Chapter 6: Tutor Xyreb's POV NAGSIMULA na rin ang tutorial lessons namin ni Maria para naman makita ko na rin kung saan siya nahihirapang subjects. Mahirap naman kasi kung pabara-bara 'kong magturo at hindi naman pala 'yon ang subject na dapat pagtuunan nang pansin. Nakikinig naman siya sa tuwing nagtuturo ako ngunit inaabot din siya ng katamaran at antok kapag napupunta na kami sa Math. Sobrang tindi ng pasensiya ang inilalabas ko kapag puro numero na ang kaniyang sinasagutan. "Maria, mag-focus ka naman. Madali lang ang equation na ibinigay lalo na't katuturo lang ng professor natin 'yan kahapon at daig mo pang nagkaroon ng amnesia," sambit ko at inulit muling i-discuss ang steps kung paano sagutan ang equation. Samantalang siya nama'y nakalumbaba habang nakatitig sa 'kin kaya naman

