"Ate Elle!” habol ni Chloe sa dalaga nang lumabas nang restaurant ang dalaga. Nasa isang japanese restaurant ang buong miyembro ng basketball team nila para ipagdiwang ang kanilang championship. Matapos ang awarding ceremony dinala nang head teacher ang team sa japanese restaurant para mag celebrate. Ayaw sanang sumama ni Elleri dahil hindi siya komportable na makasama si Adrian. Ngunit dahil sa pagpupumilit nang mga binatang miyembro nang basketball team hindi na siya nakatanggi ayaw din naman niyang pasamain ang loob nang mga ito sa pagtanggi niyang mag celebrate kasama ang mga ito. Habang nagkakasiyahan ang players at ang head teacher, sinamantala iyon ni Elleri para umalis nang hindi nahahalata nang mga ito. Ngunit hindi niya inaasahan na mapapansin niya ni Chloe at sinundan palabas.

