Black no. 15

1035 Words
Eunice Camille Salvatore Naging tahimik ang linggo namin dahil sa mga sinabi ko ng gabing iyon. I already let him in into my life again tapos gusto niya hanggang kasalan? Okay lang sa akin na maikasal sakanya pero hindi kakayanin ng konsensya ko na makasira ng relasyon ng ibang tao. Today ay nag-absent ako para i-celebrate ang birthday ni Light. "Let's go" cold na sabi ni Lucas sa akin habang nakatingin sa amin "Mama is papa mad at me?" naiiyak na sabi niya kaya tinignan ko siya ng mabuti "No baby. May iniisip lang si papa mo kaya siya ganun. Sorry Light" tumango naman ito at pumunta na kami sa Amusement Park "Happy Birthday Light Elliot Salvatore Patterson!" isang grupo ng staff ang bumungad sa amin at sabay-sabay na grineet ang anak namin. Pakiramdam ko na ang dami kong pagkukulang bilang ina ni Light dahil sa mga nakaraang birthday niya ay simpleng handaan lang. Ngayon malaki ang ngiting ipinapakita niya sa akin "Thank you po! Thank you mama, papa" hinalikan naman niya kami sa pisngi. Babawi talaga ako big time sa anak ko. Siguro soon magre-resign na rin ako para maging full-time mother ni Light "Mama I want to ride this one" tinanguan ko naman ang anak ko at sinakyan namin ang carousel. Sumunod naman na pumunta kami sa Ice World. Nag-enjoy ang anak ko sa loob syempre kasama doon ang papa niya. Habang kasama namin siya nawala ang coldness niya sa akin pero alam kong para kay Light lang ang mga yun. "Eunice. Let's talk" tumango lang ako at umupo kami sa bench pinapanood si Light habang nanonood ito ng Clown show "I love you Eunice. Hinding-hindi magbabago ang desisyon ko na pakasalan ka kaya naisip ko ang solusyon na ito noong ni-reject mo ko. I'm so mad at you pero hindi ko kaya. That's why I'm fulfilling one of Light's wishes" nagulat nalang ako ng lumapit na si Light sa amin "Gusto ko po happy family na tayo. You, me and papa. Sowwy mama. Ally ako papa" Then a priest came together with my team. "Sila ang witness Eunice. They are the only ones I thought of. Since you're a team friends kayo" napapaluha naman ako dahil naiinis ako kasi binalewala niya ang desisyon ko at hindi ko matiis ang anak ko. Bahala na Inumpisahan na ng pari ang pag-blessing sa amin at saglitang seremonya lang ito. Kasal na ako sa taong mahal ko at mahal ako. Natapos ang araw na ito na masaya ang anak namin. Pagkarating namin sa bahay ay shinower ko na si Light. Pumasok rin sa kwarto namin si Lucas "Mama big boy na po ako. Gusto ko po ng little sister ha? Doon na po ako sa kwarto ni papa ngayon. Dito po muna siya hihi" Tumakbo ito palabas pagkatapos akong halikan sa pisngi. "Eunice wag ka munang pumasok. Ipasa natin ang marriage certificate natin bukas okay? I love you" sabay halik nito sa labi ko. Alam kong saan na ito patungo kaya hinayaan ko na siya. Pumunta kami kinabukasan sa munisipyo at ipinasa ang marriage certificate. Pagkatapos noon ay pumunta na kami sa mall para bumili ng gamit ni Light dahil plano ko nang ipasok siya sa nursery "Mama look at that o. Diba siya po yung nang-away sa akin?" Tinignan ko ang tinuro nito at totoo nga. Isang video clip ni Kim ang meron. Mukhang anghel ang itsura pero mabaho naman ang ugali "Yes baby pero don't call her anything that might hurt her okay? Be a good and nice boy okay?" Tumango naman ito at nginitian ako "Tara na. Kakain pa tayo" binuhat na ni Lucas si Light at nauna na sila maglakad. Bago ko sila sinundan tumingin muna ako sa huling pagkakataon sa mukha ni Kim. Sana hindi makarating sa kanya agad ang nangyari sa amin ni Lucas. Dalawang linggo na rin ang nakalipas ng maikasal ako kay Lucas. In-enroll din namin si Light sa nursery kahit na medyo late na. Naging maganda ang buhay namin at masaya si Light kasi buo na ang pamilya niya. Mayroon pa ang araw na nagiging intimate na kami ni Lucas ay biglang kakatok si Light para tumabi sa amin kaya isang araw akong hindi kinausap ni Lucas kasi hinayaan ko daw na tumabi sa amin ang anak namin "Mrs. Patterson ang lalim naman yata ng iniisip mo?" napatingin ako agad sa napaka-gwapong asawa ko dahil andito nanaman siya sa cubicle ko. May big project nanaman kami ng team ko. Sinabi ko rin kay Lucas na kahit asawa niya ako hindi ko gustong mai-promote dahil porque asawa ko ang boss ay dapat iba na rin ang tingin nila sa akin kaya dapat work hard para mai-promote. STRICTLY NO CONNECTIONS yan ang paniniwala ko pagdating sa trabaho "Sir may trabaho pa po kami ng team ko. We need to present it to you later" sumimangot ito ng kaunti bago ito naglakad pabalik sa office niya "Alam mo Eunice akala ko noon ako na ang magpapa-ngiti sayo pero hindi ko naisip na si boss pa ang bibihag sa isang Ice Queen" pang-aasar ni Clyde sa akin kaya pinalo ko siya ng mahina sa balikat "Wag ka ngang magbiro ng ganyan. Back to work" Nag-umpisa na kami magready ng presentation ng 10:30am dahil 11am sharp ay presentation na sa boss. Nagulat ako ng isa-isa lumabas ang mga members ko at nakarinig ako ng pag-lock ng pinto. Agad ako napatingin at nakitang si Lucas lang pala iyon. Lumapit naman ako sa kanya at nagulat ako ng bigla niya akong hilain at napaupo ako sa lap niya. Inumpisahan naman na niya akong halikan. We're getting intimate gusto ko siyang pigilan dahil nasa office kami pero ang hirap niyang i-resist but in the end we stopped dahil may tumawag sa kanya and left me there hanging. Maya't-maya nagsi-datingan na ang mga panel namin pero hindi ko pa rin nakikita si Lucas "Let's start. May emergency lang si boss. He already gave the signal to  start without him" sabi ng isa kaya nagsimula na kami. Nang matapos ang presentation naisip ko na hintayin nalang siya sa opisina niya para sabay kaming mag-lunch pero hindi ko inaasahan ang nakita ko "Hey b***h! Long time no see"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD