RAIN'S POV: "Sumama ka na lang kaya sa amin sa bahay para tuluyan kang gumaling? Hindi yung gumagala ka rito kaya ka nabibinat." suhestiyon ni Ate Mental matapos kong suriin si Kuya Cy at talagang bumalik ang lagnat nito dahil sa pagsama sa amin na gumala rito sa loob ng school. Ni hindi ko na nga mapunan ang responsibilidad ko sa booth namin dahil basta na lang nila akong hinila. Gayon pa man, masaya ako na sila ang kasama dahil wala sila Kuya baka maghapon akong nagmukmok sa mesa at maghintay ng customer sa jail booth na ginawa namin. Ni hindi ko nga alam kung may progress na ba yun o wala dahil nga sa narito ako kasama sila. "Oo nga, Cy. Baka mabalitaan na lang namin hindi ka na humihinga dahil dyan sa lagnat mo. Baka kulang ka lang sa dilig?" ani naman ni Kuya Theros nang bigla iton

