"Tulog na ba sila?” Tanong ni Adrian kay Elleri nang lumabas sa silid nila. Nakasuot ito nang pajama habang kinukuskos ang basang buhok nang tuwalya. Nang lumabas siya sa silid nila. Naabutan niya si Elleri na nakaupo sa sofa habang sina Chloe at Dillon ay nakaupo sa tabi nang dalaga at pinagigitnaan ito. Nakahilig ang ulo nang dalawa sa magkabilang balikat ni Elleri habang kapwa nakahawak sa braso nang dalaga na para bang pinipigilan ang dalaga na umalis. Nang makita ni Adrian ang ayos nang tatlo simpleng napangiti ang binata saka naglakad papalapit sa kanila. “Looks like they know they need to guard you else. Aalis ka na naman.” Pabirong wika ni Adrian sa dalaga. Napatingin naman si Elleri sa asawa. Pagkatapos nang pag-uusap nila sa labas nang restaurant. Pumayag siyang bumalik sa bah

