Chapter 8: Birthday (SPG) Xyreb's POV "CHEERS!" sigaw namin sabay tungga ng alak at nagtawanan naman ang mga bisita dahil napakaganda ng aming venue. Hindi ko naman first time na uminom ng alak dahil kapag may mga outing naman kami ng aking mga barkada ay nakakatikim naman ako kaso madalang lang kasi mas priority ko ang aking pag-aaral kaysa sa pagsasaya. Iba naman ngayon lalo na't tapos na rin ang finals exam namin kaya naman pasaya-saya na lang ako. "Happy birthday, Bro!" pagbati namin kay Lez na naka-kulay pula na polo at asul na pantalon na tinernuhan ng sneakers na puti. Ngumiti naman ito sa 'ming lahat bago nagsalita. "Salamat sa pagpunta. Sana'y mag-enjoy kayo sa 'king munting birthday party." Kasabay 'non ay ang pagdilim ng silid. May sariling room kami kasi nagpa-reserve si

