"Ano ka ba, dadalo sa awards night? O sa lamay. Bakit ang haba nang mukha mo.” Natatawang wika ni Elleri kay Adrian nang maabutan niya ang binatang inaayos ang bow tie sa harap nang salamin. Ang gabing iyon ang awards na na dadaluhan ni Aster at si Adrian ang kasama nang dalaga. Sabi pa sa balita. Dalawa silang inaasahang makikita ng mga fans sa red carpet. Lalo na ngayong, kalat na kalat na sa buong bansa ang pagiging engage ng dalawa. Sila ang pinaka sikat na celebrity nang mga sandaling iyon at marami ang naghihintay na makita ang dalawa na magkasama sa awards night. “Okay lang ba saiyo na dumalo ako?” wika nang Binata saka humarap kay Elleri. Natigilan naman ang dalaga. Nag-aalala ba ito na masasaktan siya kung dadalo ito sa awards night? “Wala namang masama kung pupunta ka doon diba

