Kabanata 4: Books

1684 Words
RAIN'S POV: Dala ng inis ko, napapadyak ako sa lupa at parang gusto kong tadyakan si Kuya Cyrus. "Hindi ako makikipag-date!" "Isama na lang natin si Papi Cyrus, Rain Elisia," napaigtad ako nang biglang magsalita si Misty sa tabi ko at umakbay pa ito sa aking balikat habang nakangiti kay Kuya Cyrus. Baklasin ko kaya ang labi nito? "See? Even your friend wants me to accompany you, baby Rain. Come on, get inside the car." Umayos ng tayo si Kuya Cyrus at saka nito binuksan ang backseat at agad na tumakbo si Misty papasok ng sasakyan kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod ngunit bago pa man ako makapasok ay muli akong itinulak ni Misty palabas. "Girl, sa harapan ka. Gagawin mo pang driver si Papi Cyrus mahiya ka naman!" Inirapan ko ito bago ako umatras at ako na mismo ang nagbukas ng passenger seat at padabog na naupo ako doon at inilagay sa ibabaw ng aking hita ang bag ko. Pumasok na rin sa driver seat si Kuya Cyrus at saka nito pinaandar ang sasakyan at nilisan ang university kung saan kami nag-aaral ni Misty. Tahimik na binaybay namin ang kahabaan ng EDSA hanggang sa mapadpad kami sa malapit na mall; ang De'Rail Mall na pagmamay-ari ng isa sa mga bokalista ng bandang BlackHand. I unexpectedly meet them because of Ate Mental. Kaibigan niya kasi ang mga ito kaya bawat concert nila ay may libre kaming ticket at VVIP pa. Nang maiparada ni Kuya Cy ang sasakyan, kinuha ko lamang ang wallet at phone ko at iniwan ko na ang bag ko sa upuan since alam ko namang sa bahay din naman mananatili si Kuya Cy. Routine na nilang gawing tambayan ang bahay namin at tila hindi sila nagsasawa sa presensya ng isa't-isa habang ako ay nauumay na sa pagmumukha ni Kuya Cyrus. Kumapit ako sa braso ni Misty nang pumasok kami sa elevator at nasa tabi ko si Kuya Cyrus, sa third floor kami pupunta kung saan naroon ang national book store na siyang pupuntahan namin ni Misty para bumili ng gamit. Nang tumunog ang elevator, agad kaming lumabas at sumalubong sa amin ang malamig na hangin mula sa aircon ng mall. Nauna kaming maglakad ni Misty habang si Kuya Cy ay nasa likuran lamang namin at literal na bodyguard namin siya ngunit hindi maiwasan na agaw atensyon ang lalaking kasama namin dahil bawat madadaanan namin ay napapalingon kay Kuya Cyrus. Talo pa nito ang celebrity na tila nagliliwaliw sa loob ng mall pero ang totoo isa itong businessman at isa sa mga nagmamay-ari ng SFHWV. Pagkarating namin sa book store, kumuha kami ni Misty ng tig-isang basket at saka kami nag-usap kung alin ang uunahin. "Card board, cartolina, glue, gunting, ruler at Pentel pen ang bibilhin natin. Sa card board ako una, ikaw ba?" ani ni Misty. "Punta muna ako sa highlighter since I need those." "Okay. Magkita na lang tayo sa counter." Naghiwalay kaming dalawa ni Misty at tinungo ang magkaibang direksyon ng mga estante na narito sa loob ng national book store. Tinungo ko ang lugar kung saan naroon ang mga highlighters at ballpen na kailangan ko. "What kind of project you want to do this time?" Nagulat ako nang biglang magsalita si Kuya Cy sa tabi ko at akala ko sumunod siya kay Misty. "A model of an airplane daw po na gawa sa cardboard or something that related into recycled materials." Kinuha ko ang isang balot ng highlighters at ballpen na ilalagay ko sa study table ko. "Group ba yan o individual?" Umalis si Kuya Cy sa pagkakasandal sa estante at sumunod ito sa akin kung na saan si Misty. "Individual po. Wait, pahawak muna, Kuya," iniabot ko kay Kuya Cy ang basket na hawak ko nang may mahagip ako sa parteng bookshelf kung saan naroon ang mga fiction at nakita ko ang pangalan ni Kuya Luther dahil mayroon itong sariling bookshelf. Lumapit ako roon at tumambad sa akin ang Bloodfist Series, Hello Series, HuPoFEL Series at Bloodfist Next Generation. Kumuha ako ng isa at binasa ang Hello, Ulan na nakuha ko at nagtaka ako kung bakit kapangalan ko ang character na nasa libro. "Kuya Cy tignan mo ito." Lumapit sa akin si Kuya Cyrus at tumayo ito sa likuran ko at sinilip ang librong hawak ko. "Bakit nandito ang pangalan mo?" Kumuha rin ng isang libro si Kuya Cy sa estante at binasa niya iyon. "Hello, Mental? Bakit nandito ang pangalan ni Dyrroth at Mental? Even Helio, Luca and Theros are here too." Nagkatinginan kaming dalawa. "Coincidence ba ito?" tanong ko. "Maybe or maybe not? Kung sino man ang author nito, saludo ako sa kanya." Ibinaba ni Kuya Cy ang hawak niyang basket na binigay ko sa kanya kanina at saka ito kumuha ng kopya ng Hello Series kung na saan ang mga pangalan namin at maging ang ibang series ay hindi nito pinalagpas. "Babasahin mo yan lahat?" hindi makapaniwalang tanong ko na halos matabunan ang highlighter at ballpen ko. "Why not? Suporta na rin sa author ito at isa pa curious ko sa kwento nina Dyrroth, Helio, Luca, Theros at lalo na sa akin. Come on, kumuha ka na ng sayo. Ako na ang magbabayad." Yung project materials na bibilhin ko dapat ay nauwi sa pagbili ng libro. Iniwan namin sa counter ang basket at ibinilin sa cashier bago kumuha ng panibagong basket si Kuya Cy at saka kami tumungo sa lugar kung saan naroon si Misty. Nadatnan ko itong nakatitig sa hilera ng mga cartolina kaya naman lumapit na ako sa kanya. "Kompleto na ba ang materials mo?" usisa ko. "Hmm... hindi pa eh. Naguguluhan kasi ako sa kulay ng purple, violet at lavender." Napangiwi ako. "Hindi ba't pare-pareho lang iyon?" "Ikaw nga naguguluhan sa green tea at macha, nagreklamo ba ako sa'yo?" Hinawakan ko ang braso ni Misty at inilayo kay Kuya Cy. "Hoy! Nakakahiya ka. Paano kung marinig ni Kuya Cy iyon edi napagkamalan tayong weirdo?" "Oy, nahihiya kay Papi Cyrus. Crush mo na ba?" pang-aasar pa nito. "Gaga, hindi! Bilisan na nga natin." Ngumisi lang si Misty sa akin at saka kami nagpatuloy sa pagbili ng mga gagamitin at nang makompleto namin lahat, pumunta na kami sa cashier at si Kuya Cy ang humarap sa counter. "I'll pay everything. Pati yung books na binili namin." Kinuha ni Kuya Cy ang wallet sa likod ng kanyang pantalon at napatingin si Misty sa akin. "In fairness naman sa kanya, hindi lang gwapo, gentleman at magwawaldas din ng pera para sa atin. Pero para saan ang libro?" bulong nito sa akin. "Uh, may nakita kasi kaming estante ng libro sa kabilang bahagi nitong national book store and something caught our interest. Alam mo yung Bloodfist Series?" "Oy yung kay Luther Aqueros? Nabasa ko na iyon lahat pati yung Hello Series at iba pa. Speaking of, kapangalan niyo yung isang series sa libro. Ano ba title non?" Napaisip si Misty ngunit agad ko itong sinagot. "Yung Hello, Ulan? Nakita namin ni Kuya Cy iyon at binili namin lahat ng series kaya may librong kasama ang pinamili ko." "Yown! Hello, Ulan nga. Grabe iyong iyak ko don dahil sa character ni Rain na kapangalan mo lang din. Bakit ngayon ko lang na-realize na same kayo ng pangalan pati ni Cyrus?" "Malawak ang mundo ng fiction at hindi naman sinasadya na may pagkakapareho ng pangalan, buhay o patay man. Kaya nga may nilalagay silang disclaimer sa unang pahina ng libro eh." Humalukipkip si Misty. "Kunsabagay, tama ka." Matapos bayaran ni Kuya Cy ang mga pinamili namin, kinuha ko sa kanya ang paper bag at plastic na naglalaman ng light materials maging kay Misty ay siya na rin ang nagbitbit. Ang mga libro naman na binili nito ay si Kuya Cy mismo ang nagdala kasama nong akin dahil masyado 'yong mabigat kung ako ang magdadala. Pagkalabas namin ng book store, biglang nagsalita si Kuya Cy. "Should we eat dinner first before we go home?" "Ikaw ba Misty?" baling ko sa kaibigan ko. "Sa bahay na lang siguro saka nakakahiya na sa'yo, Papi Cyrus. Ikaw na nga ang nagbayad ng materials ko pati dinner sasagutin mo rin? Baka asawahin kita bigla?" Natawa si Kuya Cy sa tinuran ng aking kaibigan. "May pagka-joker ka rin pala pero kung ayaw mo, ihahatid ka na lang namin ni baby Rain pauwi sa bahay niyo." "Mabuti pa nga. Kailangan ko na rin kasing simulan ang project namin." Nagpasya kaming umuwi na lamang at tulad ng sinabi ni Kuya Cyrus, hinatid namin sa bahay nila si Misty at nang makapagpaalam kami sa kaniya, napabuga ako ng hangin at pabagsak na isinandal ang likuran ko sa passenger seat. "You look tired?" usisa nito nang hindi man lang inaalis ang tingin sa kalsada which is right for him since he's the driver. "Nagugutom na ako, Kuya. Drive thru na lang tayo." "Psh! Dapat sinabi mo kanina bago natin ihatid ang kaibigan mo edi sana may naiuwi rin siya." Kinabig nito ang manibela papunta sa malapit na drive thru. "Sorry naman 'di ba? Pagod na nga ako, ayaw mo pa akong pakainin." nakangusong wika ko at saka ako humalukipkip sa kinauupuan ko ngunit inabot ni Kuya Cy ang aking ulo at marahang ginulo ang aking buhok. "Ito naman nagtatampo agad. Pakakainin ko na nga ang baby ko." Sa isang fast food chain kami napadpad at si Kuya Cy mismo ang nag-order ng pagkain ko. Sakto nagki-crave ako ng chicken nitong sikat na fast food sa buong bansa kaya naman lumapit ako kay Kuya Cy at itinukod ang aking palad sa kanyang hita bago ako dumungaw sa bintana para sabihin ang gusto kong pagkain. "Padagdag na rin po ng coke float, one bucket chicken and spaghetti po tyaka burger. Pa add na rin po ng sundae, thank you!" Bumalik ako sa pwesto ko at nagsalubong ang kilay ko nang makita tulala si Kuya Cy kaya naman pinitik ko ang noo nito. "Kuya Cy, umabante ka na." Umalon ang lagukan nito bago wala sa sariling kinabig ang kambyo at sinimulang paandarin ang sasakyan. "Dang, you're killing me, baby." Bulong nito sa sarili at tanging baby lang ang narinig ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD