Sinama ba natin sila dito para maging bantay nila tayo?” Wika ni Adrian kay Elleri habang nakaupo ang dalaga sa bench di kalayuan sa roller coaster kung saan sumakay sina Dillon at ang iba pa. Matapos silang kumain, Nag punta sila amusement park gaya nang sinabi ni Adrian. Kitang-kita ang tuwa sa mukha nang mga ito habang papalit-palit sila nang mga rides. “LA?” wika nang isang lalaki na lumapit sa binatang nakaupo. Napatingin naman si LA sa lalaking lumapit sa kanila. “Ikaw nga. Hindi ko inaasahan na makikita kita dito.” Wika pa nang lalaki sa binata. “Namamasyal lang.” simpleng wika nang binata. “Malapit na ang 4th game nang finals, e-si-seal niyo na ba ang panalo---” “Pasensya na. Kasama ko kasi ang mga kaibigan ko at pamilya. Kung hindi mo naman mamasamain. Pwede bang huwag nalan

