Eunice Camille Salvatore
"Dad I'm sorry. Gusto ko lang na mapasa sa akin ang atensyon ni Euly. Puro nalang ang kapatid ko na si Michelle ang pinapansin niya" nagulat ako sa sinabi niya. She is seeking an attention from my real father? But why? She already have her husband "But still Amanda. Eunice is their daughter. I let you in into our family and yet you caused your own sister to die from loneliness?"
"Mom? Ano to? Totoo ba?" Naluluha na ako pero pinipigilan ko. Nagulat din si Mom ng makita niya ako at napalitan ito ng mapaklang tingin sa akin "Oo Eunice. Kinuha kita kay Euly baby ka palang. Itinakas kita para makuha ko ang atensyon niya. Mahal na mahal ko noon si Euly. To the point na halos gusto na rin kitang patayin Eunice pati na rin ang sarili kong kapatid. Inagaw niya sa akin si Euly" I laughed. A very sarcastic one.
"Tangina! I lived my life believing that my Mom loves me. Its all lies! Ngayon hindi na ako nagtataka kung bakit ganoon nalang kadali sayo na tratuhin ako noong mabuntis ako" hawak na ako ngayon ni Sir Ethan pero priority niya si Light "Yes Eunice pero that was before. Mahal ko si Euly pero mas mahal ko na ngayon ang asawa ko. That's why I don't care what happens to you anymore. Kaya ganyan nalang ang turing ko sayo"
"That's enough Amanda. Now that I found my grandchild I no longer want to see you. Starting this day I will cut my ties with you" iginaya ako ni Sir Ethan papasok sa sasakyan pero humarap pa ako kay Mom-- I mean Tita Amanda "Tita Amanda. Thank you pa rin dahil inalagaan niyo kahit kasinungalingan lang ang mga iyon. Sa inyo na po yang bahay bilang respeto sa totoong pagpapakita ni Dad sa akin ng totoong pagmamahal dahil hindi siya nagbago sa pagtingin niya sa akin ng mabuntis ako. Pasabi po pala sa disgrasyadang pinsan ko na ayusin niya ang buhay niya. Thank you. I love you Mom"
Nang makapasok ako at umandar ang sasakyan nakita ko na lumuha si Mom. I know that it pains me a lot from separating with her but its for the best "Since you now know the answer welcome to the family Eunice. Call me grandaddy okay?" Nakangiting tingin niya sa amin ni Light
"Mama why is lola crying? Why is this man saying that we should call him grandaddy?" Hinaplos ko ang buhok niya at hinalikan sa noo "Baby yung kay lola sabihin ko sayo pag laki ka na ha?" Tumango naman ito "Then this is my father's papa. So lolo natin dalawa. Kaso he wants us to call him grandaddy like what you call your papa's mama"
Tumango ulit ito at niyakap si Sir Ethan-- err I mean grandaddy "I need to London soon Eunice. Would you like to come with me there?" Naantig ako sa proposal niya pero paano si Lucas? "Pag-iisipan ko po grandaddy"
Nang matapos ang mahabang araw na kasama ang lolo namin ay umuwi na kami ni Light sa bahay. Nadatnan pa namin doon si Lucas na nagluluto. Ang cute niyang tignan sa may apron "Papa!" agad naman ito lumingon at sinalubong ang tumatakbong anak namin.
"Where have you been kiddo?" tumingin pa ito sa akin and mouthed 'I love you' to me. I just smiled. "Kina lolo then mama met our grandaddy" lumaki naman ang mata ni Lucas "Oh really? Then you must be happy kaya let's celebrate by eating papa's homestyle food" tuwang-tuwa naman ang anak ko. Sana ganito lagi ang makikita ko araw-araw "Hey. Nasaan na ang reply ko sa I love you?" namula naman ako at napatingin sa anak ko. He's also waiting for my answer
"I love my boys especially you baby" sabay halik ko sa anak ko kaya todo ang tawa niya. Nag-umpisa naman na kami kumain at medyo may improvement na rin ang pagluluto niya dahil hindi na siya lasang sunog. "Marry me Eunice and I promise you that you will be a happy wife and mother to us. I won't let anything happen to both of you" yan ang mga salitang binitiwan ni Lucas bago kami iwan sa kwarto.
Maaga akong pumasok sa office. Nadatnan ko pa doon ang team ko at ready na silang mag-compile. Aaminin ko this past few days naging pabaya ako sa project pero sinisigurado ko naman na nagagawa ko ang task ko at nakikita ko ang task nila "Eunice kailangan ko munang umalis. Naka-leave ako for the preparations of my wedding" pag-open ni Candy sa akin. Wedding.
"Okay. Basta nagawa mo na ang task mo. Everything will be fine" tumango naman ito at ibinigay na sa akin ang flashdrive. Wala si Lucas ngayon dahil may business meeting siya. Si Light nasa mamita niya. Busy preparing for his birthday sa amusement park. Sa susunod na kasi na araw ay birthday na. Pumasok lang kami ng Saturday para sa compilation. Natapos namin ang project and it was successful though kailangan pa ng testing at polishing sinabi ko na ako nalang ang gagawa
"Mama. Mamita said na tayong three nalang ang pupunta kasi she'll go to USA. Enjoy nalang daw po tayo" tumango nalang ako. Galing kami sa SM para bumili ng damit niya. Minsan ko lang naman siya gastusan dahil halos ang pera ko napunta sa Tita Amanda at kay Gaile. "Okay baby. Behave ka lang sa birthday mo okay?" maya't-maya dumating na rin ang papa niya at mukhang galit pa ito
"How's work?" tanong ko pero nilagpasan niya lang ako at tinungo na ang kwarto niya kaya nagpalit na kami ni Light ng damit at tinungo ang kusina para magluto. "Mama ako nalang po tatawag kay papa" nginitian ko nalang siya at pinigilan "Ako nalang baby. Eat your food na baby"
Tinungo ko ang kwarto ni Lucas at hindi ko sadyang narinig ang mga usapan nila ni Kim at hindi ko alam pero naninikip ang dibdib ko "Lucas. Let's plan our wedding when I get back okay? I miss you honey" nakikita ko naman sa mata ni Lucas na wala itong pakialam sa mga sinasabi niya pero tumango nalang ito at hininto ang tawag. "Lucas kakain na tayo" tumango lang ito at sumunod na sa akin papuntang kusina
"Eunice let's get married after Light's birthday" bumilis ang t***k ng puso ko at the same time naninikip pero this time nakikita ko na seryoso siya sa sinabi niya at nakikita kong mahal niya ako kaya sana sa desisyon ko na ito ako nalang ang masasaktan at hindi kasama ang anak ko
"I'm sorry Lucas pero ikakasal ka na kay Kim at narinig ko ang lahat ng iyon"