Kabanata 5: Eroplano

1507 Words
RAIN'S POV: "May sinasabi ka Kuya?" usisa ko. "Wala. Isang tawag mo pa ng Kuya sa akin, bubuntisin kita-- Ahh! Rain Elisia!" Kinagat ko ang braso ni Kuya Cy at muntikan niya akong ma siko kung hindi niya napigilan ang kanyang sarili kaya naman bumusangot ang mukha ko. "Minsan ba naisipan mong magmumog ng holy water araw-araw? Ang dumi ng bunganga mo!" "Listerine ang gamit ko, hindi holy water. Umayos ka nga ng upo! Nakikita ko ang pink mong underwear!" Nanglaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya kaya agad kong hinawi ang nalilis kong palda nang dumungaw ako sa bintana kanina. "Bastos mo!" Umismid lang si Kuya Cy hanggang sa mapadpad kami sa bintana kung saan pwedeng makuha ang order at ito na mismo ang nagbayad. Nang makuha namin lahat, muling binaybay ni Kuya Cy ang daan pauwi sa aming bahay at pagkarating namin, kompleto ulit ang tropa at sabi ni Mommy ay nag-iinuman sa bakuran sina Kuya Summer, Kuya Helio, Kuya Luca at Kuya Theros. "Puntahan mo na lang sa bakuran ang mga kaibigan mo, Cyrus," habilin ni Mommy nang makapasok kami sa loob ng bahay. "Ah, sige po, Mommy. Ihahatid ko lang po ito sa kwarto ni baby Rain-- aray!" Hinampas ko ang braso ni Kuya Cy kung saan yakap-yakap niya ang libro at bitbit ang project materials ko habang ang dala ko naman ay ang pagkain na binili niya para sa akin. "Anong Mommy!? Ang kapal ng mukha nito! Di ka namin kapatid." singhal ko rito at pinanlakihan ko pa siya ng mga mata. "Mommy oh, inaaway ako ng anak mo." Tatawa-tawa lang si Mommy dahil kay Kuya Cy. Sanay naman siyang tawagin ni Kuya Cy na Mommy, sadyang mapapel lang ang isang ito. "Ikaw talaga bata ka. Ihatid mo na iyan sa kwarto ni Rain at kumain ka na ng hapunan. Rain Elisia magbihis ka na rin ng damit." Tumango ako kay Mommy at saka ako nagmartsa papunta sa kwarto ko dalawa ang pagkain na binili namin. Dito na lang ako sa kwarto ko kakain dahil gagawin ko na rin ang project ko habang maaga pa. Pagpasok na pagpasok ko sa aking kwarto, inilagay ko sa bed side table ang plastic na naglalaman ng isang bucket ng chicken, spaghetti, coke float at sundae habang si Kuya Cy naman ay inilapag sa study table ko ang mga gagamitin ko mamaya. "Iiwan ko muna itong mga libro ko bago ako umuwi. Pupuntahan ko lang sina Dyrroth," aniya. "Okay po. Lumayas ka na bago pa kita itapon sa labas ng kwarto ko." "Wow? You're welcome baby Rain. Ang sweet mo talaga sa akin kahit kailan!" Nilayasan ako ni Kuya Cy at napapailing na pumasok na lang ako ng banyo at saka ako nagbabad sa bath tub. From a tiring day without doing nothing inside our school makes me want to roll down on my bed and sleep without waking up. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako at pagigising ko ay nasa kama na ako gayong sa huling pagkakaalala ko ay gumagawa ako ng project kaya naman agad akong napabalikwas ng bangon para tignan ang study table ko ngunit ganoon na lamang ang aking gulat nang makitang buo na ang model airplane na siyang project naman. Mula sa labas na anyo nito ay tila mamahaling materyales ang ginamit gayong card board, cartolina at colored paper lamang ang ginamit. Pinasadahan ko ng aking daliri ang eroplanong iyon at napaka pulido ng pagkakagawa na tila isang eksperto ang siyang naglagay nito. “Baka si Kuya Summer ang bumuo nitong eroplano ko?” bulong ko sa aking sarili habang may nakapaskil na ngiti sa aking labi. Nilinis ko muna ang aking mesa bago ako pumasok ng banyo para maligo. Byernes na ngayon at kailangan ko nang maipasa ang project ko. Mas gusto ko kasi iyong ako lagi ang nahuhuli sa pagpapasa ng mga requirements or project ko sa school kasi nakaka-cool kid iyon. Natutunan ko lang sa mga kaibigan ni Kuya Summer at sino pa ba ang tinutukoy ko? Walang iba kundi si Kuya Cyrus. Matapos kong maligo,suot ang itim kong roba, lumabas ako ng banyo at agad na tinungo ang aking walk-in closet at kinuha ang aking uniporme bilang flight attendant. Nagbihis na ako at saka ako nagmadaling lumabas ng kwarto dala ang project ko at ang maliit kong bag na walang ibang laman ay wallet, cellphone at ballpen. Hindi naman na kailangan ng sandamakmak na libro at notebook sa kolehiyo dahil more on hands on ang ginagawa namin. “Oh, Rain, bakit nagmamadali ka?” Nakasalubong ko si Mommy sa sala kaya naman agad akong huminto at hinalikan siya sa kanyang pisngi. “Good morning, Mom. Nasaan po si Kuya?” Inilapag ko muna sa isang sulok ang project ko para hindi magalaw ng mga taong nandito sa bahay. Sayang naman kung masira at isa pa last submission na naming ng project na iyon. “Nasa bakuran. Ang ganda naman niyan? Project niyo ba?” tukoy ni mommy sa airplane model ko which is nakakaagaw naman talaga ng pansin dahil sa kakaibang desisnyo nito. It looks like a robot like Optimus Prime but it has unique design that the engineers would gladly die for to have this kind of project if ever maging literal na eroplano ang hawak ko. “Opo. Kaya nga hinahanap ko si Kuya para magpasalamat sa kanya kasi tinapos niya ang project ko. Nakatulogan ko nap o kasi.” Nagsalubong ang kilay ni Mommy. “Lasing ang kapatid mo kagabi. Paanong matatapos niya iyan kung wala naman siya sa katinuan?” Nangunot ang aking noo. “Eh sino po ang gumawa niyan? Don’t tell me may fairy god mother ako na kayang gawin ang imposible?” “Aba’y hindi ko alam. Itanong mo na lang sa Kuya mo at sumabay ka na sa kanila sa pag-aagahan.” Tinanguhan ko na lamang si Mommy at saka ako naglakad patungo sa aming bakuran. Parang daily routine na rin naming gawing tambayan ang bakuran dahil bukod sa sariwa ang hangin, maganda pa ang tanawin. Nadatnan ko sina Kuya Summer at Ate Mental kasama si Iron na tahimik na kumakain. “Good morning Kuya, Ate and baby Iron,” ginawaran ko sila ng halik sa pisngi bago ako naupo sa harapan ni Ate Mental nang mapaungol si Kuya Summer. “Ang baho mo Rain Elisia! Ginagawa mo bang tubig pang ligo ang cologne mo?” busangot ang mukha nito habang kinukuskos ang kaniyang ilong. “Cologne nga eh, paanong naging mabaho? Ang aga-aga, Kuya huwag mo akong inisin. Gusto pa naman sana kitang sabihan ng thank you pero ngayon pa lang ay binabawi ko na.” Inilapag ko sa libreng upuan ang bag ko bago ako kumuha ng plato at sinalinan ng pagkain iyon. Heavy breakfast ang ganap namin ngayon kaya tumataba ako eh. Nakita ko rin ang bucket chicken na binili ni Kuya Cy sa akin kahapon at ang sundae na nilalantakan ng pamangkin ko. “Para saan naman iyang thank you mo? Kung hihingi ka sa akin ng pera, wala ako no’n.” “Psh! Kuripot! “ I snorted. “Gusto ko lang mag-thank you kasi ginawa mo iyong project ko kahit hindi ko inuutos.” Nagsalubong ang kilay ni Kuya bago ito sumandal sa kaniyang kinauupuan. “Anong project? May project ka?” Si Ate Mental na mismo ang nagtanong. “Iyong airplane model po. ‘Di ba sabi ko pupunta kami ni Misty sa mall para bumili ng materials para sa project naming kaso nakatulogan ko kagabi kaya hindi ko natapos pero paggising ko buo na siya.” “Hindi ako pumasok sa kwarto mo kagabi, Rain Elisia. Masyado akong lasing at nakatulog na ako kagabi.” Sagot ni Kuya Summer sa akin. “Eh sino po ang gumawa ng project ko?” “Baka si Cy. Sabi niya kasi sa akin kukunin niya ‘yong libro sa kwarto mo kaso inaantok na rin ako kaya hinayaan ko na. Tanungin mo na lang siya mamaya pag nagkita kayo. Araw-araw namang pumupunta rito ang apat na tukmol na iyon para tumambay na akala mo mga teenagers.” Natawa ako sa sinabi ni Ate Mental dahil nalalasahan ko ang pait sa kanyang tono. Hindi pa rin siya sanay sa presensya ng mga kaibigan ni Kuya Summer samantalang ako ay araw-araw kong nakikita at ako na nga mismo ang umiiwas ngunit hindi ako pinagbibigyan ng pagkakataon at lagi kaming pinagtatagpo ni Kuya Cyrus. “Sige po. Akon a lang ang magtatanong sa kanya mamaya. Anyway, ihahatid mop o ba ako sa school, Kuya?” Kuya Summer massages his temple. “I can’t drive you to school. I can ask Luca or Helio if you want.” “Sige po.” Tinapos ko na lamang ang pagkain ko at makalipas lamang ang ilang minute nakarinig kami ng busina kaya naman agad akong tumayo mula sa kinauupuan ko at nagmamadaling kinuha ang project ko bago ako lumabas ng gate namin. Nadatnan ko si Mommy na kausap si Kuya Helio at Kuya Luca kaya naman agad akong nagpaalam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD