Chapter 23: Congratulations! Xyreb's POV NAPAKABILIS ng mga araw at narito na kami ngayon at nakasuot ng aming toga. Masaya kaming dalawa ni Maria dahil makakapagtapos na kami ng pag-aaral ng Sekondarya. "Ang gwapo mo naman, Babe." papuri ng aking nobya habang nakangiti. Ipinalupot ko naman ang aking kamay sa kaniyang baywang. "Napakaganda naman ng aking nobya. Akin ka lang babe, ah?" usal ko. Humagikhik naman siya at saka pinatakan ng halik ang aking labi. Hindi talaga nadidiktahan ang kapalaran. Dati-rati ay isinasantabi ko ang pag-ibig pero puwede naman pa lang ipagsabay ang pag-ibig at pag-aaral basta't gagawing inspirasyon ang isa't-isa para makapagtapos. Dapat alam din ang mga limitasyon lalo na't tutungtong na kami ng kolehiyo. "Syempre naman basta't mamayang gabi ay mag-ce-c

