Chapter 5: My Bwisita Xyreb's POV NAGULAT AKO nang bumungad sa labas ng pintuan ng aming bahay si Hugo na kasama pa ang magpapagulo sa araw ko. Napakamot naman ng ulo ang pinsan kong si Hugo samantalang ako nama'y napabuntonghininga habang si Maria ay may ngiting tagumpay sa labi. Hindi naman ako bastos para ipagtabuyan sila kaya't tipid na lang akong ngumiti. "Hi, Xyreb!" masayang pagbati sa 'kin ni Maria na tinanguan ko. Napabaling naman ako kay Hugo na naguguluhan kung ano ba'ng ipinunta nilang dalawa. Ano naman kaya ang problema nila at talagang pumunta pa sila rito. Bakit din pala magkasama ang dalawang ito, may binabalak ba sila? "Bro, pasensiya na't masyado siyang makulit at gusto niyang magpa-tutor sa 'yo. Sinadya ka pa niya rito at hindi ko rin matanggihan ang tulad niyang m

