RAIN'S POV:
Huminto ang sasakyan ni Kuya Summer sa tapat ng LA University kaya naman inayos ko na ang aking sarili at ang bag na dala ko at akmang bababa na ako ng sasakyan nang magsalita si Kuya Summer.
"Call me after your class," napanguso ako.
"Pupunta kami ng mall ni Misty mamaya, Kuya. Bibili kami ng materials for our project."
"And so? I can drive you to mall."
"Huwag na. Kasama ko naman si Misty."
"Then, I'll ask Cyrus to accompany both of you, later. Bumaba ka na."
Bago pa ako makapag reklamo, tuluyan na akong pinagtulakan ni Kuya Summer palabas ng kotse niya dahil mali-late na rin siya sa trabaho. Padabog na isinukbit ko na lamang ang bag ko sa aking balikat at saka ako nagmartsa papasok ng university.
Napag-usapan kasi namin ni Misty na gumala mamaya after class since we already survive our exam week and next week ay gaganapin ang ang school fest namin. Nakakapagod din kaya ang puro aral dahil nakakasabog ng utak. Kung wala nga si Misty baka tuluyan na akong nabaliw.
Pagkarating ko sa classroom ko ay agad kong tinungo ang aking upuan at saka ako sumubsob sa mesa nang hindi alintana ang presensya ng mga kaklase ko.
Bakit nga ba tourism ang kinuha ko? Well, I just want to travel around the world even though my family can afford it especially my older brother but I don't wanna use their money for my own good. Gusto kong maglakbay na naaayon sa gusto ko at mula sa bulsa ko. My dad gave me an emergency fund and so as my brother pero hindi ko naman ginagamit.
"Rain, hey, Rain?"
Iniangat ko ang aking ulo mula sa pagkakasubsob sa mesa at tinignan kung sino iyon at isa sa mga kaklase kong babae ang nasa harapan ko.
"Yes? What is it?" Itinuro nito ang bandang pintuan kung saan naroon ang grupo ng tatlong lalaki na naghihintay sa labas at ang isa sa kanila ay may hawak na pumpon ng bulaklak. Nagsalubong ang kilay ko bago ko muling ibinaling ang tingin ko sa kaklase ko na nasa harapan ko pa rin.
"Who are they?"
She shrugs her shoulder. "Dunno, but they are nursing students and they asked me to call you. Labasin mo na."
Napabuga na lang ako ng hangin at saka tumango at tumayo mula sa kinauupuan ko at tinungo ang labas ng pintuan. Hinarap ko ang tatlong lalaki at tinutulak nila palapit sa akin ang lalaking may hawak ng pompon ng bulaklak.
"Pinapatawag niyo raw ako?" Natigilan sila sa pagtutulakan nang magsalita ako at saka humarap sa akin ang lalaking may hawak ng bouquet.
"Ah, ako nga pala si Gauge Hymnthon, para sa'yo nga pala." Iniabot nito sa akin ang pompon ng bulaklak na agad kong tinanggap dahil nakakahiya naman kung tatanggihan ko. Hindi rin naman ito ang unang beses na may pumupunta sa classroom ko para mag bigay ng chocolates at bulaklak na si Misty lang din ang nakikinabang. "Ano, gusto ko sana mang ligaw kung okay lang sa'yo?" napakamot pa ito sa kanyang batok at tila nahihiya ito sa akin.
"Uhm, I am not that pretty para punan mo ng oras ang isang tulad ko,"
"Just give me a chance, Rain. I know its kind of a bit weird since I approach you with flowers but I like you, Rain Elisia Santiago,"
Namataan ko sa pasilyo ang prof namin kaya muli kong ibinaling ang atensyon ko kay Gauge. "Okay, I'll see you later at cafeteria. Nandyan na ang prof ko."
Biglang lumiwanag ang mukha ni Gauge at saka ito nagpaalam sa akin bago ako pumasok sa loob ng room. Pinagtitinginan pa ako ng mga kaklase ko dahil ang aga-aga, may hawak na agad akong pompon ng rosas. Umupo ako sa aking silya at inilagay sa ilalim ng mesa ang bulaklak at saka ako umayos ng upo na tila walang nangyari at saka ako pumangalumbaba sa mesa hanggang sa pumasok ang professor namin ngayong umaga.
May itsura rin naman si Gauge, gwapo at malinis tignan ngunit pakiramdam ko, wala sa kanya ang lalaking hinahanap ko but oh well, try and try since I want to enjoy my life.
Ilang ex's na ba ang meron ako? Tatlo? Lima? Hindi ko na alam.
Bawat departamento ata ng college course dito sa LA University ay napasok ko na dahil hindi naman nagtatagal ang mga lalaki sa akin bilang girlfriend nila. I am too stiff to date with even though I tried so many times but all of them are failed.
Gusto ko kasi yung parang pagmamahal ng Daddy ko. I idolize my Dad on how he treats my mom as his queen and me as his princess. Even Kuya Summer got that attitude even though his called pero hindi siya nakaligtas sa kabaliwan ng isang Metallica Natalia Alegre.
I want a relationship like bestfriend in public but lovers in private. Ayaw ko kasi yung maraming nakakaalam dahil marami rin ang mangingialam na tila bawat galaw namin ay mali para sa kanila.
"So, are you free this Saturday?" nabalik ako sa huwisyo nang magsalita si Gauge sa harapan ko at doon ko lang napagtanto na nasa cafeteria na kami at kaming dalawa lang ang magkaharap sa mesa habang si Misty at ang dalawang kaibigan ni Gauge ay nasa kabilang mesa.
Kumunot ang aking noo.
Sobra ba akong tulala kanina to the point na hindi ko namamalayan ang mga nangyayari sa paligid ko?
"Is that a date?" sambit ko na lamang bago ko kinuha ang isang plato na may lamang spaghetti at croissant bread na mayroong chocolate syrup.
"Am I that too fast? I want to know you better before I officially court you,"
Wala namang ibang pupuntahan ang paglapit niya sa akin kundi ang maging girlfriend niya ako.
"Not really, kung gusto mo tayo na agad."
Laglag ang panga ni Gauge sa akin at napatingin ako kay Misty ngunit ang bruha ay masaya sa dalawang kaibigan ni Gauge.
"S-Seryoso ka ba dyan?" hindi makapaniwalang tanong nito kaya naman ngumiti ako sa kanya.
My innocent toxic sweet kind of a smile that everyone will bow down at me.
"Yeah, hindi mo naman kailangang manligaw ng matagal dahil doon din naman tayo pupunta at kapag nagsawa na tayo sa isa't-isa, you can abandon me whenever you want."
Tila napako sa kanyang kinauupuan si Gauge at mukhang pinoproseso nito ang sinabi ko. Hinayaan ko na lamang ito at saka nilantakan ang pagkain na nasa harapan ko. Sa totoo lang, pinagbabawalan ako ni Daddy at ni Kuya Summer na magka-boyfriend but what can I do? Sila mismo ang lumalapit sa akin at binibigyan ko lang sila ng prebilihiyo na makasama ako sa maikling panahon. Ika nga ng iba ay enjoy life before you die.
Hanggang sa mag-uwian, sabay kaming dalawa ni Misty na naglakad palabas ng campus at nawala ang ngiti sa labi ko nang makita si Kuya Cyrus na mayroong kausap na tatlong babae at nakangiti pa ang damuho.
"Si Papi Cyrus yan 'di ba? Hindi ako namamalikmata?" bulong sa akin ni Misty nang huminto ako bigla matapos kong mamataan si Kuya Cyrus na naghihintay sa labas ng campus.
Wala si Gauge dahil nagkaroon sila ng club meeting bigla which is fine with me since I don't want him to follow me wherever I go. Baka malaman ni Kuya Summer na may boyfriend ako edi na lintikan na?
"Oo at mukhang nangongolekta na naman ng babae. Take note, mga accountancy student pa."
"In fairness naman kay Papi Cyrus habang tumatagal lalo siyang gumagwapo. Kailan kaya ako makakasama sa koleksyon niya bilang babae?"
Laglag ang panga ko sa sinabi ni Misty kaya naman napabitaw ako mula sa pagkakayakap sa kanyang braso nang bigla itong bumunghalit ng tawa.
"Your face looks hilarious, Rain Elisia," tawa ng tawa si Misty habang nakaturo pa sa mukha ko kaya naman hinampas ko ang braso nito kaya tumigil ito sa kakatawa habang hinihimas ang nasaktang braso nito.
"Bwisit ka! Hindi magandang biro yung sinabi mo. Ang tulad ni Kuya Cyrus na natikman na ng lahat ay hindi nararapat sa tulad mong maganda, Misty!"
"Ito naman ang seryoso agad. Binibiro ka lang eh. Pero crush ko si Cyrus, bestfriend. Bulag ako pagdating sa pulang bandila." Lalo itong humalakhak sa bawat katagang lumalabas sa kanyang bibig kaya naiinis na iniwan ko ito.
"Hoy, Rain Elisia, hintayin mo ako!"
Tinawid ko ang distansya namin ni Kuya Cyrus nang hindi pinapansin ang pagtawag ni Misty sa pangalan ko. Pagkahintong pagkahinto ko sa harapan ni Kuya Cyrus, pumamewang ako at saka ako nagsalita.
"Anong ginagawa mo rito, Cyrus Kai Fellowes?" naagaw ko ang atensyon nilang apat bago muling ibinaling ni Kuya Cy ang atensyon niya sa tatlong babaeng kausap niya.
"Sorry, ladies but my baby is here. Usap na lang tayo sa susunod." Napangiwi ako nang humalik pa sa pisngi ni Kuya Cy ang tatlong babae at para silang uod na nagsiiritan nang lisanin nila ang harapan namin ni Kuya Cy. Bumaling ang tingin nito sa akin at muling sumilay ang magandang ngiti nito sa kanyang labi na kayang bumihag ng kababaihan dito sa mundong ibabaw. "Full name na ngayon ang tawag mo sa akin, baby? Bakit hindi mo na lang din ikabit ang apelyido ko sa pangalan mo?"
Umismid ako. "Hindi ko pinangarap na mapasama sa angkan mo. Ano bang ginagawa mo rito?"
"As usual, your older brother asked me to fetch you but since you are going to the mall, I'll accompany you."
"Kasama ko si Misty at hindi ko kailangan ang presensya mo. Mahawaan mo pa ako ng virus mo."
"Ouch!" Umarte pang nasasaktan ito at napahawak sa kanyang dibdib. "Isusumbong kita sa Kuya mo na nakipag-date ka at tinaboy mo ako, baby Rain,"