve love stones interconnected by a red and gold cord. Habang ang singging, gawa sa gold, may cavity o sisidlan sa gitna kung saan isinilid ang pinulbos na labindalawang love stones Kilala ang gypsy na magaling na fortune teller at matchmaker sa lugar nito. Nang makita raw nito si Auntie Lucila, nalaman agad ng babae ang tungkol sa sekreto ng pamilya nila. O sekreto nga ba? Alam ng marami ang tungkol sa umano'y sumpa sa buhay-pag-ibig na bumabalot sa mga babaeng Rosanta. Isa si Auntie Lucila sa biktima raw ng sumpa. Sa edad na thirty eight ay dalaga pa rin ito. Dalawang beses itong namatayan ng kasintahan, tatlong beses na hindi natuloy ang kasal at limang beses na sinaktan ng mga lalaking minahal. Ofcourse, Auntie Lucila wasn't the first Rosanta woman who suffered such fate. Ang mga lola at aunties siya na minalas sa buhay-pag-ibig. "You, three, are such lovely ladies," Callie remembered her aunt said as she handed them the amulets. "Hindi ninyo deserved na magkaroon ng buhay na kagaya ng sa amin. The Destiny Maker will save you." Pagkatapos no'n ay itinuro nito sa kanila kung paano gamitin ang amulets. Matapos muling humugot ng hangin, naglakad na si Callie. The smell of soap assaulted her nose. Agad tumuon ang mga mata niya sa nag-iisang nakasarang cubicle na nasa bandang dulo. Habang lumalapit nang lumalapit ay palakas nang palakas ang amoy ng sabon. It smelled so fresh and clean. It smelled of Reeve. Ganoon ang lagi niyang nalalanghap kay Reeve tuwing mapapadaan sa harap niya. Ganoon ang nalanghap niya rito nang lumapit sa kaniya habang nakapila siya sa cashier's office at bigyan siya ng cardboard upang gawin niyang pamaypay. Tinanong nito kapagkuwan ang pangalan niya at hiningi ang cellphone number niya. That scene was still vivid in Callie's mind. Gabi-gabi kung i-play niya iyon sa isipan. That was the best day of Callie's life. Feeling niya noon, namatay siya at napunta sa langit. At nang ngumiti si Reeve at pisilin ang baba niya, wala na, nagpalutang-lutang na lang sa limbo ang espiritu niya. Mas tumindi ang tama niya kay Reeve mula noon. Buong akala niya, simula na iyon ng love story nila ni Reeve. But how wrong she was. Kumalat na parang wild fire sa campus ang tungkol sa pag-alis ni Reeve sa Pilipinas kapag naka-graduate na ito. Susunod ito sa Maryland, USA, kung saan naghihintay na ang buo nitong pamilya at ang babaeng nakatakdang pakasalan. Kung gaano kataas ang inilipad ng kaluluwa ni Callie nang mapansin na siya ni Reeve, ganoon din kataas ang nilagpakan niya dahil sa balitang iyon. Hindi siya makakapayag na mauwi lang sa ganoon ang tatlong taong pagsintang wagas niya sa binata. Ngayon pa kung kailan nasa unang kabanata na ang love story nila? Ngayon pa na hindi na siya "nobody" sa buhay nito? Kaya hayun siya, dala ang huling armas niya—ang Destiny Maker. Itatali niya ang tadhana nila ni Reeve sa pamamagitan ng kapangyarihang bumabalot sa kuwintas. "Huwag mo akong bibiguin," bulong niya, hinawakan ang palawit ng kuwintas at lumapit sa cubicle. "Sa'yo nakasalalay ang kaliga—" Lahat ng salitang kakawala pa sana sa bibig ni Callie ay bumara na lamang sa lalamunan niya nang tumapat sa pinto ng cubicle. Mula sa frosted glass door nakikita niya ang bulto ng lalaking nakatalikod sa kaniya. Nakahubo ang lalaki! "Inay kupo!" singhap niya at mabilis na nagtago sa likod ng locker, malakas ang tahip ng dibdib. Bumukas na ang pinto at lumabas ang lalaki. Nataranta si Callie. Ano'ng gagawin niya? Magmakaawa ka! Humingi ka ng kiss! susog ng pasaway niyang utak. Okay. This is it, pusit! Bahala na si Batman! Lumabas siya sa pinagkukublian at mabilis na lumapit sa lalaking nakasuklob ang tuwalya sa ulo. "Reeve! Puwede bang makahingi ng—ay tipaklong!" Traydor ang sahig. Dahil sa basang tiles at sa pagkataranta, biglang nawalan ng grip ang sneakers ni Callie. Napasingaw pa siya nang maramdaman ang pagdausdos ng kaniyang mga paa at mawalan ng preno. Kaya ang ending? Dire-diretso siyang sumemplang sa nawindang na lalaki. Nawalan sila ng balanse, pumaibabaw siya rito at ang nguso niya...ang nguso niyang virgin, hayun at nag-shoot ang nguso ng lalaki. Clack! Nag-untugan pa ang mga ngipin nila sa lakas ng impact, pero hindi na nagawang lumayo ni Callie. Natilihan siya nang may kakaibang nangyari sa kaniya. Something warm seemed to engulf them. Nagsimula iyon sa magkahinang nilang mga labi—na sa totoo lang ay mas masakit kaysa masarap dahil sa pagkaka-untog—at kumalat sa mukha niya, naglakbay pababa sa leeg, dibdib hanggang sa mga kuko niya sa paa. It was so wonderful, para siyang idinuduyan sa alapaap kahit na ang totoo ay nakasubsob siya sa dibdib ng isang estranghero. Na-magnify ang masarap na sensasyong naglalakbay sa katawan niya. Nakakaliyo iyon, nakakalasing, nakakahibang. Ito na 'yun! Callie thought habang pilit na pinapanatili ang lapat ng kanilang mga labi. Nakatali na sa akin ang tadhana ni Reeve. Sa pamamagitan ng aksidenteng ito, nakaselyo na sa loob ng kuwintas ang aming kapalaran. That's how the Destiny Maker works—isang halik lang, selyado na. Hindi naman sinabi ni Auntie Lucila na kailangang intentional ang halik, 'di ba? Kahit accidental na banggaan ng mga nguso at gilagid, counted pa rin! Unti-unting bumitaw si Callie, nanlalambot ang tuhod at may malapad na ngiti sa labi. Handa na siyang sabihing "I love you, Reeve," nang biglang— "Oh s**t!" And just like that, the spell ended. Napalingon sila sa nagsalita. Pakiramdam ni Callie ay nagiba ang kisame at bumagsak sa ulo niya nang makita kung sino ang nakatayo sa nakabukas na pinto. Si Reeve! Ang sinisinta niyang si Reeve! Pero...paanong nangyari iyon? Naroon si Reeve sa ilalim niya, nakayapos pa ang braso nito sa beywang niya. Tiningnan niya ang kayakap. Naging kasing laki ng platito ang mga mata niya, naging hugis-O ang bibig. Her mind froze with horror. Sino kaaaa?! Isang payat at maputing mukha na maraming pekas sa ilong, malalaking mga mata at may mahahabang two front teeth ang nakatingin sa kaniya. Kumurap-kurap ito. He reminder her of a lizard and a rabbit fused into one. Sa sobrang shock, hindi agad nakahuma si Callie. Para siyang tange na nakatitig lang sa mukha ng lalaki. "'Sorry," panggagambala ng boses ni Reeve. Tumingin ito sa lalaki, nasa mukha ang matinding shock. "Lock the door next time, man." Sa kaniya ito sunod na tumingin. May pagkadismaya sa anyo nito. "I didn't know you are Ben's girl." Pagkasabi no'n, isinara nito ang pinto. Kasabay ng tunog niyon ang pagkagising ng diwa ni Callie. "I'm not his girl! Reeve!" sigaw niya ngunit batid niyang hindi na iyon nadinig ni Reeve. Sinaklot ng iba't ibang emosyon ang dibdib niya, pero nangingibabaw sa mga iyon ang inis. Binalingan niya ang lalaki. She wanted to strangle the bastard. "Sabihin mo sa kaniya na hindi mo ako girlfriend!" sikmat niya, mangiyak-ngiyak na. "Sabihin mo mag-isa mo. Umalis ka sa ibabaw ko," nakabusangot na sabi ng butiking kuneho. Saka niya lang napagtanto na nakapatong pa rin siya sa lalaki. Malakas niya itong hinampas sa dibdib at saka dali-daling tumayo. "Bastos ka! Buwisit!" Nanginig ang mga labi niya—ang mga labi niyang natikman ng buwisit na lalaking ito! Gusto na niyang mamatay Maling lalaki ang hinagkan niya! Itinali niya ang tadhana nila ng lalaking butiki na ito! Mapaklang ngumiti ang lalaki at saka tumayo na rin. "Ikaw ang basta-bastang pumasok dito at sinunggaban ako. Sino sa atin ang bastos? Lumabas ka na, Miss, magbibihis ako. Unless, gusto mong manood?" "'Kapal ng mukha mo! Tatandaan ko 'yang pagmumukha mong 'yan!" "And I'll remember your kiss, baby." Baby?! Yuck! Sinampal niya ito pero nakaiwas. Pinagtawanan pa siya. Mas lalo lang nag-init ang bunbunan ni Callie. Hinablot niya ang gym bag na nakapatong sa bench at inihambalos sa mukha ng lalaki. Dali-dali siyang lumabas ng locker room pagkatapos. Tuluyan na siyang umiyak nang makalabas ng campus lalo nang mag-sink in nang tuluyan sa sistema niya ang nangyari. She kissed that Ben guy while wearing the necklace and Reeve saw them! Ang masaklap pa, naramdaman niya...naramdaman niya ang lecheng "warm and wonderful sensation" na tinutukoy ni Auntie Lucila. Ibig bang sabihin...ang butiking kunehong iyon na ang destiny partner niya? "Noooo!" palahaw ni Callie sabay lupasay sa lupa. Tamaan na lang sana siya ng kidlat!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
1.8M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
666.2K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
1.3M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
905.2K
bc

A Warrior's Second Chance

read
320.1K
bc

Not just, the Beta

read
325.1K
bc

The Broken Wolf

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook