Hindi na ako mapakali. Nahahalata na rin iyon ni Michael. Kung pwede lang talaga akong umalis at hindi nakakahiya sa mga katrabaho ko ay kanina pa ako umalis. "Natatawa ka te?" Tanong nito. "Oo, ay hindi." Dahil sa bigla kung ano ang lumalabas sa aking bibig. "Umuwi ka kaya ako na lang magsasabi sa mga katrabaho natin." "Pwede ba?" Tumango ito kaya nagmadali ako sa pag-alis. Kung minamalas ka nga naman. Ang bag ko ay nasa faculty room. Walang lingon akong naglakad hanggang sa makarating ako sa faculty. Walang tao sa faculty kaya tinakbo ko ang pagitan ng aking bag. Lumabas ako ng faculty. May bumabati sa aking mga estudyante at hindi ko ang mga ito binabati pabalik sa kakamadali ko. Nakahinga ako ng maluwag ng nakasakay na ako sa tricycle. I didn't see this coming. I always think t

