Hindi rin ako pwedeng lumabas dahil may black eye ako sa aking mata. Masakit pa rin ang kabilang pisngi ng aking mukha. Tahimik na kumain ako ng pop corn habang nanonood ng TV. Wala kasi akong ibang magawa kundi ang manood ng TV. Gusto ko sanang maglinis ng bahay ngunit sobrang sakit pa ng buo kung katawan. Nililibang ko ang aking sarili sa pamamagitan ng panood ng k-drama. Kumakain naman ako ng pop corn na may cheese habang nanood. Alam ko naman na hindi healthy ang pop corn lalo na saakin na buntis. Hindi naman siguro mapapano si baby sa pagkain ko ng pop corn. Wala pa talaga akong alam tungkol sa pagbubuntis dahil hindi pa ako nakakapunta sa OB. Sa panahon ngayon pwede ko naman na iresearch ang tungkol sa pagbubuntis pero iba pa kasi ang iniisip ko at wala pa iyon sa aking iniisip.

