RAIN’S POV: Nanalo ang team naming laban sa Heurtfiglia kaya naman nagpasya na kaming lumabas ng gymnasium ngunit ganoon na lamang ang gulat naming nang salubungin kami ng mga babae sa exit door ng gymnasium. “Ikaw si Summer Dyrroth Santiago hindi ba? OMG! Ang gwapo niyo po pala sa personal!” ani ng isang babae na mayroon pang hawak ng banner mula sa school na pagmamay-ari ni Ate Mental at mukhang nag-iwan ng history si Kuya Summer sa school na yun bilang hearthrob at supladong estudyante. Napakapit si Ate Mental sa braso ko dahil halos maipit kaming dalawa ng dumugin kami. “Uh, no. I am not Summer Dyrroth. Please, get out of our way.” Malumanay na sambit naman Kuya Summer. “Pero lagi mo pong kasama si Theros Kir, Cyrus Kai, Helio Dune at Luca Ray hindi ba? Sila po ‘yang nasa likuran m

