RAIN’S POV:
Pagpasok na pagpasok ko sa bahay, sumalubong sa akin si Ate Mental na nasa sala habang karga nito ang anak nila ni Kuya Summer na si Iron Suwyren. Ang pogi ng pamangkin ko!
"Hi, Ate Mental!" Lumapit ako sa babae at hinalikan ito sa pisngi bago ko hinalikan sa noo si Iron at saka ako naupo sa tabi ni Ate Mental nang hindi alintana ang suot kong uniporme. I love flexing my LA University's uniform para naman masabi ng lahat na hindi ako hampas lupa.
"Na-late ka yata ng uwi?"
"Sinundo po ako ni Kuya Cyrus tapos ang bagal niya magdrive na halos abutin kami ng traffic sa daan."
Sakto namang lumabas si Kuya Summer mula sa kusina kasama si Kuya Helio, Kuya Luca at Kuya Theros at pumasok naman si Kuya Cy.
"Yo dude? Na late kayo ng dating?" Nakipag-fist bump si Kuya Theros kay Kuya Cy na agad naman ginantihan ng isa maging ang iba pa nilang kaibigan bago sila bumaling sa pwesto namin ni Ate Mental at lumapit kung saan kami naupo. Nagkani-kaniya silang pwesto sa upuan na nagkalat dito sa aming sala.
"You know how much spending my time when I'm with my baby Rain, right?" Pabagsak na naupo si Kuya Cy sa tabi ko at inakbayan pa ako na akala mo ay wala sa harapan namin ang nakatatanda kong kapatid.
"Kuya Cy, ano ba!?" Hinawi ko ang braso nito ngunit ayaw naman nitong tanggalin at ni-head lock pa ako kaya hindi ako makawala.
"Quit that playful side of yours towards my sister, Fellowes. Ibabaon talaga kita sa lupa kapag pinatulan ka ng kapatid ko."
Napanguso ako.
As if naman papatulan ko ang isang Cyrus Kai Fellowes gayong alam ko ang karakas nito? Halos minu-minuto yata kung magpalit ng babae at tila mauubos na nito ang mga kilalang modelo sa buong bansa maging ang mga kilalang artista.
"Bayaw naman. Ngayon pa lang tanggapin mo na ako kapag nagkatuluyan kami ng baby Rain ko. Ano, kayo lang may karapatang sumaya?"
"Kuya Cyrus, ano ba!? Ayaw ko nga sa'yo, natikman ka na ng lahat!"
Itinulak ko si Kuya Cy palayo sa akin ngunit binitawan lang ako nito pero may ilang pulgada lamang ang distansya naming dalawa. Inayos ko ang nagulo kong buhok maging ang suot kong uniporme dahil sa kalokohan ni Kuya Cyrus.
Actually, sanay na ako sa pang-aasar niya sa Kuya ko sa tuwing tumatambay sila dito sa bahay namin. Bukod sa inuman session nila, puro tungkol sa trabaho ang inaatupag at karamihan ay pawang kalokohan ni Kuya Cy at Kuya Theros.
"Cyrus, tigilan mo si Rain. Bata pa iyan." Saway ni Ate Mental sa lalaki na agad itong humalukipkip sa kanyang kinauupuan.
"Kaedad ko lang naman si baby Rain, advance lang akong nakapagtapos." Pagmamaktol nito.
He's right.
We're both in the same age but he acts as an old man when he's with his friends. Accelerated si Kuya Cy noong nag-aaral pa ngunit nasanay na akong tawagin siyang Kuya dahil mas matanda sa amin ang mga kaibigan nila ni Kuya Summer.
First year high school ako nang makilala sila ni Kuya Summer hanggang sa tuluyan na silang naging magka kaibigan at tila magnet na hindi mapag hiwalay sa isa't-isa kapag nagkakasama.
Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko at saka hinablot ang bag ko bago ako naglakad papunta sa ikalawang palapag ng aming bahay kung saan naroon ang kwarto namin. Muntik ko nang makalimutan na pagod pala ako mula sa exam nang makita ko si Iron at dala na rin ng pangungulit ni Kuya Cy. Hanggang sa marating ko ang aking kwarto, walang atubiling hinubad ko ang suot kong damit at wala akong itinira kahit isa bago ako padapang nahiga sa kama.
"Uh... This is heaven..." daing ko nang lumapat ang katawan ko sa ibabaw ng kama at ipinikit ko ang aking mga mata hanggang sa tuluyan akong makatulog nang hindi ko sinigurado kung nai-lock ko nga ba ang pinto?
~~
"Mommy, ano po ba ang ibig sabihin ng love? May nag-aaway po kasi sa room namin kanina tapos sabi ni Teacher dapat give love lang daw po. Ano po ba iyon?"
Bumaba ang tingin ni Mommy sa akin habang sinusuklayan nito ang mahaba kong buhok at kasalukuyan kaming nasa aming bakuran na malapit sa pool area. I love spending my time with my mom and so as my dad but he's a little bit busy because of our family business kaya si mommy lang ang kasama ko madalas.
"Hmm... Mayroon kasing iba-ibang pananaw ang love, baby. Mayroong love sa family, friends, neighbors or even strangers. You love mommy, daddy and kuya, right?"
"Yes po."
"That what's we call a love for family. Bilang Pilipino, natural na sa atin ang maging mapagmahal anak at tila ba natatakot tayo na makasakit ng kapwa kahit sa simpleng salita lamang kasi sarili natin mismo ang maaapektuhan. Kahit gaano ka pa kagalit sa taong iyon, mas mangingibabaw pa rin iyong love natin sa tao kasi doon tayo hinubog."
"Paano mo po masasabing love mo ang isang tao?"
"In a good way or in a romantic way?"
Napaisip ako.
Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ni mommy kaya pinili ko na lamang yung una.
"In a good way po."
Muling sinuklay ni mommy ang buhok at saka ito nagpatuloy sa pagsasalita. "We can show our love by giving gifts with someone or praise them, baby. Ganoon ang ginagawa namin ni Daddy sa inyo ni kuya hindi ba? Hindi lang namin pinapakita, pinaparamdam din namin sa inyo kung gaano namin kayo kamahal ni kuya kasi kayo 'yong kayamanan namin."
"Eh ano naman po ang ibig sabihin ng hate? Sabi kasi Rica hate niya ako kasi pinapansin ako ng crush niya."
Natawa si Mommy.
"Anak, day care ka pa lang bakit ba puro ganyan ang pinag-uusapan natin?"
Napanguso ako. "I am just curious, mommy. Ayaw ko naman po na may kaaway ako sa school eh."
"Hay naku, hayaan mo na lang ang classmate mo basta you show them how you love them, okay?"
Tinanguhan ko na lamang si mommy at saka kami nagpatuloy sa pagkukwentuhan ngunit sa ibang bagay na.
~~
"Rain... baby Rain..."
Naalimpungatan ako nang may tumatapik sa aking pisngi at nang imulat ko ang aking mata, ang gwapong mukha ni Kuya Cy ang bumungad sa akin.
Pabalikwas akong bumangon at bumaba ang kumot na nakatabing sa katawan ko at doon ko lang napagtantong wala nga pala akong saplot.
"Labas!"
"T-Teka? Bakit galit ka agad? Pinapagising ka lang sa akin ni Tita,"
"L-Labas sabi! Isusumbong kita sa Kuya at Daddy ko!"
Napangiwi ito.
"Ito naman, ilang beses ko nang nakita iyan nahihiya ka pa?"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya bago ko niyakap ng mahigpit ang comforter ko.
"Anong ilang beses na nakita? Manyak mo Kuya Cy!"
Ngumisi ito sa akin. "No one can resist a Fellowes, baby Rain. Bumangon ka na dyan at kakain na."
Pumihit ito papunta sa pinto ko ngunit bago pa man ito makalabas ay muli itong lumingon sa akin. "In fairness ang puti ng singit mo--"
"Cyrus Kai Fellowes!"
Tinapon ko papunta sa kanyang direksyon ang unan ko ngunit agad nitong naisara ang pinto ng kwarto ko at ang halakhak nito ang huli kong narinig bago siya mawala.
Naiinis na bumangon ako mula sa kama ko at kinuha ko ang binato kong unan bago ko ito pabalibag na ibinalik sa aking kama.
Bakit ko ba nakalimutang nandito ang lalaking iyon at siya lagi ang inuutusan ni mommy o kaya ni Kuya Summer?
Nakakainis!
Padabog na tinungo ko na lamang ang banyo at saka ako naligo upang mawala ang antok ko at makalipas lamang ang ilang minuto, suot ang tshirt at jersey shorts, lumabas ako ng kwarto at tinungo ang daan papuntang hagdan hanggang sa mapadpad ako sa kusina at nadatnan ko ang buong pamilya ko kasama ang mga kaibigan ni Kuya Summer.
Padabog na naglakad ako patungo sa tabi ni Kuya Summer at saka ako naupo sa silya.
"Why are you shouting earlier before you get here? Did something happened?" usisa ni Kuya Summer ng makaupo ako at nang maalala ko ang mukha ni Kuya Cy ay nakaramdam ako ng hiya.
"I-Inaaway kasi ako ni Kuya Cy," ayaw ko namang sabihin sa kanya na nakita ni Kuya Cy ang hubad kong katawan. Baka palayasin niya ako bigla.
Bumaling ang paningin ni Kuya Summer sa kaibigan nito at saka kinausap.
"What did you do again this time, Cyrus Kai Fellowes?"
"Wala ah. Inutusan lang ako ni Tita na gisingin si baby Rain kasi kakain na tayo ng dinner. Masamang matulog na walang laman ang tiyan-- asdfghjkl," Pinasakan ng pagkain ni Kuya Theros ang bunganga ni Kuya Cy dahil magkatabi lang sila.
"Ang dami mong sinasabi, kumain ka na lang!"
Sinamaan ng tingin ni Kuya Cy si Kuya Theros at nang mailunok nito ang pagkain, nagsimula na silang magbangayan na sinamahan pa ni Ate Mental. Napabuga na lang kami ng hangin ni Kuya Summer habang si mommy at daddy ay natatawa na lang samantalang si Kuya Luca at Kuya Helio ay tahimik na lamang na nagsasandok ng kanilang pagkain.
'What a nice day of having a family dinner with the disastrous people in town? Ang galing!'