Chapter 24: Family Dinner Xyreb's POV NANDITO na kami ngayon sa isang engrandeng restaurant. Hindi ako sanay na nasa ganitong kaming kamahal na lugar dahil mas gusto ko pang mag-celebrate at kumain mula sa mga simpleng lutong-bahay ni Mama. "Hijo, huwag kang mag-alala at kami na ang may sagot nitong celebration," sabi ni Sir. Marcus, ang Daddy ni Maria. "Yes! Don't you worry about that, Hijo. Para na rin makapag-usap tayo sa mga bagay-bagay," masayang turan ni Ms. Dianne, ang Mommy ni Maria. Tumango-tango naman si Sir. Marcus."Definitely, kailangan talagang mag-usap lalo na sa relasyon nitong mga bata." Kinakabahan naman ako dahil sa mga magulang ni Maria hanggang iginiya kami ng waiter sa isang malaking table. Si Xyrus nama'y paikot-ikot ang tingin tapos bumulong pa sa 'kin pero nar

