Kinabukasan ay hinahanap na kaaagad namin ang lola ko. Mga tatlong oras kami naghanap ni Lovely. Finally may nakapagsabi na rin kung saan nakatira si Lola. Kilala pala ang lola ko dito a Zamboanga. Nagmadali kaming umalis sa lodge na tinutuluyan namin ng pinsan ko. Sinabihan ko rin ito ng mga sinabi saakin ni Calvin. Nagalit si Lovely kay Calvin pero ayaw ko naman na magtanim ng galit si Lovely lalo na sa pinakamamahal ko. Sumakay kami ng tricycle at sinabi ang address na tinutukoy ng babae na napag-tanongan namin kanina. Mga ilang minuto lang na byahe galing sa Lodge ay nakarating na kami sa address. Bumababa kami at nagbayad. Binababa kami sa isang red na gate at may nakita rin akong nakasulat na Amore residence. Sa mataas na gate ng bahay ay hindi namin magawang makita kung ano a

