RAIN’S POV: Akala ko sa condo kami ni Kuya Cy didiretso ngunit siya na mismo ang nagsabi ng address ng bahay namin at hindi niya ako kinausap hanggang sa marating naming ang bahay. Pagbabang-pagbaba ko ay agad na umandar ang taxi at naiwan sa loob si Kuya Cy. Mukhang galit talaga ito sa akin kaya wala akong nagawa kundi ang pumasok na lamang sa bahay at nadatnan ko ang pamilya ko na nasa sala habang nag-uusap-usap. “Oh, Rain? An gaga mo yata? Sinilip mo na ba si Cyrus sa condo niya? Kumusta ang pakiramdam niya?” napangiwi ako sa naging tanong ni Mommy dahil wala siyang ideya na hindi naman ako galing sa condo ni Kuya Cyrus kundi sa galaan kasama si Gauge. “Uhm, he’s fine, Mom. Pwede po ba akong sa kwarto muna ako? Naalala ko may assignment po pala kami.” “Hindi ba’t sports fest ni’yo n

