RAIN’S POV: Lumipas ang mga oras na natuon ang oras ko sa paghuhugas ng pinagkainan ko at ang palanggana na ginamit ko upang punasan si Kuya Cy. Noong magkasakit si Kuya Summer noong binate pa ito ay ako ang katulong ni Mommy at tulad ni Kuya Cy, konting ulan lang ay sinisipon o nilalagnat na si Kuya Summer. Hindi ko alam kung bakit hate ang ulan gayong ang sarap kayang pakinggan ng bawat butyl ng tubig nito na pumapatak sa dahon, bubong o sa lupa man. Hindi naman ako bias porket naihahalintulad sa ulan ang pangalan ko sadyang mahal ko ang ganoong klima. Nang masiguro kong malinis na ang kusina, muli akong naglgay ng maligamgam na tubig sa maliit na palanggana at kumuha ako ng malinis na towel at saka koi to isinampay sa aking braso at binuhat ang palanggana at saka ako naglakad pabalik

