Kabanata 6: Permiso

1480 Words
RAIN'S POV: “My, papasok na po ako,” muli akong humalik sa kanyang pisngi bago ko isinukbit ang bag ko sa aking balikat. “Ang angas ng eroplano mo Rain ah? Ikaw ang may gawa?” Napatingin ako kay Kuya Theros na kasama pala ni Kuya Helio at Kuya Luca. Nakadungaw ito sa backseat ng sasakyan. “Ah, hindi po. Si Kuya Cy daw po ang gumawa.” Pumaskil ang kakaibang ngisi sa labi ni Kuya Theros ngunit hindi ko na lamang pinansin iyon at muling ibinaling ang paningin ko kay Mommy. “Bye mommy.” “Ingat ka Rain Elisia. Tawagan mo ako o ang Kuya mo kung may kailangan ka, okay?” “Yes, ‘my. I love you po.” Sa backseat ako tumuloy at inabot ni Kuya Theros ang hawak kong card board kung saan naroon ang eroplano ko para makaupo ako ng maayos at saka naman pumasok si Kuya Helio sa driver seat at si Kuya Luca naman sa passenger seat. “Akalain mo nga namang may talent sa pagdidisenyo ng eroplano ang isang iyon? Akala ko puro pambababae lang ang alam?” ani ni Kuya Theros nang paandarin ni Kuya Helio ang sasakyan habang sinisipat nito ang airplane model ko. “Dude, we’re all engineers. What do you expect?” wika naman ni Kuya Helio. Iniabot sa akin ni Kuya Theros ang airplane model project ko kaya naman inilagay ko ito sa ibabaw ng aking hita. Unexpected nga na kayang gumawa ni Kuya Cy ng ganitong kakaibang modelo ng eroplano lalo na’t tinagurian siyang babaero at tila wala itong patutunguhan sa buhay. Sa pagkakaalam ko, matalino si Kuya Cy kaya nga mabilis siyang nakatuntong ng kolehiyo sa edad na fourteen years old habang ako abala pa ako niyan sa paglalambing sa Daddy ko para lang bilhan ako ng bagong make-up kit. Accelerated si Kuya Cy at talaga namang hindi na kaya ng edukasyon ng Pilipinas ang mga nalalaman niya ngunit ayaw niya namang mag-aral sa kilalang kolehiyo sa ibang bansa. Mas pinili nitong mag-aral dito sa Pilipinas. “Ang inexpect kong gagawin ni Cy ay modelong hubad na babae habang nakatuwad—aray!” May lumipad na bottled water sa mukha ni Kuya Theros na nanggaling mula sa kinauupuan ni Kuya Luca. “Mind your manners and keep your filthy mouth, Hansley. Mahiya ka kay Rain kung ayaw mong ibaon ni Dyrroth sa lupa.” “Sus. Hindi na bata si Rain. Pwede na nga itong gumawa ng bata, ‘di ba, baby Rain?” Napangiwi ako kay Kuya Theros. I am already twenty two years old but that kind of topic is awkward for me. “Bata pa po ako, Kuya,” “Hmm… Si Cyrus ang pwede mong tawaging Kuya, baby Rain,” “Tigilan mo nga si Rain, Theros Kir! Sisipain kita palabas ng kotse.” “Ang harsh mo sa akin Papi Helio. Gusto mo ba ng morning kiss? Bibigyan kita?” Hindi pinansin ni Kuya Helio si Kuya Theros, bagkus itinutok na lamang nito ang atensyon sa kalsada at ako naman ay napatitig sa eroplanong nasa harapan ko. ‘Kung sakaling maging totoong eroplano ka, makakasakay kaya ako sa’yo?’ Pinagkaguluhan ang eroplanong dala ko matapos kong maipasa ito sa prof namin at mabigyan ng magandang grado. Hindi sila makapaniwala na kaya kong gumawa ng ganito kagandang proyekto. Hindi ko naman pinaalam na si Kuya Cy ang may gawa nito lalo na’t alam nilang engineer ang kapatid ko. Ang eroplano ko lang ang kakaiba sa lahat kaya namamangha ang sino mang makakakita nito maging ang terror kong prof ay pinuri ako. Ayoko namang kunin ang lahat ng credits na dapat ay kay Kuya Cy kaya nginingitian ko na lamang ang mga ito. “Rain, hinahanap ka ni Gauge,” untag sa akin ng isa kong kaklase at pagtingin ko sa labas ng pintuan ay naroon nga ang lalaki at mag-isa lang ito. Nagpasalamat ako sa aking kaklase at saka ko iniwan ang project ko sa ibabaw ng aking mesa at lumapit kay Gauge. “Hinahanap mo raw ako?” napakamot sa kanyang batok si Gauge at tila nahihiya. “Well, I’m your boyfriend that’s why I am looking for you. Susunduin ba kita sa bahay ni’yo?” “Huwag!” Nagulat si Gauge sa biglaang kong pagsigaw ngunit agad akong ngumiti ng alanganin sa kanya. “I mean, magkita na lang tayo sa De’Rail Mall bukas after lunch. Kailangan ko pa kasing magpaalam sa parents ko,” “Ah, ganoon ba? Can I have your number then?” iniabot niya sa akin ang kanyang phone na latest model ng mansanas. Inilagay ko sa kanyang phone book ang alternate number ko dahil hindi ko pwedeng ibigay sa kanya ang personal number ko dahil tanging pamilya ko lang ang nakakaalam niyon at ang bestfriends ni Kuya in case magkaroon ako ng emergency kung hindi ko ma contact ang kapatid ko. “Here,” ibinalik ko sa kanya ang phone niya, “kita na lang tayo sa cafeteria.” “Sure. I’ll go then.” Tinanguhan ko na lamang ito at saka tinanaw ang papalayong pigura nito hanggang sa mawala siya sa paningin ko at saka ako pumasok sa room namin. Oras na rin ng klase naming kaya nagsibalikan na ang mga kaklase ko sa kanilang upuan at pumasok ang prof naming na si Mrs. Fernandez; isa sa mga terror na teacher naming. “Good morning class,” mataray na bati nito na akala mo ay laging sasabak sa gyera. Ni hindi naming nasisilayan ang ngiti nito dahil lagi lamang itong seryoso. Tumayo kaming lahat upang batiin ang aming prof. kahit nakakawalang gana ang mukha niya ngayong umaga. “Good morning Mrs. Fernandez,” muli kaming naupo sa aming silya at inayos ko ang airplane model ko na nasa mesa ako at isinantabi muna iyon, although, puro lecture naman ngayon kahit na school fest namin next week. “Since school fest na tayo next week at tapos na rin ang exams niyo, mag-iiwan na lang ako ng notes para pag-aralan ninyo sa susunod na linggo.” Nagdiwang ang mga kaklase ko dahil sasalubungin namin ang weekends na walang poproblemahin mula sa aming academics. Binabawi ko na pala ang sinabi ko kanina na nakakawalang gana ang mukha ni Mrs. Fernandez, ang cool niya ngayon. One of my classmates asked by Mrs. Fernandez to distribute the photocopy for her next lesson. Lahat kami ay nakahinga dahil wala kaming iisipin bukod sa mag-enjoy at magsaya kasama ang ibang estudyante ng LA University. Nang mapunta sa akin ang isa akong classmate at binigyan niya ako ng kopya, biglang nagsalita si Mrs. Fernandez kaya nagulat ako. “Siya nga pala Miss Santiago, pinapasabi ng Dean nang Architecture kung pwedeng mahiram ang airplaine model mo for their reference?” Tumayo ako mula sa kinauupuan ko na parang nasa recitation. Respeto kasi namin iyon sa taong nagtatanong sa amin, kaklase o guro man. “Uhm, p-pwede naman po. Pero itatanong ko po sa Kuya ko kung ayos lang po sa kanya.” “Sige. Pag pumayag dalhin mo na lang sa Architecture Department ‘yan.” Tumango na lamang ako kay Mrs. Fernandez bago ako muling naupo at dahil wala naman kaming gagawin ngayong first subject naming, agad kong kinuha ang phone ko sa bag at nagtext kay Kuya Cy. To: Kuya Cy Hi, Kuya. Good morning. Sorry for my sudden texts message. Uhm, I just wanna say thank you for making my project and I got a high score from it but my prof asked me they can used my airplane model to the Architecture Department as their reference? Tinatanong ko lang kung papayag ka po? Matapos kong maisend ang aking mensahe kay Kuya Cy, abala na ang mga kaklase ko sa pagkukwentuhan maging si Mrs. Fernandez ay abala na rin sa teacher’s table na nasa harapan namin. Hanggang sa maramdaman kong nag-vibrate ang phone ko at lumabas doon ang pangalan ni Kuya Cy kaya naman agad kong binuksan iyon. From: Kuya Cy Sarap naman ng umaga ko, may good mornig akong natanggap mula sa baby ko. Nawala iyong hungover ko pero mas maganda sana kung may kasamang kiss emoji ‘di ba? Like “Kuya Cy, thank you. Ilove you *insert kiss emoji*” ganoon. Ang tipid mo sa akin baby. Napangiwi ako sa aking nabasa kaya naman agad akong nag reply sa kanya. “Ang landi mo, no? Kung isumbong kaya kita sa Kuya ko? Tyaka pwede po huwag mo akong tawaging baby kasi ilang babae nap o ang sinabihan mo niyan? Huwag mop o akong idamay.” “Ito naman nagtatampo agad. Wait, wala ka bang klase?” “Wala po.” Akala ko hindi na ako makakakuha ng matinong sagot kay Kuya Cy nang biglang tumunog ang phone ko kaya lahat ng mga tao sa classroom pati si Mrs. Gonzales ay napatingin sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD