Chapter 4 ✓

1178 Words
Chapter 4: The Paper Airplane Xyreb's POV KASALUKUYAN akong nasa loob ng library para mag-research sa mga proyekto ko. Matinding pagsusunog ng kilay ang ginagawa ko nang biglang may bumato ng paper airplane sa 'king ulo. Nayayamot ko naman tinignan ang paligid ngunit wala naman dahil puro nakasubsob sa ginagawa ang mga kasabayan ko. Inilagay ko muna ang papel sa gilid at saka ko ibinalik ang atensyon ko sa 'king ginagawa. Maya-maya pa'y may lumipad na naman na paper airplane at nag-landing ito sa libro kong binabasa. Napakunot naman ang noo ko dahil may nakasulat kaya't binasa ko.  You're so handsome my crush! Kahit na sobrang seryoso mo sa ginagawa mo'y lalo akong na-i-inlove sa 'yo. Good luck! Galingan mo dahil kukunin kita sa future.  Love, Your Gorgeous and Yummy Admirer Namula ang aking mukha dahil do'n. Mukhang may nang-ti-trip sa 'kin. Imposible naman na may magkagusto sa 'kin kaya naman nilamukos ko ang papel at saka itinapon sa loob ng aking bag. Luminga-linga pa 'ko sa paligid pero wala naman akong nakitang kakaiba. Napapailing na lang ako. Walang magawa ang taong nang-ti-trip sa 'kin at muli ko na lang na ipinagpatuloy ang aking ginagawa.  Nagulat naman ako nang biglang may humawak sa balikat ko kaya't napakislot ako. Pagtingin ko'y nakita kong si Hugo pala 'yon. Natawa naman ito sa 'kin at agad naman akong umayos ng upo. Ayaw ko pa naman ma-bully kahit pinsan ko ito. "Gulat na gulat ka, ah? Ano ba'ng ginagawa mo r'yan at tutok na tutok ka?" pang-aasar nitong tanong sa 'kin habang sinisipat ang ginagawa ko at agad napukusot ito ng ilong na akala mo'y nandidiri sa paggawa ko ng mga proyekto.  "Nag-re-research ako para sa mga proyekto ko. Gusto ko kasing matapos agad para naman wala na rin akong iintindihin. Ayaw ko kasing mag-cramming," sagot ko habang hindi naman maipinta ang mukha nito.  Nagkibit-balikat naman ito. "Anyways, let's hang out. Treat ni Max kasi nakapasa raw siya sa kaniyang major subject at gusto niyang magpasalamat sa 'yo."  Biglang sumulpot naman si Markoz mula sa 'king likuran at inakbayan ako. "Ah, hindi kasi ako puwede dahil may part time job ako at saka hindi ako mahilig na gumimik. Salamat na lang at congrats na rin sa 'yo, Markoz." Napakamot naman sa ulo si Markoz sa sinabi ko. "Bro, loosen up! Pasasalamat ko na rin ito sa 'yo dahil hindi na 'ko mag-re-retake. Libre ko naman ito kaya't huwag ka nang killjoy. Mukhang matagal pa naman 'yang mga projects. Chill lang." Napabuntonghininga naman ako. Ayaw ko kasi nang naiistorbo ako sa ginagawa ko.  "Hmm, how about sa birthday na lang ni Xyreb? Huwag ka nang tumanggi, Bro." singit naman ni Hugo at napapitik naman ng daliri si Markoz. "Oh, that's a good idea! Don't you worry, ako na ang bahala sa birthday party mo. It's f*****g settled."  "Masyadong nagpapakadalubhasa ka, try mo namang makatikim ng bagsak?" pang-aasar ni Markoz at agad naman akong umiling.  "Hindi puwede, alam mo naman na scholar ako at kailangan wala 'kong bagsak. Mahirap lang ako at hindi ako kagaya ninyo na happy-happy lang sa buhay. Umalis na muna kayo kasi may ginagawa ako kung puwede lang?" Napasipol naman si Hugo. "Chill, Bro! Joke lang naman ni Markoz 'yon. Anyways, maiba naman tayo ng usapan at napapansin kong may nakatingin sa 'yo na isang sexy chic. Sino nga ba ulit 'yon? Aha! She's Maria. f**k, pantasya siya ng mga kakalakihan kahit na transferee. You're definitely a silent killer." Huh? Chic? Mayro'n ba 'kong gano'n? "Hindi 'no, huwag mo nga 'kong asarin d'yan. Mabait lang talaga si Maria at saka palakaibigan. Huwag ninyo naman siyang bastusin lalo na't babae pa rin siya. Napaghahalataan kasi kayo na parang may masamang balak," sambit ko at nagtaas naman ng mga kamay si Hugo na parang sumusuko. "Okay, okay! Kalma lang, Bro. Basta't 'yong deal natin ay huwag mong kalilimutan," paalala nito at saka umalis na rin.  Nakahinga ako nang maluwag. Masyadong nakaka-stress ang mga ito at porket mga walang iniisip ay nagbubulakbol na. Ni-hindi man lang nila iniisip ang hirap na ginagawa ng mga magulang nila palibhasa mga mayayaman.  Napabaling naman ako sa kabilang direksyon at nakita ko si Maria na nakatingin sa 'kin pero agad naman nagkubli ng libro. Napailing na lang ako kasi halatang hindi naman siya nagbabasaka dahil baliktad ang hawak niya sa libro.  Si Maria ba'ng bumabato sa 'kin kanina ng paper airplanes? Agad ko namang iwinaglit 'yon sa 'king isipan dahil transferee siya at wala lang siyang makulit. Uso siguro sa kaniya ang ganitong pag-ti-trip pero sa 'kin ay hindi uubra 'yon.  Napagpasiyahan kong tumayo at saka iniligpit ko na ang mga gamit ko bago lumabas sa library. Hindi ko naman matatapos ang mga gagawin ko dahil iniistorbo nila 'ko. Wala kasi sa bokabularyo ko ang magpasa ng late sa mga paperworks at mas mainam na matapos ko ito nang maaga. Ayaw ko rin kasi nang nagkukumahog dahil mas nakakawala ng konsentrasyon. Pinag-iisipan ko kasi talaga ang mga ginagawa ko at ayaw ko naman nang puro bara-bara lang na tipong may mapasa lang para makapag-submit. Hindi rin naman ako sang-ayon sa pagbubulakbol dahil dapat nag-aaral ang isang bata lalo na't napakahirap magtrabaho. Napapailing na lang ako sa mga kamag-aral kong may ganitong pag-uugali at sana'y magbago rin sila sa takdang panahon. -- DUMIRETSO ako pauwi pagkatapos ng aking klase. Ayaw ko kasing makipag-usap sa mga ka-tropa ni Hugo dahil masyadong mahahalay ang mga utak. Napapaisip tuloy ako nang wala sa oras nang mga hindi kanais-nais na mga bagay. Biglang sumulpot si Mama sa sala habang may hawak na bayong at mukhang mamimili ito ng mga pagkain namin para sa isang linggo.  "Anak, pupunta muna 'ko sa palengke at ikaw muna ang bahala sa kapatid mo," bilin ni Mama sa 'kin habang nakaupo sa sahig dahil ginagawa ko ang proyekto ko. "Sige po, ako na po ang bahala kay Xyrus. Mag-iingat po kayo, Mama." Napabaling naman ako kay Xyrus na busy sa paglalaro ng mga toy cars na ibinigay ni Tita Lea.  Nang nakaalis na si Mama ay nagpatuloy ako sa ginagawa ko hanggang natapos ko rin. Napainat ako ng aking likod dahil magdamag din akong nakayuko. Si Xyrus naman ay parang kiti-kiti sa paglilikot ngunit nakita kong humikab kaya't nilapitan ko.  "Antok na ka na, Rus? Saglit lang at titimplahan na muna kita ng dede. Maglagay ka na muna ng unan mo r'yan at babalik din ako agad."  Nakita kong hinatak ng kapatid ko ang dalawang throw pillows at saka inilagay sa carpet pagkatapos ay humiga na. Napangiti ako at saka pumunta na sa kusina para kunin ang feeding bottle ng kapatid ko na may lamang maligamgam na tubig at saka sinalinan ko ng gatas at saka inalog-alog.  Bumalik na rin ako sa sala nang nakarinig ako ng pagkatok kaya't dali-dali kong ibinigay kay Xyrus ang boteng may lamang gatas na agad naman niyang sinunggaban at saka napapikit.  Nagtungo ako sa pintuan at saka binuksan ngunit nanlaki ang mga mata ko sa gulat.  Ano'ng ginagawa niya rito? Hindi na rin ba matatahimik ang mundo ko hanggang sa bahay?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD