Kabanata 8: Gauge

1681 Words
RAIN’S POV: Pinunasan ako ang luha na kumawala sa aking mata bago ako lumiko sa pasilyo patungong cafeteria kung saan naghihintay si Gauge sa akin ngunit pagdating ko, magkasama silang dalawa ni Misty at nagtatawanan pa silang dalawa na tila matagal na silang magkakilala at nagtaka ako kung bakit close agad ni Misty ang boyfriend ko gayong hindi ko pa naman pinapakilala ang lalaki sa kanya kaya naman naglakas loob na akong lapitan sila. “Hey, kanina pa kayo?” sabay na napalingon ang dalawa at pareho silang ngumiti sa akin na tila nagagalak na ako ay makita. Umupo ako sa tabi ni Misty at inayos ang mukha bago sila nginitian ng alanganin. “Not really. Where have you been, babe?” tanong ni Gauge sa akin dahilan para mapatingin si Misty sa akin. I know what is she thinking. “Uhm, galing ako sa arch dept kasi inutusan ako ni Mrs. Fernandez na ihatid ang project ko para gawing reference nila,” sagot ko bago binalingan si Misty, “siya pala Misty, si Gauge, boyfriend ko. Babe, si Misty bestfriend ko,” pagpapakilala ko sa kanilang dalawa. “Ah, yeah. We knew each other since she’s a cheer leader and I am one of the varsity player. I didn’t know you were best friend?” “At hindi ko rin alam na diniskartehan mo ang best friend ko. Ikaw ha? Kailan mo pa niligawan si Rain?” ani naman ni Misty. “Kahapon lang naging kami,” sagot ko dahilan para malaglag ang panga ni Misty sa akin. “Nang ganoon kabilis?” sigaw ni Misty dahilan para mapalingon sa amin ang ilang estudyante na malapit sa mesa na siyang kinaroroonan naming. “Ang O.A mo! Saan pa ba hahantong ang lahat ‘di ba doon din naman? Saka bakit ko pa papahirapan si Gauge?” Napangiwi si Misty sa akin at hinawi ang kanyang buhok. “Mas mabilis ka pa kay flash girl.” Inirapan ko ‘to at saka binalingan ang lalaki . “Babe, can you order a food for us? May pag-uusapan lang kami ni Misty,” “Sure,” tumayo na si Gauge mula sa kanyang kinauupuan at saka pumila para bumili ng pagkain namin. Napadaing ako nang hilahin ni Misty ang dulo ng buhok ko kaya naman tinignan ko siya ng masama. “Ano ‘yon ha? Bakit hindi ko alam na may jowa ka? At nursing student pa?” sita nito sa akin. Humalukipkip ako sa aking kinauupuan. “What can I do? Grasya ang lumalapit sa akin, alangan namang tanggihan ko?” “Ay iba ka, Rain Elisia Santiago. Bad girl ka na ngayon?” hindi ko sinagot si Misty bagkus nanahimik na lang ako sa aking kinauupuan. I look like an innocent and good student pero hindi nila alam na nagrerebelde rin ako kahit papaano. Akala nila matino akong tao pero pagdating sa pamilya ko nakakagawa ako ng kalokohan na hindi nila nalalaman at isa na doon ang pagkakaroon ko ng nobyo kahit na labag s gusto ng aking kuya ay ginagawa ko pa rin. What can I do? Gusto kong maranasan ang wagas na pag-ibig katulad ng kay Daddy at Mommy pati kay Kuya Summer at Ate Mental pero sa estado ng buhay ko hindi ko pa nakikita ang lalaking para sa akin. Si Yuan sana ang ideal man ko noo at nakikita kong pwede kong maging asawa ngunit sa agwat ng edad naming dalawa ay sumuko na ako sa kanya. “Manahimik ka na lang Misty at samahan mo akong isikreto sa kapatid ko ang pagkakaroon ko ng boyfriend dahil tiyak na papagalitan ako niyon kapag nalaman niya.” “Dapat si Papi Cy na lang ang pinatos mo para kapag napagalitan ka, dalawa kayong ibibitin ni Kuya Dyrroth sa labas ng bahay ninyo?” “Wow ha? Ang ganda ng suhestiyon mo?” tuluyang napahalakhak si Misty dahil sa pait ng pagkakasambit ko tungkol sa pagkakaroon ng relasyon kay Kuya Cy. Ni hindi ko nga pinangarap na mapabilang sa koleksyon ni Kuya Cy bilang babae siya at isa pa, baka ibitin talaga kami ni Kuya Summer pag nangyari iyan. “Bakit? Ang gwapo kaya ni Papi Cy tyaka successful na rin sa buhay. Kung bibigyan nga ako ng pagkakataon baka asawahin ko si Papi Cy,” Napangiwi ako, “alam mo, may point ka naman, ‘yon nga lang pointless masyado.” “Aray ha?” “Psh! Huwag mong pangarapin ang mga taong nasa taas na dahil hindi mo namamalayan baka tinatapakan ka na. Sa kaso ni Kuya Cy, marami kang makakalaban na babae, hindi lang isa kundi marami sila.” Hanggang sa makabalik si Gauge sa upuan namin dala ang tray ng pagkain, tahimik na kumain na lang ako habang si Misty at Gauge ay nag-uusap tungkol sa gaganaping school fest next week lalo na’t pareho silang kasapi ng club. Kung ako ang tatanungin, mas gusto kong manatili sa bahay at matulog ngunit alam ko namang hindi papayag si Misty na gumala kami sa araw na iyon lalo na’t isang linggong selebrasyon ang school fest namin at talaga namang inaabangan ng mga estudyante lalo na ng mga karatig na probinsiya dahil binubuksan sa publiko ang aming eskwelahan. Pagsapit ng hapon, naghiwa-hiwalay na kaming tatlo at dahil vacant ko ngayon, mas pinili ko na lang na tumambay sa library at magpalipas ng oras. Hindi ako magbabasa ng libro dahil ang balak ko ay umidlip muna saglit. Sa isang sulok ng library ang pinili kong pwesto na hindi pinupuntahan ng mga estudyante kaya naman agad akong nahiga sa sahig at ginawang unan ang bag ko. Sleeping is one of my escapes from this exhausting reality. Pumasok sa isipan ko ang imahe ni Yuan kung saan masaya pa kaming dalawa. Walang iniisip na problema, walang pakialam sa paligid naming dalawa. Kay Yuan ko naranasan ang pagmamahal na nakikita ko sa parents ko, iyon nga lang hindi kami ang nababagay sa isa’t-isa kaya hangga’t maaga pa bumitaw na ako bago pa ako tuluyang mabaliw sa kaniya. “Do you know that it’s prohibited to sleep inside the secluded area of this library?” inalis ko ang pagkakalapat ng aking braso sa ibabaw ng aking mga mata upang tignan ang taong umisturbo sa pahinga ko. Ngunit ganoon na lamang ang gulat ko nang makitang si Yuan ang nakadungaw sa akin. Napabalikwas ako ng bangon at saka inayos ang suot kong damit na kinapitan nan g alikabok. “Ano na naman ba ang gusto mo?” Gustuhin ko man siyang respetuhin bilang nasa posisyon ng school na ito ngunit hindi ko magawa dahil naiinis ako sa kanya. Umupo si Yuan sa harapan ko na parang palaka at inilapat ang isang braso nito sa bandang uluhan ko malapit sa book shelf bago niya ako tinignan ng pailalim. “What do you think should I do to you when we we are here on deep corner of this library, hmm?” I swallowed the lump on my throat as I averted my gaze away from him but he gently held my chin and pull my face so that I can look at him. “Leave me alone, will you?” Gumuhit ang mapanlarong ngisi sa labi ni Yuan at walang pagdadalawang-isip na kinabig nito ang batok at basta na lamang akong hinalikan sa labi. Dala ng aking gulat, napasinghap ako dahilan para dumiretso ang dila ni Yuan sa bibig ko at hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Napahawak ako ng mahigpit sa kanyang dibdib at akmang sasampalin ko siya nang bitawan niya ako at habol ang pareho naming hininga habang nakalapat ang kanyang noo sa akin. “I still love you, Elisia. What did you do to me? Please, bumalik ka na…” Tinabig ko ang kamay ni Yuan sa akin at marahas akong tumayo dala ang bag ko mula sa kinauupuan ko at saka ako tulalang nagmartsa palayo at iniwan si Yuan. Ayoko na nga sa kanya pero siya itong habol ng habol sa akin at isang pagkakamali yata na muli kaming magkita sa school na ito? Pabalik na ako sa classroom namin nang tumunog ang cellphone ko na pamilya ko lang ang nakakaalam at nakita ko sa caller I.D ang pangalan ni Kuya Theros kaya naman nagtatakang sinagot ko ang tawag nito. “Kuya Theros, bakit ka po napatawag?” maingay na paligid ang naririnig ko mula sa kabilang linya ngunit ang mas nakaagaw ng pansin ko ay ang mabigat na paghinga ng taong kausap ko. “Uh, baby Rain, busy ka ba?” hindi ko alam kung nag eehersisyo ba si Kuya Theros o ano ngunit hindi ko na lamang pinansin iyon lalo na’t may ideya ako kung ano ang ginagawa niya. Si Kuya Theros at Kuya Cy ang babaero sa kanilang magkakaibigan at halos record breaker ang dalawa sa pagpapaiyak ng mga babae. “Hindi naman po. Bakit po?” tuluyan na akong nakapasok sa room naming at saka ako umupo sa aking silya. Nandito na rin ang iba ko pang kaklase at maya-maya lamang ay papasok na ang huling prof naming ngayong alas tres ng hapon. “Susunduin kita mamayang uwian mo dahil iyon ang utos ng Kuya mo. Hindi kasi makakasundo si Cy dahil may sakit siya. Pwede mo ba akong samahan sa condo niya mamaya?” Meaning, hindi talaga nagsisinungaling si Kuya Cy kanina na may sakit nga siya? “Okay po. Mamayang 4pm po ang labas ko Kuya. Hintayin na lang po kita sa labas ng gate nitong school.” “Sige. I love you baby Rain,” Si Kuya Theros na mismo ang nagbaba ng tawag at napatitig na lang ako sa phone ko. Minsan talaga hindi ko mahulaan ang nasa utak ng mga bestfriends ng Kuya ko but I am thankful for them kasi inaalagaan nila ako at handa nilang tulungan si Kuya ng walang hinihinging kapalit kahit na nahihiya na ako sa paghatid sundo nila kung pwede naman akong bigyan ni Kuya ng sariling kotse at driver para hindi na kami nakakaabala sa mga kaibigan niya lalo na kay Kuya Summer.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD