RAIN’S POV: Tulad ng napag-usapan namin ni Gauge, nagkita kami sa De’Rail mall at halos pinagtitinginan siya ng tao hindi dahil sa mukha siyang kidnapper kundi dahil sa mukha nitong nagsususmigaw sa kagwapuhan. Bakit ba kasi napili ko ang mall na ito at baka may makakita sa amin na kilala ang Kuya ko or more likely, kilala sina Kuya Helio at baka isumbong ako ng mga ito na may kasamang lalaki sa mall? Pahirapan na nga ang pagpaalam ko kay Kuya Cy na uuwi na ako dahil may lakad pa ako ng hapon at ayaw niyang maniwala dahil aniya ay tatakasan ko siya. Ang kapal ng mukha niyang alilain ako kung pwede namang ang mga babae na lang niya ang mag-alaga sa kanya hindi ba? I alreafy did my part as his nurse for the night. “Bakit busangot ang mukha mo? Wrong timing ba ang date natin?” untag ni Gau

